LJ Reyes on being called "one hot momma" after posing for two men’s magazines: "Mas okay na yun kesa tawagin kang losyang, di ba?"

LJ Reyes doesn’t want to deal with the "jealousy" issue any more.

"Wala bang bagong tanong?" she says. "E, kasi, tinanong na naman noon, sinagot na namin. Kapag tinanong ba ulit, mag-iiba ba ng sagot? Feeling ko, kapag paulit-ulit na sinasagot, mas magkakaroon lang ng meaning."


Natawa si LJ Reyes nang sabihin namin na puwede na siyang tawaging "hot momma" dahil sa muli niyang pagpu-pose para sa isang men’s magazine.

Unang nag-cover pictiorial si LJ sa FHM at ngayon naman ay sa Playboy.

"Wow! Parang hindi ako sanay talaga! ’Hot momma?’

"Natatawa talaga ako pero mas okay na yun kesa tawagin kang losyang, di ba?

"Ayoko ng losyang, mas ayoko yun!" natatawang sabi ni LJ sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

At least, puwede siyang maging inspirasyon na hindi porke’t nanay na, puwede nang magpabaya sa katawan.

"Oo nga. May mga nagtu-tweet nga sa akin, paano ka pumayat?

"Tapos, sinasabi ko sa kanila na feeling ko, malaking help talaga ang breastfeeding."

EDUCATIONAL INVESTMENT. Kung tutuusin, sa mga hindi nakakaalam, kahit na mommy na nga si LJ, nagawa pa rin niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng Economics sa La Salle-Taft sa kabila ng pagbabalik din niya sa pag-arte.

Paano niya nga ba nagagawa ang lahat ng yun?

"Oo nga, ang dami kong ginagawa.

"Nakakatuwa lang na nagagawa ko lahat ng gusto ko, na naalagaan mo pa rin ang anak mo at hindi mo siya napapabayaan.

"Although siyempre minsan, nakaka-guilty kasi iisipin mo, sana yung time na ’to, spent mo na lang with him.

"Pero siyempre, iisipin mo, investment mo rin like sa school.

"Minsan iisipin mo, ay, ayoko munang mag-aral kasi, bata pa si baby.

"Pero hindi, eh... investment mo yun.

"Ilang oras ka lang naman papasok at para sa future niya rin yun, ’di ba?"

BABY CARE. Sinisigurado naman daw nila na hindi nila naiiwan ang anak na si Ethan Akio na yaya lang ang kasama. Sinisigurado nga raw nila na may kasama itong kamag-anak nila.

Pero minsan, umaga na siya nakakauwi sa taping, nararamdaman daw niya ang pagka-miss ng anak sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan umaga na akong darating from taping. Kapag nakita niya ko, kung makayakap sa akin.

"Ituturo niya ko. Parang ipapakita niya ko sa lahat. Nakakatuwa. Ayaw nang bumitiw sa akin.

"Although, minsan nakakatuwa siya. Kapag may bagong libangan.

"Kapag sinabi kong, ’Aki, Mommy has to go to work.’ Sasabihin niya, ’No, no, no Mommy.’ Tapos kapag sinabi ng yaya, ’Halika kuha tayo ng Jelly Ace,’— sumama sa yaya. Nakakatawa!

"Pero mas okay yung ganoon kasi, hindi nakaka-guilty."

HAPPY MARRIAGE? At dahil pareho sila ni Paulo Avelino na hindi masyado o hindi halos sumasagot kapag ang tungkol sa isa’t-isa na ang tanong sa kanila, may mga nag-iisip at nagsasabing hindi na raw sila okay o hiwalay na?

"Wala bang bagong tanong? Para maiba na!

"Sinagot ko na yun nang madalas,"natatawa niyang sabi.

Hindi na raw kasi sila halos nakikitang magkasama.

"Paano naman kami makikita together, e, busy kami.

Nagta-trabaho kami para sa bata."

JEALOUSY.Hindi ba siya nakakaramdam ng selos sa mga pina-pareha kay Paulo tulad ngayon, kay Julia Montes na kapareha nito sa Walang Hanggan?

"Wala bang bagong tanong?"natatawa pa rin niyang sabi.

"E, kasi, tinanong na naman noon, sinagot na namin.

"Kapag tinanong ba ulit, mag-iiba ba ng sagot?

"Feeling ko, kapag paulit-ulit na sinasagot, mas magkakaroon lang ng meaning."

In short, okay naman sila ni Paulo?

"Oo, okay naman," mariing sagot ni LJ.

Sa pagpo-pose niyang muli as cover girl, kinailangan pa ba niyang magpaalam kay Paulo ?

"No need. Kasama sa trabaho namin ’to.

"At hindi naman ito something na parang ngayon ko lang ginawa."

Hanggang saan ba ang pagpapaka-daring na kaya niyang gawin?

"Sabi ko naman kay Kuya Perry [Lansigan] like, may inialok na sabi ko, kaya ko naman basta maganda ang kuwento, may sense—ayoko naman ng walang sense."

CONTRABIDA ROLES. Bilang kontrabida sa The Good Daughter ng GMA-7, natutuwa naman daw siya sa mga feedback na natatanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang role ko, mean talaga kung mean. Pero, meron din kasing pinanggagalingan.

"If ever man na i-decide nila na merong parang redemption sa huli ang character, parang hindi malabo."

Magkasunod na kontrabida ang nagiging role niya, after ng The Good Daughter, gusto ba niyang siya naman ang pinagko-kontrabidahan?

"Puwede, pero sana, ma-challenge ako ulit.

"Although, nag-e-enjoy pa akong mag-kontrabida.

"Pero siyempre, kung ano naman ang ia-alok nila, tatanggi pa ba ko sa grasya?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN