Rodrigo Duterte to illegal recruiters: "I can smell a rat a mile away. Huli na kayo."

May 16, 2016
<p>Rodrigo Duterte: "Lahat ng illegal recruiters, hindi na kailangang may biktima pa. I will order the arrest of all recruiters operating without the proper permit."</p> <p>This photo was taken during his sortie in Bulacan.</p>

Para sa presumptive president na si Rodrigo Duterte, marami sa mga properties ng gobyerno ay underutilized.

Kaya sa unang televised presscon niya kahapon, May 16, sa Davao City, sinabi niyang ilan sa mga ito ay dapat nang magamit o mailaan para maging mas kapaki-pakinabang.

Una na rito ay ang Manila Post Office dahil kaunti na lamang ang sumusulat sa pamamagitan ng snail mail.

Bilang pagbibigay-pugay sa mga OFWs (Overseas Filipino Workers) ay bubuo siya ng Department of Overseas Filipino Workers. 

At ang Manila POst Office ang magiging "one-stop-shop" ng mga OFWS para maging "very functional, very useful to the Filipinos" ang naturang building.

Inanunsiyo rin ni Duterte na ibebenta niya ang presidential yatch na BRP Ang Pangulo para makapagpatayo ng bagong building para sa military at police at mga hospital facilities.

Maaari rin daw gamitin ang pondo para sa mga war veterans at para maitaas ang sahod ng mga doktor.

Continue reading below ↓

"That yacht there, it's parked somewhere, not being used, and to think that our people are hungry and jobless.

"It would be an obscene thing to see Ang Pangulo there."

Ayon sa Palasyo, sinubukang ibenta ang yate ni dating Pangulo Cory Aquino sa halagang 5.5 million U.S. dollars subalit hindi ito nabenta.

Hahabulin rin daw niya ang lahat ng illegal recruiters sa bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang "special unit."

Aniya, "Maybe, Criminal Information Service."

Babala pa ni Duterte, “Lahat ng illegal recruiters, hindi na kailangang may biktima pa.

"I will order the arrest of all recruiters operating without the proper permit.

"I would know when I see one. I can smell a rat a mile away.

"Huli na kayo. I will do what you do to others. ‘Yan ang warning ko."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Rodrigo Duterte: "Lahat ng illegal recruiters, hindi na kailangang may biktima pa. I will order the arrest of all recruiters operating without the proper permit."</p> <p>This photo was taken during his sortie in Bulacan.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results