PEP EXCLUSIVE Part 2 Alan Paule to Cinemalaya organizers: "Maaaring hindi nila alam, pero puwedeng natatapakan na nila ang prinsipyo ng mga tao."

Alan Paule on his "lack of chemistry" with Joy Viado: "Ang chemistry kasi, nangyayari sa set na. Mas magandang walang chemistry pagdating sa set. Kasi, mas makakapag-eksperimento ang artista, ’A, ganito pala siya. A, ganoon pala siya.’ Naiiba ang gusto mong atake, magiging fresh yung reaction. Yung blocking. Pati yung director, may iba palang magandang na-discover sa actor, ’Gawin mo ulit ’yun!’ So, magwo-wo


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor na si Alan Paule, tinanong namin siya kung sa palagay niya ay masyadong naging "drastic" ang pagkaka-disqualify ng MNL 143 sa Cinemalaya ngayong taon? Naging biktima ba siya sa isyung ito?

"In a way siguro," aniya.

"Pero sila [Cinemalaya] kasi ang nagde-decide, e.

"Sa side naman ng direktor, tama rin naman ang pinaglalaban nila.

"Kaya nga ang tawag natin ay Cinemalaya—malayang pamamahayag."

Sa social networks, ilang pagbabatikos ang pinu-post ng mga kritiko ng eight-year-old popular indie filmfest sa bansa.

Ang Cinemalaya raw ay dapat nang tawaging "Cine-(Hindi) Malaya," "Sineng Di Na Malaya," at iba pa.

Bilang aktor sa sinasabing "casting" na ito, pakiramdam ba ni Alan ay hindi na nga "malaya" ang Cinemalaya?

"In a way," tugon niya.

"Pero kasi, dapat balanse rin, e. Kumbaga, yung mga bagong filmmakers, dapat inaalalayan sila ng Cinemalaya.

"Kasi minsan, hindi natin maiaalis na yung ibang nasasagasaan na ego ng filmmakers.

"Hindi lang naman sa Cinemalaya, e, pati sa iba pang independent festival bodies natin, o film companies, maraming gano’ng issue.

"Kaya lang, ito, kaya nga Cinemalaya, sana lang ay balansehin nila."

Feeling ba niya ay hindi balanse ang sistema ng Cinemalaya?

"In a way siguro," palagay ni Allan.

"Dahil na rin siguro marami silang trabaho na ginagawa, hindi na nila nakita yung side ng artist.

"At yung freedom ng direktor, parang sinasakal na nila.

"Tuloy, lumalabas, nagiging diktador sila, in a way. Yun ang dating.

"Pero kung susuriin nila, kung papakinggan nila ang boses ng mga young filmmakers, baka mag-meet halfway pa."

FREEDOM VS. MARKETING. Ano ang pananaw ni Alan pagdating sa sinasabing "freedom" o kalayaan sa paglikha ng pelikulang pang-Cinemalaya?

Ano rin ang personal stand niya sa "marketing" ng mga pelikulang kalahok, na nagsisimula raw sa pagbuo ng tamang cast?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Alan, "Noong araw, mga movies noong 1970s and 1980s, puwede ’yan, e. Sa mainstream.

"Kasi nga, sinasakal yung ano... Pero ngayon, 2012 na, this time, iba na, e.

"Siyempre, nag-e-evolve ang film industry. May indie cinema na tayo.

"Actually, puwede naman nilang balansehin yun both sides.

"Pakinggan nila ang side ng producer, pakinggan nila ang side ng director, mag-usap.

"Hindi kagaya noong araw, may konting ayaw lang ang producer, ang mga director, nagra-rally na! Noon yun, e.

"Pero ngayon, nag-e-evolve na ang panahon, sumasabay rin tayo."

Gaano kalaki ang panghihinayang niya na na-disqualify ang pelikula nila sa Cinemalaya?

"Okey lang... Sa umpisa siyempre, masama sa kalooban, pero normal reaction ’yon.

"In time siguro, matatapos rin ang proyekto nila, and in time, baka makapag-usap na rin sila nang maayos," sagot ni Alan.

PERSONALAN? May usap-usapan na may pinapaboran daw na ibang mga artista ang Cinemalaya. Lumutang ang mga pangalan nina Victor Neri at Francine Prieto na diumano’y mga gustong ipalit kina Alan at Joy upang gumanap sa MNL 143.

May personalan nga kaya sa palagay ni Alan?

"Wala namang personalan," tugon niya.

"Yun yata yung gusto ni Tito Robbie, na bigyan naman daw ng chance yung iba.

"Alam ko yun. Nasabi sa akin yun.

"Pero ang point nga ng direktor, e, ginawa daw niya ang script para sa akin. Yun ang point nila."

Na ayaw tanggapin ng Cinemalaya?

"Oo," pagsang-ayon niya.

"Kasi, sabi nung direktor, ’Kung babaguhin mo ang isinulat ko para sa isang tao, huwag naman.’"

So, alam niyang si Victor Neri ang nais ipalit sa kanya?

"Naririnig ko," sabi ni Alan.

"Sa akin, wala namang problema. Kaso, yun nga ang gusto ng direktor. So, doon tayo sa side ng director.

"Kasi, hindi ko naman alam ang usapan ng mga meetings nila doon, e."

Inamin naman ni Allan na pangalan pa lang niya ang nasa listahan sa casting na unang naisumite sa Cinemalaya, at wala pa ang pangalan ni Joy Viado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong una, ako pa lang. Wala pa yung babae.

"Kasi ang peg nila, mala-Zsa Zsa Padilla. Parang ganoong hitsura.

"Ngayon, nag-meeting ulit sila, magiging love story pagka ganoon ang peg o itsura.

"Nabago lang, pero yung babae lang. Naging karakter.

"Pero ang atake, hindi comedy, kundi seryoso ang usapan.

"Halimbawa, ang line, ’Natatandaan mo ba noong nasa tabi tayo ng isang puno? Inukit natin ang mga pangalan natin sa puno... Hindi mo ba nami-miss ’yon?’

"Seryoso talaga. Talagang love story. Romance. Pero yung eksena, matatawa ka.

"Approved ito sa script. Script muna at ako ang approved, wala pa yung babae.

"Wasak talaga... hindi magko-comedy si Joy. Walang comedy lines. Seryoso yung usapan... sabog talaga.

"Pero seryoso ang script, e. Pero ’pag naisip mong si Joy Viado ang babae, wasak ka talaga!" malakas na tawa ni Allan.

"Ngayon, kung gagawin mong romantic lang yung anggulo o plot, magiging flat lang siya. Wala siyang pasabog."

Kailan lumabas ang pagbabago sa character ng babae?

"Hindi ko matandaan, e. Basta nagtaka sila noong second meeting, tanggal na lahat! Palitan na raw lahat!

"Basta, buo na ang script at matagal na sa Cinemalaya ang script.

"Baka lang hindi nila alam ang gagawing diskarte ng direktor sa shooting."

So, maaga pa pala para husgahan na wala silang "chemistry" ni Joy?

"Ang chemistry kasi, nangyayari sa set na.

"Mas magandang walang chemistry pagdating sa set.

"Kasi, mas makakapag-eksperimento ang artista, ’A, ganito pala siya. A, ganoon pala siya.’

"Naiiba ang gusto mong atake, magiging fresh yung reaction. Yung blocking.

"Pati yung director, may iba palang magandang na-discover sa actor, ’Gawin mo ulit ’yun!’ So, magwo-work!"

So, hindi siya sumasang-ayon sa sinasabi ni Robbie na ang Alan-Joy tandem "will not work" dahil lack of chemistry nga daw sila?

"Hindi pa kasi tapos, e. Hindi mo pa nakikita [ang pelikula]," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POWER TRIP? May akusasyon din ang ilang kritiko ng Cinemalaya na nagpa-"power trip" lang daw si Robbie Tan.

Ano ang masasabi ni Alan dito?

"Hindi ko pa kasi nakakausap si Tito Robbie, e.

"Siguro binabalanse niya ang mga pangyayari, pero may times siguro na ang dating, e, nagpa-power trip minsan.

"Iba-iba kasi tayo ng pananaw, e. Baka ang dating sa kanila, e, gano’n.

"Pero dahil mga baguhan nga sila [young filmmakers], dapat alagaan sila, ’Ganito ’yan, ganyan ’yan.’

"And I think, nag-decide sila ng ganoon na hindi yata nalalaman ang side nina Emerson.

"Parang naglabas sila ng ganoong memorandum na hindi pa nila alam. Ang alam nila, e, okey pa.

"Merong ganoong nabasa, e. Sabi, ’Hindi namin alam na disqualified na kami pagpunta namin doon sa CCP.’

"Alam na ng buong community, pero sila, hindi pa rin.

"Nabasa ko lang sa palitan ng usapan nila online.

"Baka yung timing din ng pagbibigay ng formal letter, kaya siguro sumama rin ang loob ng mga bata," pagtukoy ni Alan kay Emerson Reyes.

DIRECTOR’S CHOICE. Ito raw ang dahilan o nag-udyok sa grupo ni Emerson na ipaglaban ang sa kanilang palagay ay karapatan nila.

Ayon kay Alan, "Actually, kung imi-meet mo halfway, puwede namang umandar, e.

"Pag-usapan nila nang maayos. Sit down.

"Siguro, kailangan pa nilang habaan ang proseso.

"May idea ang director, kausapin ng Cinemalaya committee. Pag-usapan nila nang matagal pa. Deliberate."

Tila marami ang supporters ng pelikula na ituloy lang ang laban?

"Maganda kasi talaga ang script. May potential. Kasi, hindi lang naman ilang araw o ilang buwan lang ginawa. Pinag-aralan."

Ayon kay Emerson, si Atty. Chel Diokno ang lawyer ng grupo nila. Bakit nagulat si Alan nang malamang nasa lawyers na ang mga dokumento (contracts)?

"Di ko talaga alam yun, wala akong naalalang ganoon dati, e. Kasi nga, nag-sign sila ng contract, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anong gagawin mo kung naka-sign ng contract sa ’yo yung tao? Kailangan mong lumaban.

"Kasi okey sila noong una, e. Nag-sign ng contract. Lalabas na raw yung pera..."

Masasabi bang eye-opener ito sa Cinemalaya na kapag may natatapakang direktor ay lumalaban o umaalma?

"In a way," sambit ni Alan.

"Sana makita nila yung artistic side ng director.

"And mag-usap sila halfway. Meet halfway. ’O, ayaw mo nitong isang artista, palitan natin ng iba, pero ito ang gusto ko.’

"Kumbaga, mag-usap sila ng terms."

Hindi siya sumigaw ng "foul" o "unfair" sa nangyaring disqualification sa pelikula niya?

"Madami namang ganyan, e... sanay na ako!" malakas niyang tawa.

"Okey lang, sanay na akong magtimpi."

Matapang ba ang director niyang si Emerson upang "bumangga" sa institusyon na tulad ng Cinemalaya?

"Siguro, ipinaglalaban lang nila ang karapatan nila as film director and as an artist. Na hindi pa man ay nahuhusgahan na sila."

WHAT DID I DO WRONG? Sa letter of disqualification ng MNL 143, na pirmado ni Direk Laurice, nabanggit dito na ang original casting ni Emeron "were not suitable to the material."

Dagdag pa ni Direk Laurice, "The basis of our interest in casting is that we want competence, suitability to the role, and greater audience acceptability."

Ano ang masasabi ni Alan dito?

"Ewan ko. Kasi marami na akong nagawang indie films, pero napapanood naman abroad. Nananalo pa ng award.

"Hindi ko lang alam kung saan galing ang basehang ’yon," sabi niya.

So, may kuwestiyon sa isip niya?

"Ano bang nagawa ko sa kanila na hindi ko alam?" natatawa ngunit makahulugang sabi ni Alan.

Ayon pa sa aktor, mas matatanggap pa niya ang pangyayari ito kung sa simula pa lang ay tinanggihan na siya; hindi yung inoohan sa first meeting, pero negative na sa next.

"Walang problema sana kung sa simula pa lang, ayaw na sa akin. Okey lang yun kung sa simula pa lang, inayawan na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos na kasi ang meetings, e, nakapag-sign na sila ng contract. Nag-test shot na.

"And then, yung buong grupo, disqualified!"

Ano kaya ang kahahantungan ng laban nilang ito?

"Sabi mo nga, nasa lawyers na ang papers... Dumating talaga sa husgado, di ba?" natawang sabi ni Alan.

"Noong araw, nakiki-’rah-rah’ lang kami nina Lino [Brocka] dahil ayaw ipalabas ang Macho Dancer.

"Pero walang kaso yun, ’rah-rah’ lang. 1989 yun. Ngayon, iba na."

ROAD MOVIE. Nai-share din ni Allan ang ilang plano ng produksiyon tungkol sa gagawin nilang shooting ng sinasabing road movie na ito.

"Ang plano kasi nila sa shooting, commercial value kamo, dadaan sa Makati yung FX.

"Gumagalaw kasi ang kamera sa labas, e, so makikita ang mga billboards ng malalaking companies.

"So, makikita ang billboards nila, magpapasok ng ads. So, kikita pa rin sila in terms of sponsorship.

"Ewan ko kung na-explain nila, pero yun ang plano nila.

"Saan ba dumadaan ang FX, e, d iba, Quiapo, EDSA... ang daming billboards."

INDIE FILMMAKING. Sa pangyayaring ito, pakiramdam ba niya ay may "dictatorship" na ang Cinemalaya sa dapat sana’y "malayang" filmmakers dahil sinasaklawan rin nito ang casting?

"In a way, yes. Kasi, di ba, casting-wise, ang director ang nakakaalam ng gusto niya?

"Lalo na ’pag siya ang gumawa ng script, siya ang magdidirek, siya ang magha-handle ng artista.

"Pero siguro kasi, ang point of view ng Cinemalaya committee, commercial value naman.

"So, in a way, parang nasasaklawan nga ibang aspeto ng produksiyon.

"Maaaring hindi nila alam, pero puwedeng natatapakan na nila ang prinsipyo ng mga tao."

Ano ang masasabi ni Allan na "tuloy pa rin ang laban" para sa kanilang? Ayon sa direktor, tuloy ang paggawa nila ng kontrobersiyal na pelikula—sa labas ng Cinemalaya.

Reaksiyon ni Allan: "Karapatan nila yun.

"E, siguro, panahon na dumarating na talaga ang sinasabi nilang indie actors and indie filmmakers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Karapatan nilang ipaglaban yung prinsipyo nila.

"Yun yung pinaglalaban nila, e, suportahan na lang natin ang mga bagong director. Sayang naman ang kanilang talents...

"Hindi ko nga alam na aabot sa ganito ang isyu, e."

Ano ang mensahe ni Allan sa mga taong nag-aabang ng isyung ito?

"Good luck!" bulalas niya.

"Salamat sa mga sumusuporta at naniniwala sa ipinaglalaban ng bawat isa. Kaya kahit na ano ang magiging kakahantungan nito, salamat pa rin.

"Sa production, ituloy n’yo lang kung ano ang alam ninyong dapat na ipaglaban.

"Karapatan nila yun, karapatan ng bawat isa yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN