PEP EXCLUSIVE Part 2: Talent manager Ed Instrella believes young filmmakers should listen to Cinemalaya Monitoring Head Robbie Tan’s advice

Ed Instrella (in photo), the manager of Alan Paule, advises young filmmakers to listen to the advice of Cinemalaya’s Monitoring Head, Robbie Tan. "Sa casting... Naniniwala naman sila sa iisang objective, e, na marami ang manood ng pelikula. So pagdating doon, may expert na nag-a-advice. And that’s Robbie Tan.

"So, ’pag narinig mo na yun from another person, yung kalayaan mo, you begin to compromise, kasi you&a


Noong Biyernes, March 2, nagpaunlak ng eksklusibong panayam si Ed Instrella, ang manager ni Alan Paule, sa Veranda restaurant located at Roxas Boulevard, Manila.

Sa naunang artikulo ng PEP.ph, sinabi ng manager ni Alan na hindi siya galit sa Cinemalaya kahit na-disqualify ng organizing committee ang entry ni Emerson Reyes titled MNL 143.

Si Alan Paule at Joy Viado sana ang mga bida ng romantic movie na ito na tungkol sa kuwento ng OFW na si Ramil at ang kanyang "long lost love" na si Mila.

(CLICK HERE to read Part 1 of PEP.ph’s interview with Ed Instrella.)

Sa panayam ng PEP.ph kay Ed Instrella, ikinuwento nito ang alam niya tungkol sa role na Mila (Joy), ang former girlfriend ng karakter ni Ramil (Alan).

"Magaling si Joy. Nag-i-stage pa ’yan," ani Ed.

"Ibahin niya lang make-up niya, iba na’ng itsura niya, e....

"Saka ang sinasabing chemistry ng dalawang artista, puwedeng gawin yun, e.

"So, yung sinasabing chemistry, ’pag pag-aaralan mo talaga ang ganoong idea, mahirap mag-impose ang Cinemalaya, kasi di mo alam talaga kung ano ang vision ng director.

"Siya yung magdidirek, e. Siya ang may vision kung ano ang gagawin niya sa material niya.

"Kaya siguro nagre-react ang director, ’cause they [Cinemalaya] keep on imposing on the casting.

"How do you know, e, hindi naman ikaw ang magdidirek?

"Hindi naman kasi ito mainstream na pelikula na you can impose on casting. So, kaya ganoon ang reaction...

"Sabi siguro ng director, ’Alam ko ang ginagawa ko, kaya ko nga kinast ’yan, e, sisirain ko ba ang sarili kong material kung wala akong plano?’"

Seryosong in love ang character ni Alan sa character ni Joy sa kuwento, ang "long lost love" nito. Ten years itong nag-Saudi, pagbalik ay wala pa ring ibang mahal si Allan kundi si Joy, kaya hahanapin niya ito. Pero may iba na itong lalaki ngayon, to be played by Gardo Versoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon na sa rebelasyon ni Alan sa separate interview ng PEP, "seryoso" at hindi comedy ang atake na gusto ng direktor.

Sa unang pagpasok ni Joy sa kuwento, hindi muna ipapakita sa screen ang kanyang mukha, kundi body parts pa lang-, at bandang huli na lang mare-reveal ang mukha ni Joy Viado.

NO FREEDOM IN CINEMALAYA? Bilang reaksiyon sa pagkaka-disqualify niya sa 8th Cinemalaya, naglabas ng official statement si Emerson Reyes, ang director ng MNL 143.

Last year, sumali si Emerson sa Short Film category ng Cinemalaya 2011. Ang kanyang entry titled Walang Katapusang Kwarto ang nanalo ng Best Film, Best Screenplay, at Audience Choice Award.

Ayon sa statement ni Emerson, wala raw "kalayaan" sa Cinemalaya.

Hindi na raw ito ang tunay na "malayang sining" na una niyang inakala noong unang lumahok siya dito simula last year.

(CLICK HERE to read related article.)

Ano ang pananaw ni Ed sa mabigat na paratang na ito ni Emerson?

"Okay lang, kasi yung mga ganyang attitude... Unang-una, karapatan niya.

"Pero yung mga ganyang stance versus the issue forces Cinemalaya to create a stand. Or to improve its present stand.

"Ina-assert ng filmmaker ang freedom niya. Na baka nga nasasaklawan in the process sa sobrang pakikialam. Na baka ang tawag natin ay hindi na-advice, hindi na guidance, kundi pakikialam na.

"Baka imposition na. Baka in their effort to really have a successful Cinemalaya, yung guidance and partnership nila, e, maging imposition na.

"O, at least, ang dating, yung other party ay nagre-react na.

"So, Cinemalaya should take a look, ’Bakit nagalit?’

"Kasi kung sinasabi nilang they have been fair and they discuss, bakit magagalit?

"Kasi, kung diniscuss talaga ’yan, hindi magagalit.

"May nasaktan, e. May nakasakit. Kahit na hindi niya intensiyong makasakit, nakasakit siya.

"Ano yung paraan niya na nakasakit siya? The way he did it?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dating mo siguro, puwede kang steam roller, ’Hindi, kasi ganito-ganyan! Hindi, ganito dapat ang gawin mo, okey?!’ Baka ganoon.

"E, yung mga bata [young filmmakers], iba siyempre ang pananaw nila, it takes time for them to digest.

"Sabi ko nga, parang anak ’yan, ’Halika nga! Ano bang problema mo?’

"Pakinggan mo nang pakinggan. It takes time to discuss with these filmmakers. "

Sa palagay niya ay ganoon dapat ang "treatment" nina Robbie Tan at Direk Laurice Guillen sa mga new breed of filmmakers na ito?

"Feeling ko. Hindi yung ’Eto ang mga rules natin, ha? Matanda na kayo, alam niyo na ’yan!’

"Di pa rin, e. Artists ’yan, e. Maraming ano ’yan, e... Hindi naman mga well-disciplined, objective, product of military rules na very stiff, e.

"Artists ’yan, e. Iba ang artists mag-react.

"They should realize... Laurice should know that. Noong bata siya, kung maka-react siya sa mga bagay-bagay, ’no!" tawa nito.

Magkakilala na sina Ed at Laurice simula nang magkasama sila sa Philippine Educational Theater Association (PETA) noong 1970s. Ano ang masasabi ni Ed sa pagha-handle ni Laurice ngayon sa Cinemalaya?

"She relies very much on Robbie Tan pagdating sa mga ganyang bagay, kasi marami siyang ibang iniisip, e, sa creative.

"Si Robbie ang parang nakaharap. Responsibility ’yan ni Robbie, e, [as monitoring committee head].

"Tatanungin ni Laurice si Robbie, ’Ano ba ang tingin mo dito, Robbie?’

"’Kasi, ganito ’yan, ganyan...’ Jurisdiction ito ni Robbie.

"Ang alam kong function ni Laurice, director ng film festival pagdating sa quality, sa creative.

"Meron pang pinaka-boss diyan, si Mr. Nestor Jardin ng Cultural Center of the Philippines, siya yung overall. Kung may problema, papasok siya.

"Robbie is talking about chemistry, e. Hindi ko pa nga kasi nababasa ang material, mamaya pa lang, kaya hindi pa ako masyado makapag-react.

"Kaya noong sinabi sa aking papalitan na raw ang film entry at wala na sa Cinemalaya, sabi ko, ’Sabihin n’yo kay Alan, nabasa na niya ang script.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inoohan ko naman as the manager because of they are enthusiastic. Umoo ako dahil it’s Cinemalaya, sa freedom ng director, at dahil nag-qualify sila. Doon ako umoo.

"Ibig sabihin, inaprubahan ng Cinemalaya, so okay ’yon.

"’Tapos, pumirma na sila [ng kontrata], okay na...

"’Tapos, nandiyan rin yung adviser nila na si Rene Durian, bilib rin ako doon. Very sharp siya pagdating sa film. Adviser ’yan ni Brillante Mendoza ngayon."

So, ang hindi niya lang malaman ay kung ano ang eksaktong naganap sa pagitan ng mga panahong unang in-offer sa kanila ni Alan ang filpelikulam, hanggang sa nangyari na nga ang gulong ito?

"Yes, ganoon na nga, kasi nga, wala ako doon. Binigay ko na kay Alan at sa director.

"Kasi ’pag ganyan, hangga’t maaari, lesser people para makagalaw, purely creative kasi ’yan, e."

Sabi pa rin ng ilang mga kritiko ni Robbie Tan sa social networks, kung ganoon na "sinasaklawan" rin nito pati casting ng Cinemalaya films ay wala raw itong pinagkaiba sa mainstream?

"’Yung salitang ’saklaw,’ you really can’t go into that, e, kasi hindi mo talaga alam kung ano ang proseso nila, e.

"Kasi ang ’saklaw,’ walang discussion. Hindi mo papakinggan kung ano ang gusto nila.

"Kasi parang ang sabi naman ng Cinemalaya, parang sila ang hindi pinakinggan."

Sabi pa ni Emerson, sumali siya sa Cinemalaya sa dahilang inakala nito na may "kalayaan" siya sa paglikha ng sarili niyang obra upang maging isang ganap na pelikula na mapapanood ng mga tao. Ngunit ani Emerson, siya ay nabigong makamit ang minimithing "kalayaan."

May komento ba si Ed dito?

"He should check that statement.

"’Pag sinabi mong kalayaan, very subjective din ’yan. So, we cannot really be objective sa kalayaan, in any given situation. Lalo na if it involves a group of people.

"Kasi may opinyong manggagaling sa iba’t ibang tao. Na porke ba hindi nasunod ang gusto mo, hindi ka na malaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Remember, this is a group effort. This is not a solo effort.

"So you have to be careful with words, ’tulad ng ’sinaklawan ang kalayaan’

"’Pag sinabi mong gusto mong panoorin ng maraming tao [ang pelikula], ’yan ang trabaho ni Robbie Tan—gusto niyang panoorin yun ng maraming tao. Kaya siya nag-i-input."

So, yun ay professional input ni Robbie?

"Oo, e, ang bagong filmmakers, ano ang alam nila sa market?"

Disappointed nga raw si Emerson Reyes. Wala raw palang kalayaan ang filmmaker na pumili ng artistang gaganap, kung hindi dito sumasang-ayon ang mga taong nagpapatakbo ng festival.

Yun daw ang dahilan niya sa kanyang pagtutol sa "baluktot na daan" tungo sa tunay na malayang sining, na ipaglalaban daw niya.

Ano ang reaction dito ng veteran talent manager and indie supporter?

"Pinakialaman ba ang material [kuwento] niya? Kung hindi, e, di malaya naman siya sa material niya.

"Sa casting... Naniniwala naman sila sa iisang objective, e, na marami ang manood ng pelikula.

"So, pagdating doon, may expert na nag-a-advise—and that’s Robbie Tan.

"So, ’pag narinig mo na yun from another person, yung kalayaan mo, you begin to compromise, kasi you’re not an authority on marketing.

"Kasi, papakinggan mo na yung mas may experience."

Feeling ba niya ay naging "matigas ang ulo" si Direk Emerson?

"Na-agitate ’yan ng mga rebolusyonaryo!" tawa niya.

"Kasi, kung siya lang, hindi ’yan ganyan kagalit."

So, maaaring may ibang taong "sumawsaw" sa isyu kaya ganoon ito kagalit?

"As usual, in our industry, ang napakagaling na gumawa ng gulo ay ang mga taong sumasawsaw, hindi yung mga taong involved talaga.

"Ganoon talaga, di ba, yung mga sulsol?

"Pero kung ang taong involved, e, gusto na niyang makipagbati, hindi na niya kaya makipagbati, dahil nakapangako na siya sa mga sumusulsol, na lalaban siya.

"Mahihiya na siya sa mga grupong sumusuporta sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba ni Ed, ang pagiging matapang ng isang baguhang filmmaker tulad ni Emerson ay "healthy" sa Cinemalaya—o sa film industry itself—na umabot na diumano sa mga kamay ng lawyer ng grupo nito ang kanilang contract?

"Okay lang ’yan kasi it will re-define the Cinemalaya [rules and vision]. The same way na mayroon impeachment.

"Sa akin kasi, it’s real democracy na may ganyan. At least, ’pag may napagbintangang corrupt, nililitis.

"Hindi yung nakakaligtas na walang pakialam. Nakakalusot. Saka ang mga tao, nae-educate.

"Ganyan din dito sa Cinemalaya, nae-educate ang mga tao sa film, di ba?"

Sari-sari ang mga naglabasang negatibong komento at opinyon mula sa mga tao sa pamamagitan ng social networks, gaya ng Facebook.

May isang nagkomento na kung may mainstream sensibilities daw ang mamumuno sa Cinemalaya, gaya ni Robbie, ay di wala na raw itong pinagkaiba sa mainstream, at hindi na talaga magiging "indie."


Ano ang pananaw dito ni Ed?

"E, ganoon ang tingin ng Cinemalaya, e, magkaroon ng mainstream sensibilities in marketing aspect. Para magkaroon ng market.

"Kasi siguro, they’re reacting to the fact na maraming indie films ang ginagawa, pero walang audience.

"Cinema One Originals doesn’t have that. Kapag pinapalabas, kakaunti lang naman ang nanonood.

"Ang tagal-tagal na, pero parang walang following, di ba?

"Pero Cinemalaya has a following. So, valid yung daang tinutunguhan nila, as far as marketing is concerned."

Yung bang pag-disqualify ng Cinemalaya sa grupo ni Emerson ay puwedeng maging "kaso" ng breach of contract nila sa baguhang filmmaker and his group?

"Hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan nila, e. Hindi ko alam kung ano ang laman ng MOA [memorandum of agreement] nila.

"Saka alam mo, bago kumilos ang Cinemalaya, bago mag-disqualify, kokonsulta ’yan sa lawyer nila. They cannot be that reckless."

Dahil sa pangyayaring ito, nararamdaman ba niyang magkakaroon ng conflict o "bad blood" sa pagitan ng Cinemalaya at ng kanyang talents?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, sa akin, walang bad blood.

"Kung sila, may bad blood [sa amin], sila ang may problema.

"E, ang prinsipyo kasi namin lagi, wala kaming dapat kaaway. Kasi lahat, puwedeng pag-usapan."

Sa hiwalay na panayam sa PEP, inamin ni Emerson na plano niyang ituloy ang paggawa ng MNL 143 at sina Alan at Joy ang gusto niyang pa ring magbida.

Ani Ed, "Yun nga, may plano pala ang director... Yung diskarte ng director, hindi naman usually sinasabi ’yan."

Sinabi ni Alan na kumpleto na ang planning ng produksiyon para sa shooting, kasama na rito ang communication nila sa big multinational companies na kukunin as sponsors ng pelikula.

"Kaya rin siguro galit, kasi nag-prepare na talaga sila," komento ni Ed.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN