Eula Caballero cited Best New Actress by both Star Awards and Golden Screen Awards

Eula Caballero on her Best New Movie Actress of the Year nominations at the Star Awards for Movies and Golden Screen Awards: "Masaya kasi, di ba, sabi ko, kahit nomination lang, panalong-panalo na ako sa pakiramdam ko."


Nominado ang TV5 star na si Eula Caballero sa kategoryang New Movie Actress of the Year sa Star Awards for Movies at Breakthrough Performance by An Actress sa Golden Screen Awards.

Ang dalawa niyang nominasyon ay para sa pagganap niya sa kanyang debut movie na Yesterday Today Tomorrow, entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Sa presscon na inihanda ng TV5 para sa kanilang "Primetime Princesses"—sina Eula, Alex Gonzaga, Arci Muñoz, Danita Paner, at Ritz Azul—sa Baguio Country Club noong Linggo, March 4, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Factor winner.

Ani Eula, tungkol sa kanyang nominasyon, "Masaya kasi, di ba, sabi ko, kahit nomination lang, panalong-panalo na ako sa pakiramdam ko.

"Kasi if nominated ka, na-notice ka, so parang bonus na yung nanalo ka.

"So, I’m really happy. I’m really thankful na napansin yung ginawa ko sa YTT [Yesterday Today and Tomorrow].

"Actually, dalawa kami. Si Ate Solenn, Solenn Heussaff, she’s also nominated in the same category."

Si Solenn ay nominado para sa Yesterday Today Tomorrow sa Golden Screen Awards, at para sa Temptation Island sa Star Awards.

THE GOOD NEWS. Ikinuwento rin ni Eula sa PEP kung paano niya nalaman ang kanyang nomination sa Golden Screen.

"I think sa Golden Screen [Awards], may nag-tweet sa ’kin, may nag-tweet sa ’kin... from TV5 din.

"Sabi ko, ’Is this the same nomination sa PMPC [Star Awards]?’ Kasi sabi lang, ’You are nominated.’

"’Tapos may link, di ko ma-open yung link. Sabi ko, ’I can’t open the link. Is this the same nomination sa PMPC?’ Kasi nominated din ako.

"Sabi niya, ’No, it’s Golden Screen Awards.’

"Sabi ko, ’Really?’

"’Tapos, ayun nga, Breakthrough Performance, blah, blah, blah...

"’Tapos sabi ko, ’Huh? Really?’"

Dagdag pa ng young actress, hindi muna talaga siya naniwala at pilit na hinanap ang link kung saan puwede niya makita ang kanyang nomination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I checked. In-open ko kagabi [March 3]... kagabi in-open ko yung laptop ko.

"Kasi gamit ko lang yung phone ko, di ko ma-open, so nag-laptop ako, kasi gusto kong makita."

BLESSED. Ano ang kanyang pakiramdam na napansin agad ng award-giving bodies ang kanyang kakayahan sa pag-arte?

"Ayun po, parang I feel so blessed siyempre.

"Kasi po, kung hindi rin naman ang 5 at ang Regal ang nag... kumbaga, nagbigay sa akin ng opportunity na magtrabaho in a movie, hindi din ako mano-nominate.

"So parang kahit dati na-feel ko yung pressure... Minsan kasi napi-feel mo yung sobrang pressure, ’tapos yung time na ’yon, nagkasabay pa sa Sa Ngalan ng Ina."

Ang tinutukoy ni Eula ay ang mini-series niya kasama ang Superstar na si Nora Aunor.

Patuloy ng young actress, "Sabi ko ’Wala, wala yung mga pagod na ’yon, wala, wala ’yon! Ma-nominate ka lang, pawi lahat ng pagod.’

"Kasi, ’no, may napuntahan yung pagod mo."

NANDITO AKO—A TRENDING TOPIC. Masusubaybayan ngayon si Eula sa bagong mini-drama series ng TV5, ang Nandito Ako.

Kasama ni Eula rito ang international singing sensation na si David Archuleta at ang isa rin sa mga prinsesa ng TV5 na si Jasmine Curtis Smith.

Halos araw-araw nagtre-trend sa social network na Twitter ang Nandito Ako, hindi lang sa Pilipinas kung hindi worldwide.

"Sobrang hanggang ngayon na I can’t believe it’s happening!" bulalas ni Eula nang hingan ng reaksiyon tungkol dito.

"Kasi sabi nga namin ni Miss Ana Feleo, sabi namin, ’Mukhang hindi na tayo magtre-trend.’

"Kasi we were really trying hard na sana, the purpose naman namin is not just for us to be on the list of the trending topics, but to promote talaga—that’s why we want it to trend.

"Sabi ko, ’Sayang baka wala masyadong nanonood.’

"I’m really sad, minessage ko pa siya [Ana], kasi sa Twitter lang kami nag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero minessage ko pa rin siya, sabi ko, ’Sayang.’ ’Tapos walang response.

"’Tapos, biglang mga hapon, nag-message na rin siya, sabi niya ’Bakit hindi tayo nagte-trending?’

"Sabi ko, ’I’m so sad baka konti lang manood mamaya.’

"’Tapos nga no’ng nasa Wil Time Big Time na, ang dami na parang, ’Ay! We’re so excited! Blah, blah, blah!’

"’Tapos parang may countdownpa sila na ilang minutes na lang.

"Sabi ko, ’Wow! This is it!’

"’Tapos ayun, nag-trending kami sa five episodes!

"And then binalita ko talaga sa RM ;road manager] ko, ’Oh my God, trending tayo, trending tayo!’

"No’ng second episode naman, ayun, sabi ko, ’Ay, trending pa rin tayo!’

"Tsinek ko, ’Philippines lang ba?’ Pagtingin ko, worldwide and then the next day, the next day, the next day...

"At ang nakakagulat, yung Saturdays and Sundays talaga... and we’re not airing on those days, di ba?

"But yet, marami pa... actually hindi lang Nandito Ako.

"Minsan sa isang... nagtre-trend tatlong topics, like #GoJoshBradley, #OhMyJoshBradley, #NanditoAko, #JoshBradleyinBunnySuit."

Josh Bradley ang pangalan ng karakter ni David sa programa.

Sabi pa ni Eula, "Nakaka-overwhelm kasi it shows na maraming umusuporta, maraming nanonood."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN