John Lloyd Cruz continues winning streak at the box-office with success of Unofficially Yours

John Lloyd Cruz on the possibility of doing a movie with Anne Curtis: "Hindi ko nga alam kung bakit lately napapaisip ako. Tingin ko kasi, hindi kami bagay kaya nakaka-challenge. Di ba, nakaka-challenge yun na parang hindi kayo bagay pero ’pag nabigyan kayo ng magandang material, hindi pa kasi nakikita what we can offer, hindi pa kami nabibigyan ng chance. Kapag nabigyan ng chance, tingnan natin kung mayroon bang chemistry o wala."


Kumpirmadong blockbuster ang Unofficially Yours pagkatapos nitong kumita ng P165 million sa isang buwang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Ito ang kauna-unahang certified box-office hit ng Star Cinema para sa 2012.

Ang Unofficially Yours ang nagpatuloy sa winning streak sa takilya ni John Lloyd Cruz; ang pinakamalaking hit ni Angel Locsin; at ang nagpatatag sa estado ni Cathy Garcia-Molina bilang box-office director.

BOX OFFICE HIT. Sa victory party-thanksgiving ng Unofficially Yours last Wednesday, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS CBN, hindi naitago ni John Lloyd ang saya at pasasalamat sa suportang ibinigay ng publiko sa kauna-unahang pelikula nila ni Angel na magkasama.

"Natutuwa ako na lumaban pa rin kami.

"Alam n’yo naman, di ba, Oscar season?

"Ang daming mga movies, kahit na hindi Oscar participants na pelikula, ang dami diyang magaganda and still lumaban yung pelikula namin.

"I’m very, very happy," sabi ng aktor.

EXPECTATIONS. Wala ba siyang pressure na nararamdaman sa mataas na expectations ng marami sa tuwing may pelikula siyang pinapalabas?

"Hindi naman yun totoo," sabi ni John Lloyd.

"Kahit kaninong pelikula, puwedeng kumita talaga. Napaka-unpredictable ngayon ng audience.

"Parang hindi mo alam kung ano ang tatangkilikin nila at kung ano ang hindi.

"Para sa akin, natutuwa ako dahil buhay na buhay ang mga moviegoers.

"Kaya para sa aming mga artista, malaking bagay yun kasi alam mo na ’yang mga manonood, gusto lagi, ’Surprise us! Ano ba ang mao-offer ninyo ngayon?’

"It keeps us inspired and on our toes.

"Basta masaya, nakakatuwa, kasi kasabay ’yan ng ano, e... may record ’yan kumbaga.

"Pero ako kasi, ayoko ng napi-pressure.

"Ako, I’m more on a project basis, basta malinis, basta maganda yung pelikula.

"Siyempre ’pag kumita, mas masaya ka. Pero mas magiging masaya at fulfilled ka kapag malinis ang pelikula more than dun sa kumita.

"Quality pa rin kaysa sa kinita," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW TELESERYE. Kinumprima naman ni John Lloyd na tuloy na ang teleseryeng pagtatambalan nilang muli ni Bea Alonzo.

"Nag-cam test kami kahapon.

"Siyempre, I’m excited to work again with Bea kasi ang tagal na naming huling nagkasama," banggit ng aktor.

Excited din si John Lloyd sa third installment ng pelikula nila ni Sarah Geronimo; pagkatapos ng A Very Special Love at You Changed My Life.

"Yung sa amin ni Sarah, nasa preparation stage pa lang kami.

"Of course, excited ako to work with her again at sa kung ano ang kapupuntahan ng story kasi nakadalawang pelikula na kami.

"Saan na kaya dadalhin ang istorya nila Laida at Miggy?"

SARAH-GERALD RELATIONSHIP. Matunog ang bali-balita na may special relationship daw na namamagitan ngayon kina Sarah at Gerald Anderson.

Ano ang masasabi ni John Lloyd na tila masaya na ang lovelife ngayon ng Pop Princess?

"Alam mo tayo, dalawang taong masaya—lalo na ang dalawang taong may nag-uugnay sa kanilang kaligayahan—maganda yun at walang rason para hindi tayo maging masaya para sa kanila," sabi niya.

NEW LOVETEAM. Consistent pa rin si John Lloyd sa pagsasabi na kung mayroon siyang susunod na gustong makapareha, ito ay si Anne Curtis.

Aniya, "Hindi ko nga alam kung bakit lately napapaisip ako.

"Tingin ko kasi, hindi kami bagay kaya nakaka-challenge.

"Di ba, nakaka-challenge yun na parang hin di kayo bagay pero ’pag nabigyan kayo ng magandang material...

"Hindi pa kasi nakikita what we can offer, hindi pa kami nabibigyan ng chance.

"Kapag nabigyan ng chance, tingnan natin kung mayroon bang chemistry o wala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN