PEP EXCLUSIVE Part 1 Alan Paule reacts to disqualification of MNL 143 from Cinemalaya due to casting issue: "Sana hintayin muna nilang matapos ang film."

"Sa akin kasi, hintayin muna nating matapos yung trabaho. Kasi ang chemistry naman, napapag-aralan ’yan, e. Kaya nga may director, may assistant director, may storyline, may script, may background ng mga characters. Kumbaga, i-process muna natin bago natin husgahan na walang chemistry," says Alan Paule about the disqualification of MNL 143 as one of the entries in Cinemalaya this year due to his and Joy Viado’s "casting."<


Unang nakilala ang aktor na si Alan Paule nang ilunsad siya into full stardom sa kontrobersiyal na pelikulang Macho Dancer (1988), na idinirek ng yumaong National Artist na si Lino Brocka.

Sa unang pelikula niyang ito, na-nominate agad si Alan bilang Best Actor sa FAMAS.

Mula noon ay nakilala na siya bilang isa sa "underrated actors" sa local showbiz.

Sumunod na mga nominasyong nakamit ni Alan ay para sa Gawad Urian Award—Best Supporting Actor para Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya (1997) directed by Carlitos Sigiuon-Reyna, at Best Actor para sa Sa Paraiso Ni Efren (1999) ni Direk Maryo J. de los Reyes.

Dalawang Best Supporting Actor nominations din ang nakuha ni Alan para sa Kaleldo (2006) ni Brillante Mendoza.

Sa 24 years ni Alan sa show business, marami na ring mga teleserye ang tinampukan niya.

Most recently, napanood siya sa mga teleserye ng ABS-CBN, ’tulad ng Guns and Roses, Ikaw Ay Pag-Ibig, Nasaan Ka Elisa, at kasalukuyang napapanood na Mundo Man Ay Magunaw.

DISQUALIFIED. Bago matapos ang 2011 ay nakatanggap si Alan ng isang offer pampelikula; hindi supporting role ’tulad ng kadalasang ginagampanan niya through the years kundi isang lead role.

Ito ay ang MNL 143, isang nakapasang full-length film entry sa New Breed category ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ang pelikula ay isinulat at ididirek ng baguhang filmmaker na si Emerson Reyes.

Sa Cinemalaya 2011 ay napansin nang husto si Emerson sa Short Film category. Nanalo ng tatlong awards ang kanyang short film na Walang Katapusang Kuwarto—Best Short Film, Best Screenplay, at Audience Choice Award.

Ayon kay Emerson, si Alan ang kanyang nasa isip nang isinulat niya ang script ng MNL 143 noon pa, at sinuwerte ngang makapasa sa Cinemalaya ngayong taon.

Pero ilang buwan pagkatapos ianunsiyo ang official entries, may nangyaring "gulo" sa pagitan ng Cinemalaya organizers at sa grupo ni Emerson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Disqualified ang pelikula sa Cinemalaya at ang sinasabing isa sa mga dahilan ay "wrong casting."

Si Alan ang lead actor at ang comedienne namang si Joy Viado ang kanyang leading lady.

(CLICK HERE to read related story.)

MNL 143. Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alan, kasama ang talent manager niyang si Ed Instrella, noong Biyernes, March 2, sa pag-aaring restaurant ng aktor, ang Veranda, sa Roxas Boulevard, Manila.

Ano ba ang istorya ng MNL 143?

"Simple lang ang story," simula ni Alan.

"FX driver ang role ko dito. Ilang taong nawala sa Pilipinas at nagtrabaho sa Saudi.

"Pagbalik niya sa bansa, hinahanap niya ang long lost love niya—i Joy Viado nga.

"Bilang FX taxi ang pinapasada ko, yung mga taong sumakasay na iba-ibang kuwento ng buhay ay mapapanood sa pelikula.

"Kumbaga, simpleng story ng simpleng tao.

"Pero parang black comedy siya. Hindi siya nagpapatawa, ang sitwasyon ang nakakatawa.

"Okey ang script, kumpleto ng ingredients. Kuwento ng bading, ng tomboy, ng lahat ng mga tao...

"Siyempre, may sumasakay, may bumababa. Ordinaryong kuwentong Pinoy.

"Pati yung ending niya, love story na comedy nga.

"Yun yung nasa isip ng direktor, yun yung gustong mangyari ng direktor."

Kuwento pa ni Alan, "Dito sa Veranda restaurant dumating ang script.

"Si Kuya Ed naman, ganoon ang style niya. ’Pag indie film ang offer, pinapabasa muna sa amin.

"Nag-uusap rin kami sa schedule, pero kumbaga, kami pa rin... talents pa rin niya ang nagde-decide.

"Sasabihin niya, ’O, may offer, gusto mo ba?’

"Nag-uusap kami ’pag medyo delikado ang pelikula, pero kung kagaya niyan na okey naman ang story at ang pelikula, wala namang problema."

Kasama raw ni Emerson na dumating sa restaurant ni Alan ang producer ng MNL 143 na si Nestor Abrogena.

"Na-meet ko silang lahat, pumunta sila dito sa akin. Matagal na, December or January pa yata," banggit ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE STUDENT AND THE ACTOR. Estudyante pa lang daw noon si Emerson sa College of Saint Benilde (CSB) ay may pinagsamahan na sila ni Alan. Kinuha ng aspiring filmmaker pa lang noon ang aktor upang gumanap sa kanyang thesis film.

Ayon kay Alan, "Hindi ko naman kaibigan si Emerson, pero nakagawa ako ng short film thesis sa kanila, sa CSB. Siya ang nagdirek at ako ang bida.

"Sabi niya sa akin noong college days pa lang niya, may gagawin daw siyang script, pero di ko na tinanong kung ano ang detalye nun."

Ang script na tinutukoy ni Alan ay ang MNL 143.

Patuloy ng aktor, "Matagal nang buo talaga sa utak niya ang kuwento, noon pa.

"Sabi pa nga niya, ’At long last, magagawa ko na ito, hindi lang short film, kundi full-length!’

"Akala ko nga noon, di na tuloy. Hanggang sa dumating na ang script, ’Totoo na, eto na!’

"Sabi ko, ’Okey, sige, gawin na natin!’

CASTING ISSUE. Sa Cinemalaya ay may ipinagkakaloob na film grant na nagkakahalaga ng P500,000 sa bawat napiling pelikula—10 to 11 films sa New Breed category at five films sa Directors’ Showcase category.

Pero bago ito makuha ay may pinagdadaanang "proseso," ayon sa requirements or rules ng Cinemalaya organizers sa pangunguna ni Direk Laurice Guillen (competition chairperson) at dating Seiko Films producer na si Robbie Tan (monitoring head).

Ayon kay Alan, noong simula pa lang ng kanilang meetings sa mga taga-Cinemalaya ay naririnig na niya na may problema sa kanila ang committee. Ito ay dahil sa "casting" ng pelikula.

Hanggang sa nalaman na nga lang niya na dini-disqualify na ang pelikula ni Emerson.

Pero kuwento pa rin ni Alan, nakapag-shoot pa sila ng "test shots" ng pelikula.

"May mga kinunan kaming ilang eksena sa pelikula, test shots siya, pero puwede siyang isama sa film.

"I think ginawa nila yun para patunayan sa Cinemalaya na kayang mag-deliver ng mga artista, ng director..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangyari ba ang test shots before, during, or after ng issue ng disqualification?

"During yata. Hindi lang ako sigurado kasi hindi na kami uli nagkita, e," sagot ng aktor.

THE LAST ONE TO KNOW. Kailan niya nalaman ang buong kuwento ng diskuwalipikasyon ng pelikulang muli niyang pagbibidahan sana pagkatapos ng maraming taon?

Saad ni Alan, "May mga naririnig-rinig ako, pero hindi ko akalaing lalaki ito ng ganito. May mga nagsasabi lang sa akin.

"Noong nagbukas lang ako ng Facebook the other day yata yun, naka-headline na... nasa PEP!

"Nagulat talaga ako na si Direk Dante [Mendoza] pa yung nag-post [sa Facebook)]. ’Ano ito?!’ So, hinanap ko na sa PEP.

"Busy kasi ako, e, panay ang taping namin [for Mundo Man Ay Magunaw] kaya hindi ako nakakabasa ng mga balita."

Habang kasama siya sa mga meeting nina Emerson at Nestor, hindi ba siya sinasabihan ng mga ito na may "problema" sila sa Cinemalaya?

"Pagkatapos ng test shots namin, hindi na kami uli nagkita, e. Di na kami uli nag-usap.

"Ganoon naman kami, e. ’Pag may sked, tatawagan lang nila ako," sabi ng aktor.

Hindi ba unfair para sa kanya yun na siya ang bida ng pelikula, pero siya ang huling nakaalam?

"Hindi ko alam na tinuloy nila... Kasi noong una, may naririnig ako na kapag hindi na-approve [ang casting], idi-disqualify nga daw.

"Pero karapatan nila pareho yun, e, ng direktor at ng Cinemalaya.

"Sabi ko, ’Sige, basta ako, okey lang ako. Trabaho ko ito, e, craft ko ito, so pagbubutihan ko. Kung kailangan n’yo ako, e, di sige, gagawin ko ang trabaho ko.’ Ganoon.

"So, nakapag-shoot... I think tinext ko si Emerson o tinawagan niya ako, ’Ano na? Makikibalita ako!’

"’Wala pa, hindi pa lumalabas.’ Yun ang sabi."

Pero alam na niyang may gulo na noong panahong yun?

"Hindi ko pa alam," sabi ni Alan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang alam ko, nagawa yung shoot, and then, I think after two days, nagkausap kami.

"Wala pa raw sagot ang Cinemalaya sa sinabmit nila na test shots."

Requirement ba ng Cinemalaya ang mag-create ang film entries ng test shots?

"Hindi naman. Kaya lang, I think, gusto nilang makita.

"Di ko lang sure kung sinabmit pa nila o hindi na nakarating.

"After no’n, hindi na kami nagkausap."

Ano ang alam niya sa sinasabing "problema" noong mga araw na yun?

"May ganoong usapan no’ng una [disqualification dahil sa casting]. Sabi ko, walang problema sa akin, e...

"Sabi nga nila, hindi pa tapos ang diskusyon at magmi-meeting pa sila.

"Sabi ko, ’Sige, gawin natin wala namang problema sa akin.’

"May ganoon, may process. Pero pagdating sa loob [ng CCP meetings], hindi ko na alam.

"Hindi naman nila sinasabi sa akin kung ano ang dahilan."

Pag-amin ni Alan, noong dumating ang letter of disqualification sa kanilang producer at direktor ay walang pormal na impormasyon sa kanya. Pero walang anuman daw ito sa kanya.

"Walang nag-inform. Nalaman ko lang sa Internet!" tawa ni Alan.

CHEMISTRY. Sa puntong ito ng panayam namin sa aktor ay wala pa itong kaalam-alam na "nasa lawyers na" ng grupo nina Emerson ang mga dokumento, o ang kontratang pinirmahan nila sa Cinemalaya.

"Ha? Meron na?" nagulat na reaksiyon ni Alan.

"Kasi ang pagkakaalam ko nga, naaprubahan na sila, yung script.

"Ang nagkakaroon lang ng problema, yung casting.

"Noong una nga raw na meeting, okey ako sa kanila.

"Noong pangalawang meting na, hindi na ako okey.

"So, naguguluhan sila. Sabi nila, ’Bakit noong una, okey, ’tapos ngayon, hindi na?’"

Ano raw ang dahilan kung bakit ayaw ng Cinemalaya sa kanya for the role?

"Hindi sinabi sa akin [ng production], e. Well, siguro yung sinasabing chemistry."

Ano ang reaksiyon niya sa pahayag ni Robbie na "walang chemistry" sa pagitan niya at ni Joy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin kasi, hintayin muna nating matapos yung trabaho. Kasi ang chemistry naman, napapag-aralan ’yan, e.

"Kaya nga may director, may assistant director, may storyline, may script, may background ng mga characters.

"Kumbaga, i-process muna natin bago natin husgahan na walang chemistry," sabi ni Alan.

Na-offend ba siya sa komentong yun ni Robbie?

Sagot ni Allan, "Kasi, marami na namang times na naririg ko na nangyayari sa akin yung gano’n, e.

"Normal din naman sa mga artista yung ganoon. Na minsan, nandiyan na, hangga’t hindi ka pa nagsu-shoot.

"Kahit nga nakapag-grind ka na, papalitan ka pa rin, e.

"May ilang times na ring nangyari sa akin ang ganyan. Pero sabi ko nga, okey lang naman sa akin.

"Pero ang sinasabi ko nga dito, yung pakikipaglaban ng director.

"Unang-una, ang script, yung character nung bida, pinattern nung direktor sa kaya kong gawin bilang isang artista.

"Kasi nga naman, kung papalitan mo ang artista, maiiba ang vision ng direktor.

"E, hindi ko naman sinabi sa kanila na, ’Isulat mo ’yan para sa akin.’

"Sila ang nag-create nung script, and binase nila ang character sa mga eksenang kaya kong gawin."

May sinasabi rin si Robbie tungkol sa "romance angle" ng kuwento, kaya nga sabi pa’y "it will not work"—referring to Allan and Joy as partners in the film.

"Hindi naman talaga romance ang pelikula," pagtutuwid ni Allan.

"Nag-Saudi yung lalaki. Pagbalik, wala na yung babae.

"Noong umalis ako dito, mag-asawa na kami, wala pang anak.

"Naiwan ko siya dito. Hindi pa ako FX driver...

"Ang istorya is yung pagbalik... Matagal akong nawala, mga 10 yata o 12 years.

"Pagbalik, hinahanap ko ngayon yung babae, long lost love ko.

"E, yun ang gusto ng direktor!"

THE DIRECTOR’S VISION. Hindi na rin napigilan ni Alan ang excitement sa pagre-reveal ng dapat sana’y "diskarte" ni Emerson during the shooting; kung papaano isu-shoot ang mga eksena sa pagitan nina Alan at Joy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa umpisa, hindi ipapakita yung mukha ni Joy. Puro anggulo lang, parts ng body—buhok, likod, kamay, boses lang...

"Yung pagmamahal mo sa isang babae, seryoso yun, gano’n ang atake...

"Wawasakin ka talaga ng pelikula!"

Hindi ipapakita ang mukha ni Joy sa simula ng paglabas niya?

"Oo, hindi pa muna... E, yun ang gusto ng direktor!

"Hanggang sa bandang huli, saka niya ipapakita na si Joy Viado yun.

"Yung talagang wawasakin ka ng pelikula! Alam mo yun? ’Yon yung idea ng director.

"Noong mabasa ko yung script, ang ganda ng batuhan ng linya...

"Towards the end na ipapakita ang mukha niya. Sasakay si Joy sa harapan, may kasamang ibang lalaki.

"E, may kasama siyang lalaki, so pakiramdaman ’yon.

"Ex ko na siya, nag-split na kami... meron na siyang ibang lalaki dito sa Pinas.

"Pero ako, hindi na ako nagkaasawa ng iba, siya talaga ang love ko. Love talaga, ha!

"Hinanap siya talaga ng character. Dahil sobrang mahal niya ang babae, binalikan niya ang true love niya.

"Noon ko pa gusto ang character niya [Joy], high school o college pa lang, sila na sa istorya."

Base sa kuwento ni Alan sa magiging style ng direksiyon ni Emerson kay Joy Viado wih him in the scenes, na-judge pala ang kanilang "chemistry" na hindi pa alam ang kuwento?

Does he find it unfair? Masama ba ang loob niya?

"Kaya nga, e," buntung-hininga ni Alan.

"Hindi naman... hindi naman masama ang loob.

"Tampo in a way... na sana hintayin muna nilang matapos ang film.

"Although sa kanila manggagaling ang budget, tingnan muna nila ang story, yung finished product.

"Makikita nila kung papaano magwo-work yung chemistry na tinatawag."

Naniniwala ba si Allan na "chemistry in casting" lang ang basehan ng Cinemalaya upang ma-disqualify ang MNL 143?

"I think so," palagay ni Allan.

"Kasi, kumpleto sila sa requirements. Saka matagal na nila itong isinulat, e. Matagal na itong idea ni Emerson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana lang binigyan ng chance na ipakita ang sinasabi nilang chemistry.

"Parang may panghihinayang , totoo yun.

"Sana bigyan ng chance ang mga artista na magkatrabaho.

"Although, nakatrabaho ko na si Joy sa Marinella [ABS-CBN soap], 12 years ago na yun," sabi ni Alan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN