Alex Gonzaga still "undecided" on where to focus—hosting or acting: "Ine-explore ko pa. I still enjoy both."

Alex Gonzaga on what she wants to achieve in showbiz: "Siyempre marami... gusto ko po matuloy na yung movie, gusto ko rin magka-recording. Minsan gusto mo ring magka-award, acting award... marami!"


"Wow, napakaarte!" reaksiyon ni Alex Gonzaga nang sabihing sumusunod na siya sa yapak ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Si Toni kasi ay tinaguriang "Ultmate Multimedia Star" dahil sa versatility nito—acting, hosting, singing, dancing, at pati na rin ang pagiging public servant.

Marami ngang nagsasabing sumusunod na siya sa yapak ng kanyang Ate Toni; kulang na lang daw dito ay magkaroon ng sariling album.

"Ay naku, malapit na this year!" bulalas ng young TV host-actress nang hingan ng reaksiyon dito.

"This year ay hopefully matuloy nga ’yan!

"Siyempre masaya ako sa kapatid ko, dahil sino pa dapat sumunod sa kanya, kundi ako na!

"Ako naman ang kapatid niya, dalawa lang kami, sa akin na niya dapat ibigay ’yon!

"Kapal, e!" sabay tawa ni Alex.

Sa isang presscon na ginanap sa Baguio Country Club noong Marso 4, Linggo, para sa mga prinsesa ng TV5, nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex.

ACTING OR HOSTING?. Itinuturing ni Alex na blessings ang mga natatanggap niyang proyekto sa TV5.

Sobra-sobra nga ang pasasalamat niya sa kanyang home network dahil hindi lang siya nakikilala ngayon dahil sa kapatid siya ni Toni, kundi dahil sa sarili niyang husay.

Ano ang mas gusto niyang ginagawa—acting o hosting?

Ayon kay Alex, "Kasi yung binibigay pa lang po sa akin, yung hosting, uhm... hindi siya talaga yung sobrang serious hosting na parang ginagawa ng kapatid ko.

"Pero I really enjoy hosting na ganitong fun-fun, ang saya lang, at the same time yung acting din.

"Although binibigyan nila ako ng heavy drama, gusto ko kasi talaga sa acting mga comedy.

"So, hindi ko pa kasi sobra nakikita yung pinaka... yung pinaka-extreme ng hosting. Hindi ko pa nararanasan.

"And at the same time, although naranasan ko na yung extreme ng acting sa drama, yung talagang heavy drama, hindi ko pa nakikita yung...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Madami pa akong gustong magawang character so I can’t... I’m undecided," sabay halakhak niya.

Aniya pa, "Ang haba ng sagot undecided pala...

"So ano, kasi bago pa lang ako, e.

"Ine-explore ko pa. I still enjoy both, so ayun."

WHAT ALEX WANTS TO ACHIEVE. Sa pagpasok ni Alex sa showbiz, marami raw siyang gustong marating at makamtan pagdating ng panahon.

Ika nga niya, "Siyempre marami... gusto ko po matuloy na yung movie, gusto ko rin magka-recording, minsan gusto mo ring magka-award, acting award, marami...

"Lahat ng nakikita mo kina Miss Sharon [Cuneta], kina Ate Vi [Vilma Santos], sa aking kapatid [Toni], lahat ’yon siyempre gusto mo ring ma-achieve in time.

"Kaya ka naman pumasok dito sa industry, di ba, kasi you’re looking up to them."

Kahit ba pangmatagalan?

"Yes," mabilis na tugon ni Alex.

"Sabi nga ng kapatid ko, ’Alam mo, ’wag kang maiinip, kasi hindi naman pabilisan ’yan... patagalan.’ So, ayun.

"Kasi siyempre, minsan po, pagka iisipin mo, ’Ate, ganyan?’ Minsan nagtatanong ako sa kapatid ko ng mga nangyayari sa showbiz.

"Siyempre siya lang naman kilala ko!" sabay tawa ni Alex.

Dagdag niya, "Ina-advise-an niya ako na hindi ko kailangan mainip, hindi ko kailangan magmadali.

"Kasi nga patagalan—it’s how you... ma-sustain yung sarili mo sa business."

AFTER P. S. I LOVE YOU. Katatapos lang ng drama series na pinagbidahan ni Alex sa TV5, ang P. S. I Love You.

Sa drama series na ito ay muli niyang nakatambal si Kean Cipriano. Nakasama rin ni Alex ang mga batikang artista na sina Gabby Concepcion at Dina Bonnevie.

May upcoming drama series na ba siya pagkatapos ng P. S. I Love You?

"Right now po, e, nagpo-focus muna po tayo sa hosting natin.

"Toink! [Sino Ang Tama?] game show every Sunday with Chris Tiu, ayun," banggit ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH CHRIS TIU. First time ni Alex na makasamang mag-host ang basketball star na si Chris at sa isang show, ang TOINK! Sino Ang Tama?.

Kumustang katrabaho si Chris?

"Sobrang bait, kasi first time ko siyang na-meet.

"Very approachable ’tapos kahit first time namin na magkatrabaho, e, ano siya, parang ang bilis mong makumportable na makasama siya.

"Kasi very warm and, ayun nga, very approachable.

"’Tapos siya pa yung minsan na nakikipag-usap sa ’yo—siguro just to break the ice.

"So ayun, mabait."

THANKFUL. Isa si Alex sa mga alaga ng Kapatid network na hindi nababakante.

Kung wala siyang drama series, naka-focus naman siya sa kanyang paghu-host.

"Siyempre sobrang thankful talaga ako sa TV5 talagang halos haaay... halos ibigay ko ang lahat sa kanila, dahil napakabait nila sa akin.

"Saka ’tapos mabait sa TV5 is yung binigyan nila ako ng time para makatapos ng pag-aaral, para makapasok sa school.

"So, sobrang thankful talaga ako sa lahat ng ibinibigay sa akin ng TV5," masayang sambit ni Alex.

SCHOOL PLUS CAREER. Sa isang interview ng Ate Toni ni Alex, nabanggit nito na sobrang proud siya sa kanyang bunsong kapatid sapagkat nagawa nito ang hindi niya nagawa—ang pagsabayin ang pag-aaral at showbiz.

Paano nga ba nagawang pagsabayin ni Alex ang pag-aaral niya at ang showbiz?

"Siguro dahil rin po sa TV5, kasi kahit sobrang nagko-conflict na...

"Kahit na ginagawa ko yung [Babaeng] Hampaslupa, ’tapos P. S. I Love You, ang dami-daming nangyaring nag-conflict dahil nga po nag-a-adjust sila [TV5] for the school.

"So, ’yon, parang I really owe it to TV5 dahil if they weren’t... if they didn’t give me a chance or if they didn’t adjust or didn’t allow me to ano... to go to school every morning.

"Di ba, kung sinabi nilang ’Hindi, you have to choose...’ Hindi nila ako pinapili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ginawa nila, binalance nila.

"So, hindi naman puwedeng sumabay yung school sa ’kin kasi hindi naman mag-aano [mag-a-adjust] yung school para sa akin.

"[TV5] yung nag-adjust, so ang bait nila."

Ga-graduate na si Alex ngayong Marso sa kursong Humanities sa University of Asia and the Pacific (UA&P).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN