Manny Pacquiao faces charges from BIR for alleged failure to present tax records

Manny Pacquiao faces charges from Bureau of Immigration for failing to present his tax records. BIR regional director Rozil Lozares says, "He was supposed to appear and bring the necessary papers and records on February 7, but hindi po siya nag-appear, much less nagbigay ng dokumento."


Nagsampa ng kaso ang Bureau of Internal Revenue laban sa Pinoy boxing champ at Saranggani Representative na si Manny Pacquiao dahil sa paglabag diumano sa Article 266 of the National Internal Revenue Code (NIRC).

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News kahapon, Marso 7, ang sanhi ng aksiyong ito ng BIR ay ang hindi raw pagbibigay-pansin ni Pacquiao sa summons ng kagawaran para ipakita niya ang kanyang tax records.

Sinabi ni BIR regional director Rozil Lozares na ang hakbang na ito ay "para makita ng ating mamamayan na wala tayong pinipiling mga personalidad."

Nasasaad sa article 266 ng NIRC: "Any person who, being duly summoned to appear to testify, or to appear and produce books of accounts, records, memoranda or other papers, or to furnish information as required under the pertinent provisions of this Code, neglects to appear or to produce such books of accounts, records, memoranda or other papers, or to furnish such information, shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than Five thousand pesos (P5,000) but not more than ten thousand pesos (P10,000) and suffer imprisonment of not less than one (1) year but not more than two (2) years."

Ayon kay Lozares, noong Enero 24 pa nagpadala ang kanilang kagawaran ng subpoena para kay Congressman Pacquiao upang dalhin ang kanyang tax records.

"He was supposed to appear and bring the necessary papers and records on February 7, but hindi po siya nag-appear, much less nagbigay ng dokumento," pahayag ni Lozares.

Nais imbestigahan ng BIR ang 33 tax records ni Pacquiao, kasama na ang kanyang annual income tax noong 2010, book of accounts, listahan ng kanyang mga assets, at ang kanyang kinita sa mga naging laban niya kina Antonio Margarito at Joshua Clottey.

Hiniling din ng kagawaran na ipakita ni Pacquiao ang 29 na kopya ng mga kontrata niya para sa iba’t ibang endorsements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang criminal charges na isinumite ng BIR ay kasalukuyang nasa Office of the City Prosecutor sa Koronadal, South Cotabato.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN