Paolo Contis and Lian Paz on their church wedding: "May plano naman... pero hindi lang natin alam kung ano. It’s either within this year or the next."

Paolo Contis on domestic squabbles with wife Lian Paz: "Oo, meron! Mas maganda tuwing may away kami ni Lian, mga kaibigan mo, magti-text kay Lian. Yung mga tunay mong kaibigan kuno. Maraming mga ganyan, mga akala mo totoong kaibigan. Pero ganoon talaga, pagdadaanan n’yo para malaman niyo kung sino ang totoo at hindi. Siyempre, 2011, rough sa amin yun. Nagpapatayo ng bahay, nagpapalaki ng mga bata. Maraming ginawa. Yes, kung hindi kami matatag, hindi k


Isang bonggang luau-themed birthday party ang idinaos ng mag-asawang Paolo Contis at Lian Paz para sa kanilang dalawang anak na babae—sina Xonia, two years old, at Xalene, one year old—noong Linggo, March 4.

Ginanap ang pagdiriwang sa grand ballroom ng Richmonde Hotel sa Eastwood, Libis, Quezon City.

Pareho ng birthday sina Xonia at Xalene—bukas, March 7—at isang taon lang ang pagitan nila.

Masayang-masaya naman sina Paolo at Lian sa well-attended birthday party ng mga anak.

Ang naturang okasyon ang nagbigay-daan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang sabay makausap ang mag-asawa.

Pagmamalaki ni Paolo, "I’m very happy na well-attended yung party ni Xalene. Kinulang kami ng mesa, pero sobra ang pagkain.

"Pero kulang talaga kami sa bata. Kasi siyempre, wala pa naman siyang [Xonia] classmate.

"Dapat pala bar na lang, kasi pang-matanda ang party, may inuman!" biro pa ng aktor.

BIRTHDAY WISHES. Nagbigay rin sina Paolo at Lian ng kanilang wishes para sa dalawang anak.

Sabi ni Paolo, "Lumaki sila nang maayos.

"Actually, yung paglaki naman nila nang maayos, nasa amin ni Lian yun.

"I’m very happy that we have them. Yun lang talaga.

"Blessing silang talaga sa buhay namin."

Kay Lian naman, "Siyempre, good health unang-una at sana lumaki silang masunuring anak at mapagmahal na babies.

"Siyempre, God-fearing lagi sila. Makinig lang sila sa amin ng Papa niya."

CHURCH WEDDING? Dahil sa mga kasalukuyang kaganapan, hindi maiwasan na kumustahin ang dalawa tungkol sa pinaplano nilang church wedding.

Ayon kay Paolo, "May plano naman. Pero hindi lang natin alam kung ano.

"It’s either within this year or the next."

Natatawang sabi naman ni Lian, "Kasi ang daming gastos!"

Biro naman ni Paolo, "Pero siyempre, hindi rin naman natin alam, baka buntis ulit si Lian next year!

"Pero hindi, kung mabigyan kami ng baby boy, okay yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But not now, not now. Hindi talaga ngayon."

Hirit naman ni Lian, "Basta siya [Paolo] ang manganganak!"

CILVIL WEDDING. Hindi na rin naman itinanggi ni Paolo sa PEP na matagal na ang kanilang civil wedding ni Lian.

Aniya pa, "Gusto naming mag-church wedding. Gusto naming maging malaki yun.

"But civilly, yes, we’re married. Matagal na.

"I believe it’s not because she’s pregnant, it’s what we wanted.

"Everyone knew I proposed to her even before she got pregnant."

Pero ayaw sabihin ni Paolo kung kailan sila eksakto nagpakasal ni Lian sa Huwes.

SECURITY. Natanong tuloy si Lian na dahil kasal na pala sila sa Huwes, mas secure ba ang pakiramdam niya?

"Actually, kahit naman kasal na kayo, wala ka namang security, di ba?

"Nasa sa inyo kung papaano n’yo iha-handle. Siguro, trust na lang talaga.

"Whatever happens, kayong dalawa ang makakaayos. Huwag n’yong iasa sa ibang tao."

SHOWBIZ PLANS. Kinumusta rin ng PEP si Lian kung okay na siya at wala na talagang planong mag-showbiz.

Sagot ng dating EB Babes member, "Hindi naman sa ganoon. Nataon lang.

"Siyempre, maliliit pa sila [her kids]. Siyempre, I need to guide them first.

"Kung meron naman, why not, di ba?"

Kailangan ba may guidance o approval ni Paolo ang mga tatanggapin niyang roles?

"Kahit sexy pa! Sexy si Lian, alangan namang itago ko ’yan!" sagot ni Paolo.

JEALOUSY. May selosan pa rin ba sa kanila?

Sagot agad ni Lian, "Lumipas na!"

Sabi naman ni Paolo, "Sa totoo lang, lumipas na yun.

"May mas marami pang isyu sa pagpapalaki ng dalawang baby... sa pag-ayos ng bahay.

"May mas marami pa kayong dapat isipin kesa sa selos, sa totoo lang.

"That’s the last thing that actually you have to think about."

Sino ba ang mas selosa/seloso sa kanilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Paolo, "Ako. Well, actually pareho lang."

Sabi naman ni Lian, "Selosa ko kung merong dapat pagselosan."

DOMESTIC QUARRELS. Mula sa salita ni Lian din na "lumipas na," ibig sabihin, meron talagang pangyayaring nagkaselosan sila?

Mabilis na sagot ni Paolo, "Oo, meron!

"Mas maganda tuwing may away kami ni Lian, mga kaibigan mo, magti-text kay Lian.

"Yung mga tunay mong kaibigan kuno.

"Maraming mga ganyan, mga akala mo totoong kaibigan.

"Pero ganoon talaga, pagdadaanan n’yo para malaman niyo kung sino ang totoo at hindi.

"Siyempre, 2011, rough sa amin yun. Nagpapatayo ng bahay, nagpapalaki ng mga bata. Maraming ginawa."

Tatlong taon na rin daw silang magkasama. At sa tatlong taon na yun mas masasabi nga raw nilang mas matatag sila.

Ayon kay Paolo, "Yes, kung hindi kami matatag, hindi kami aabot ng three years kung hinayaan lang naming magpa-ano kami sa mga tsismis at ibang challenges.

"Lian and I are okay. We’re very happy.

"Thankful ako sa mga friends namin na nandiyan palagi. Yung sa iba, okay lang ’yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN