Candy Pangilinan on being loveless: "Huwag kayong malungkot, okay lang naman yun. Oo, okay lang yun!"

Candy Pangilinan on returning to GMA-7: "I want to work with Miss Gina Alajar! I wanna work with Direk Andoy Ranay and I want to check naman what’s in GMA, ayun, and I want to learn more, di ba?"


Nagbabalik sa Kapuso network ang comedienne na si Candy Pangilinan.

Kasama siya sa cast ng bagong afternoon soap na Hiram Na Puso, na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Mark Herras.

Tulad ng inaasahan, tatak-Candy Pangilinan ang naging saya ng balitaktakan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kamakailan.

"Opo, ito nga po. Actually, yung Mixed Nuts pa, after noon, lumipat na ako, nasa ABS po ako for the longest time, ngayon lang ho ako bumalik" sabi ni Candy tungkol sa kanyang pagbabalik sa GMA-7.

Kailan pa ba yung Mixed Nuts na gag show noon ng GMA?

"Ang tagal na ho nun, ang tagal na po talaga. More than 10 years," sabi niya.

Bakit siya nagdesisyonng bumalik sa Kapuso network?

"I want to work with Miss Gina Alajar! I wanna work with Direk Andoy Ranay.

"And I want to check naman what’s in GMA, ayun, and I want to learn more, di ba?"

Kasama rin sa cast ng Hiram Na Puso si Gina, samantalang si Andoy naman ang direktor nila rito.

Na-offer-an ba siya ng GMA-7 ng proyekto, bago pa ang Hiram Na Puso, na tumanggi siya?

"Hindi ko po maalala. Parang meron po, pero hindi ko na po maalala. Pero hindi po siya soap," sabi ni Candy.

GINA ALAJAR. Sa Hiram Na Puso ay ginagampanan ni Candy ang papel ni Becky, ang best friend ni Gina (as Zeny). Itinuturing na rin niyang parang anak si Lira, played by Kris.

Bakit gusto ni Candy na makatrabaho ang isang Gina Alajar?

"Sa Amaya kasi, nung pinanood ko, ang husay! Ang husay, di ba? Bilang nagagalit ka, ang husay, di ba?

"Iniisa-isa ko ’yang mga legends na yan—si Lorna Tolentino, Gina Alajar...’yang mahuhusay na mga babae na ’yan."

Sino pa ang nasa listahan niya ng gusto niyang makatrabaho in the future?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsi-check ko pa ho, tsi-check ko pa listahan!" sabay-tawa ni Candy.

"Wala ho akong maisip ngayon, pero yung dalawang yun [Gina and Lorna], pinupuntirya ko talaga yung dalawang yun."

Marami raw silang eksenang heavy drama ni Gina.

"At maraming magaan na wala naman, pero nagugulat na lang ako, bigla siyang... ’Saan nanggaling yun?’

"Yung nagkukuwentuhan lang kami ngayon, masaya kami, pero ’pag nag-take, nag-iiba.

"Yung nai-startsruck ako sa pag-arte niya.

"Mahusay, mahusay!

"’Tsaka most of the time, sa kanya ko na lang talaga kinukuha kung ano ang reaksiyon ko.

"Hindi na ho ako yung naghahanda na sa ganito, ito ang gagawin ko, hindi.

"Kas ibibigay naman, e, ibibigay naman naman, e."

Nakakadala raw ang kahusayan ni Gina bilang aktres.

STATION HOPPING. Bago sa GMA-7 ay galing si Candy sa TV5.

"So, nag-i-station hopping po ako!" natatawa niyang sabi.

Wala naman daw siyang kontrata sa kahit na anong TV network; per show ang kanyang trabaho.

Talent din si Candy ng Viva at Genesis.

GB SAMPEDRO. Kumusta naman ang kanyang personal life?

"Tahimik naman po, single po," sagot ni Candy.

Dating karelasyon ni Candy si GB Sampedro, ang direktor na nakarelasyon at nakahiwalayan kamakailan ng Brazilian beauty na si Daiana Menezes.

May alam ba siya sa mga latest na nangyayari kay Direk GB, na naging laman ng mga balita dahil sa hiwalayan nila ni Daiana?

"Ay, hindi ko ho alam," sabi ni Candy.

Magkaibigan ba sila?

"A, hindi pa ho kami nagkikita, e."

Sa text?

"Wala po. Kaya wala rin po akong balita."

Wala raw siyang reaksiyon sa isyu nina GB at Daiana.

"Wala, wala ho talaga, e."

SUITORS. Wala raw siyang boyfriend ngayon, ayon kay Candy.

May manliligaw ba?

"Hayaan na natin sila diyan. May mga tao, nasa paligid."

More or less, isang taon na raw siyang loveless.

Pero ayon kay Candy, "I don’t consider myself loveless, kasi marami naman pong kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas in love siguro ako sa trabaho ko ngayon."

BEST FRIENDS. Kaibigan ni Candy si Aiko Melendez at regular ang communication at pagkikita nila ng aktres.

Kaibigan rin daw niya si Gelli de Belen, na tulad ni Aiko ay nasa Singko na.

Hindi ba nahirapan si Candy na umalis sa Singko kung kailan naroroon ang dalawang kaibigan niya?

"Hindi naman," sagot niya.

"Nagkakaintindihan naman kami, kung saan ang trabaho, labas naman po yun sa pagkakaibigan namin.

"Si Carmina [Villarroel na kaibigan rin nila] naman nasa ABS."

Sa mga pinagdaanang issues ni Aiko, hindi iniwan ni Candy ang kaibigan.

"Updated naman po kami sa mga bagay-bagay sa nangyayari sa kanya," sabi niya.

Nag-celebrate nga raw sila nang maabsuwelto si Aiko sa kaso nito kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Bago pa raw maabsuwelto si Aiko ay naniniwala si Candy na maaayos ang kaso.

"Alam ko matatapos din yun."

Pareho silang loveless ni Aiko.

"Huwag kayong malungkot, okay lang naman yun. Oo, okay lang yun!" pagpapatawa pa ni Candy.

CHOICE OF NETWORK. Since si Gina Alajar lang ang target niya, after Hiram Na Puso, kapag may offer ang GMA, hindi na niya tatanggapin?

"Ay, hindi naman po!

"Actually, kaya rin ako lumipat kasi gusto ko ring malaman kung anong meron ang GMA."

So far, ano na ang na-discover niya sa GMA-7? Ano ang nakita niya sa GMA-7 na hindi niya nakita sa ibang station, at ano ang pagkakaiba between 2 and 7?

"Hindi ko masasabi na hindi ko nakita sa kabila, pero...

"Pagkakaiba? Spelling! ’Tsaka yung numero, kasi Dos at saka Siyete!" pagpapatawa muli ni Candy.

Saan mas malaki ang talent fee?

"Okay naman. Mahirap magsalita. Huwag na ninyong anuhin!" sabay tawa muli ni Candy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN