Actress-beauty queen Liza Diño receives Ani ng Dangal award after winning best performer in International Film Festival Manhattan

Beauty queen turned actress Liza Diño continues her love of acting by appearing in indie movies and auditioning for roles in Hollywood. She is currently working as a cook for world-renowned chef Wolfgang Puck.


Kasalukuyang nasa bansa ang aktres at dating beauty queen na si Liza Diño para tanggapin ang parangal mula sa Ani ng Dangal 2012.

Kasabay niyang tumanggap ng award sina Lea Salonga, Jeffrey Jeturian, at ang Bayanihan Philippines National Folk Dance Company.

Ang Ani ng Dangal ay taunang ipinagkakaloob sa artists na umani ng tagumpay at parangal internationally bilang highlight ng National Arts Month sa bansa na ipininagdiriwang tuwing Pebrero.

INTERNATIONAL RECOGNITION. Bago magtapos ang nakaraang taon, itinanghal si Liza bilang best performer sa International Film Festival Manhattan para sa indie film na Compound.

Ito ang nagsilbing pamantayan para gawaran siya ng Ani ng Dangal.

Ayon kay Liza, bukod-tanging siya ang ginawaran ng acting award mula sa 38 na pelikulang sumali mula sa iba’t ibang bansa para sa nasabing pelikula.

Bilang pagpapakilala muli ni Liza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ayon sa kanya, matapos niyang manalo bilang Mutya ng Pilipinas International noong 2001 ay kinuha siya ng GMA-7 at nakalabas sa mga teleserye gaya ng Encantadia.

Maging sa ABS-CBN ay nagkaroon din daw siya ng ilang proyekto.

Lumabas siya sa mga pelikulang Two Timer (2002), na pinagbidahan nina Ara Mina at Wendell Ramos noong 2002, at Xerex (2003), kung saan si Aubrey Miles naman ang bida.

Parehong bold movies ang mga ito, pero hindi naman daw siya naghubad.

"Hindi! Best friend lang ako! Ako yung hindi nag-bold do’n!" tawa niyang sagot ng makapanayam siya ng PEP noong Lunes ng hapon, March 5, sa Mesa restaurant sa Quezon City.

Hindi rin daw siya na-link sa kapawa niya artista noon.

"Wala! Wala talaga. Ano ako, e... low-profile!" halakhak niya ulit.

Pagpapatuloy niyang pagkukuwento sa kanyang mga nagawang proyekto, "After no’n, I went into indie.

"So I was doing Compound with Hubo Productions.

"I did a movie for Cinemalaya. So I was doing Sinungaling na Buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And Love Story with Maricel Soriano and Aga Muhlach.

"I was also with Pinay Pie before with Assunta de Rossi."

SETTLING DOWN. Nagpasyang mangibang-bansa si Liza noong 2008 para bumuo ng pamilya.

Ikinasal siya sa isang Pinoy bio-technician na naka-base na rin sa Amerika at mayroon na silang isang anak.

"I did also some films there.’Tapos nag-aral ako sa Le Cordon Bleu.

"So, it’s a culinary school and eventually started working with Wolfgang Puck," pagtukoy niya sa world-renowned chef na may-ari ng mga sikat na restaurants sa Amerika.

Dagdag ni Liza, "His restaurant is called Spago. Nagtatrabaho ako ngayon there as a cook."

Dahil sa kanyang passion din sa pagluluto, bukas din si Liza sa posibilidad na magkaroon ng isang cooking show sa hinaharap.

Nag-audition din daw si Liza para sa sikat na U.S. series na CSI: Crime Scene Investigation.

"Especially this year, it’s pilot season," banggit pa niya.

Hinihintay raw niya ang resulta ng kanyang audition.

Dagdag pa ni Liza, "I’ve done a US film. I played a... but it’s also with a Filipino-American director. It’s called Imelda and Gunter.

"I played the delusional Imelda Marcos. Short film siya na lumaban siya sa mga US festivals.

"Commercials, I did mga KCal Insurance, ganyan.

"I did a 24/7 debit card with Manny Pacquiao... mga ganyan.

"And also with the Filipino community, I always do yung mga hosting jobs for them.

"But Hollywood-wise, it’s very tough there.

"Sa kanila kasi, hindi katulad dito sa atin na hindi mo kailangang mag-audition, e.

"You can get away with looking good.

"Do’n talaga, kahit gaano ka kagaling, if you don’t look the part, they will not get you."

Marami na rin daw siyang call backs pero hindi pa rin niya nakukuha ang papel na in-audition niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, mayroon siyang talent agent sa Amerika pero hindi raw siya makapagbuhos ng sapat na oras sa pagpasok sa Hollywood dahil ang konsentrasyon niya ngayon ay sa pagluluto.

IN NOMINE MATRIS. Nakatakda uling umalis si Liza sa bansa bago matapos ang kasalukuyang buwan, pero pabalik-balik lang naman daw siya kapag may magandang proyekto siyang matatanggap.

"Babalik naman uli ako to promote my film, yung In Nomine Matris [In the Name of the Mother]. This year lalabas siya.

"It is based on a true story of a young woman in the Philippines who is torn between love and her love for flamenco.

"This is an opportunity for me to show my other passion, which is flamenco.

"I’m so excited!

"The film is very personal to me and I’m playing the lead role in the film," pagmamalaki niya sa kanyang bagong pelikula, kung saan katambal niya ang dating matinee idol na si Biboy Ramirez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN