Janice de Belen refuses to discuss Gerald Anderson-Sarah Geronimo relationship: "Kahit may alam ako, wala akong alam."

Janice de Belen on things she has learned after Budoy: "Positivity kasi yung Budoy character, si Budoy mismo, positive siya, e. In spite of his condition, he is very positive sa buhay. ’Be happy, be Budoy nga,’ di ba? So, pati ikaw, parang nadadala ka nung pagiging positive niya sa buhay."


Inamin ni Janice de Belen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sobra siyang nalungkot sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng Budoy na naging behikulo niya sa muling pagbabalik-Kapamilya.

Bukas, March 9, ang huling episode ng primetime series na ito na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Ayon kay Janice, "Totoo yung sinasabi natin na siguro na mas malungkot yung pagtatapos ng Budoy because we actually became a family.

"You know, siguro hindi maiiwasan na kapag nagtatrabaho ka three times a week, may mga days na di maiiwasang pagod ka.

"Or minsan, may dinamdam ka, ’tapos kukumustahin ka, you get to talk about it.

"Nagkukuwentuhan kayo tungkol sa buhay, you get to talk important things, so magkakaroon talaga kayo ng special bond.

"Kaya ngayong magtatapos na, pinipilit ko ngang huwag masyado malungkot.

"But I definitely miss everybody ha, as in everybody ha, talagang lahat naman kami nagkakasundo."

BONDING MOMENTS. Inamin din ni Janice sa PEP na kahit yung mga baguhan at mga artistang ngayon lang niya nakakatrabaho ay sobrang naging maganda ang kanilang samahan.

Katunayan, ang mga kasama niyang younger stars sa show ay naging mga anak-anakan daw niya on- and off-camera.

"I’m really sad kasi parang naging anak-anakan ko na si Gerald, pati si Enrique [Gil], si Jessy [Mendiola], so nakakalungkot talagang magtapos na ang Budoy," sabi ni Janice.

Ayon pa sa aktres, pinipilit niyang huwag masyadong malungkot dahil nasa iisang bakuran lang naman sila.

Baka balang-araw raw ay muli niyang makakasama sa ibang proyekto ang tatlo; pati na sina Zsa Zsa Padilla, Mylene Dizon, Christian Vasquez, Tirzo Cruz III, Dante Rivero, at Barbara Perez.

Isa sa mga dahilan daw rito ay ang magandang working relationship nilang lahat.

"With everybody, we’re like a family," sambit ni Janice.

Ano naman ang natutunan niya sa serye?

"Positivity kasi yung Budoy character, si Budoy mismo, positive siya e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In spite of his condition, he is very positive sa buhay. ’Be happy, be Budoy’ nga, di ba?

"So, pati ikaw parang nadadala ka nung pagiging positive niya sa buhay."

Ang role na Budoy sa serye ay may Angelman Syndrome o may mental retardation.

PROJECTS AFTER BUDOY. Pagkatapos ng final episode ng Budoy, magiging busy naman daw si Janice sa dalawang pelikulang nakapila niyang gawin.

Una rito ang The Healing kasama sina Governor Vilma Santos at Kim Chiu.

Hindi pa raw siya naka-pag full blast sa shooting ng pelikula dahil nga may tatlong proyektong sabay-sabay niyang ginagawa: ang Budoy, ang cooking talkshow niya sa Net 25 na Spoon, at ang showbiz talk show niya sa ABS-CBN na Showbiz Inside Report.

Kuwento ni Janice, "Nakaeksena ko na si Ate Vi ng ilang beses, pero si Kim hindi pa.

"Ngayong patapos na ang Budoy, magpu-full blast na kami.

"Oh, my God, si Ate Vi! Nakakatuwa siya, she is so funny!

"Yung dressing room ko nga, hindi ko na halos mapag-stay-an. Lagi niya akong niyayaya sa dressing room niya, ang dami naming kuwentuhan... ang saya-saya lang!"

Nakatakda ring gawin ni Janice ang isang indie film para sa Cinemalaya to be directed by Joey Reyes. Matatandaang kasali rin si Janice sa Zombadings, isang entry rin sa Cinemalaya last year.

"Meron din akong gagawing movie for Cinemalaya kay Direk Joey R [ang tawag ni Janice kay Direk Joey], kasama ko sina Judy Ann Santos, Agot Isidro, at Iza Calzado.

"Mahirap tanggihan si Joey R, mahirap yung sked ko, pero si Joey R ’yan, e."

Kahit maglalagare si Janice sa isang indie movie at isang mainstream film, wala raw siyang nakikitang pagkakaiba sa konsepto ng indie at mainstream cinema.

Pagkatapos daw nito, may isa na namang seryeng gagawin si Janice sa ABS-CBN.

"Hindi pa clear sa akin kung ano yung gagawin ko. Basta meron na daw naka-lineup," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GERALD ANDERSON AND SARAH GERONIMO. Bago namin pinakawalan sa interview si Janice, inusisa rin namin siya kung ano ang alam niya sa pagitan nina Sarah Geronimo at ng kanyang anak-anakang si Gerald.

Tumatawa lang si Janice at ayaw raw niyang magkomento.

"Alam mo, wala akong alam. Kahit may alam ako, wala akong alam.

"Wala akong ikukuwento kasi out of respect, because he is my friend, it is not my place to talk.

"Si Gerald, sobrang masaya naman siya... he’s happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN