Arran "Caloy" Sese denies using ex-girlfriend Jonalyn Viray to enter showbiz: "Mas gusto kong makilala sa sarili kong paraan at hindi yung nanggagamit ng ibang tao."

Arran "Caloy" Sese on confirming his relationship with La Diva member Jonalyn Viray: "Kung hindi naman ako natanong, wala naman akong balak ikuwento kasi sobrang tagal na nun... ilang years na ang nakaraan. ’Tsaka may non-showbiz girlfriend na rin ako at alam ko namang masaya si Jonalyn dahil maganda ang takbo ng career ng La Diva. Kaya naman ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na gamitin siya para lang makapasok ako sa showbiz."<


Mariing pinabulaanan ng print and commercial model na si Arran Sese ang akusasyong ginagamit lang daw niya ang kanyang ex-girlfriend na si Jonalyn Viray para sumikat at mapag-usapan.

Si Arran ay mas kilala ngayon bilang "Caloy" sa pinakabagong commercial ng Coke.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arran, sinabi niyang sa isang interview ay tinanong siya kung totoo ngang naging kasintahan niya ang miyembro ng singing trio na La Diva. Inamin naman daw niya ito.

Ayon kay Arran, "Wala naman sigurong masama kung aminin ko naging magsyota kami ni Jonalyn, kasi yun naman ang totoo.

"Kung hindi naman ako natanong, wala naman akong balak ikuwento kasi sobrang tagal na nun... ilang years na ang nakaraan.

"’Tsaka may non-showbiz girlfriend na rin ako at alam ko namang masaya si Jonalyn dahil maganda ang takbo ng career ng La Diva.

"Kaya naman ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na gamitin siya para lang makapasok ako sa showbiz."

Dagdag pa ni Arran, "Nung kami pa ni Jonalyn, minahal ko talaga siya.

"Kaya naman napaka-unfair ’pag sinasabi nila ngayon na kesyo ginagamit ko daw si Jonalyn para lang sumikat at makilala.

"Kaya naman kung saka-sakali man na nagsasalita ako ngayon tungkol sa amin ni Jonalyn ay dahil tinatanong lang ako.

"Ayoko namang mambastos ng press na nagtatanong tungkol sa amin ni Jonalyn dahil maganda naman ang pag-approach nila sa akin.

"Wala naman sigurong masamang magkuwento ng katotohanan, lalo na’t di naman masama ang sinasabi ko tungkol kay Jonalyn."

USER? May nagsasabi rin na kaya niya nakukuwento ngayon si Jonalyn ay balak na rin ni Arran ang mag-artista.

"Hindi naman," tanggi ng binata.

"Kasi ako naman kasi, kung magkakaroon ako ng chance na mag-artista, why not?

"Pero katulad ng sinabi ko, yung kuwento ko naman about sa amin ni Jonalyn, natanong lang ako—hindi intended na nagkuwento ako para mapag-usapan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tsaka natanong din kasi ako na may lumabas din daw na tsismis na dinidenay ko si Jonalyn, na kesyo hindi daw totoong naging kami.

"Bakit naman ako magde-deny, kalalaki kong tao?

"E, totoo namang naging kami, kaya sinabi ko sa mga press na nagtanong sa akin na naging kami talaga."

SUPPORT. Totoo ba na kapag may shows noon si Jonalyn ay si Arran ang tagabitbit ng bag nito?

"Totoo, pero wala naman sigurong masama kung gawin ko yun kasi mahal ko naman yung tao.

"Ginawa ko naman kasi yun dahil gusto ko.

"Ako naman kasi, lahat ginagawa ko kapag mahal ko yung tao, pinagsisilbihan ko sa abot ng aking makakaya," sagot ni Arran.

Nakapag-usap na ba sila ni Jonalyn tungkol sa lumalabas na isyu tungkol sa kanila?

"Hindi pa, kasi matagal-tagal na kaming walang communication.

"Kasi simula nang mag-break kami, nagkanya-kanya na kaming buhay.

"Nag-concentrate siya sa kanyang singing career at ako naman sa pagko-commercial.

"Pero ’pag nagkaroon ng chance, bakit naman hindi? Naging maganda naman ang paghihiwalay namin.

"Yun nga lang, nawalan ng communication dahil naging busy kami pareho."

SHOWBIZ BECKONS. Naging hit ang Coke commercial na tinampukan ni Arran. Handa na ba niyang pasukin nang tuluyan ang showbiz?

"Sa ngayon nga po, marami na ang nag-o-offer sa akin na i-sign up ako, pero ayoko na lang sabihin kung anong istasyon. Ayoko kasing isipin nila na mayabang ako.

"Pero sa ngayon kasi, bawal pa.

"Ang concentration ko kasi ngayon, sa promotion ng Coke... series yung gagawin ko sa kanila.

"Siguro after ng contract ko sa Coke, if ever na may kukuha pa sa akin, baka yun yung time na papasukin ko na rin ang pag-arte.

"Gusto ko rin namang subukan yung magkaroon ng teleserye.

"Kaya sana magkaroon ako ng chanc at may kumuha pa sa akin kapag tapos na yung contract ko sa Coke... naman!" sabi pa ni Arran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN