Sons of film moguls Lily Monteverde and Vic del Rosario join forces for five movie projects

Viva Films’ Vincent del Rosario Jr. (left) and Reality Entertainment’s Dondon Monteverde (right) are set to collaborate on five films in a span of two years.


Ginanap kahapon, March 7, sa Viva Entertainment Inc. office ang contract signing nina Vincent Del Rosario ng Viva Films at Dondon Monteverde ng Reality Entertainment.

Nagsanib-puwersa sina Vincent at Dondon para sa limang pelikula na napagkasunduan nila na i-produce sa loob ng dalawang taon.

Ang Rigodon at Pagpag ang mga unang pelikula na gagawin ng mga anak ng film moguls na sina Vic del Rosario, Jr. at Lily Monteverde.

Isang sex-drama movie ang Rigodon. Tatampukan ito nina Maxine Eigenmann, John James Uy, at ng baguhang sexy star na si Yam Concepcion.

Ang direktor at business partner ni Dondon na si Erik Matti ang direktor ng Rigodon.

Handang-handa na ang Rigodon stars sa shooting ng kanilang project na sisimula sa darating na Lunes.

Tapos na ang acting workshop ng mga bida ng Rigodon dahil October 2011 pa nang planuhin ang project na ipalalabas din sa taon ito.

Sina Mark Anthony Fernandez, Claudine Barretto, at Heart Evangelista naman ang mga bida ng Pagpag, isang horror movie na uumpisahan ang shooting sa huling linggo ng March 2012.

Ang Pagpag ang reunion movie nina Mark at Claudine na matagal nang hindi napapanood sa wide screen ang tambalan.

Confident sina Vincent at Dondon na magiging matagumpay ang pagsasanib-puwersa ng kanilang mga film production.

Ayon sa kanila, may blessings ng mga magulang nila ang joint venture ng Viva Films at Reality Entertainment.

Matagal na hindi nag-produce ng pelikula si Dondon dahil nag-concentrate sila ni Erik sa paggawa ng mga TV commercials.

Inamin ni Dondon na na-miss niya ang paggawa ng pelikula kaya excited siya sa mga proyekto nila ni Vincent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN