Gwen Zamora asks her "haters" on Twitter: "Let’s all be open-minded and understand naman trabaho namin [ito] bilang artista."

May special role si Gwen Zamora sa upcoming romantic-comedy film na My Kontrabida Girl ng GMA Films at bida naman siya sa international film titled The Witness na kinunan pa sa Indonesia. Produced ito ng Skylar Pictures at released ng GMA Films.

"This is a suspense thriller. I play a Filipino-British named Angel Isagani and na-witness ko sa isang dream ang isang man who committed suicide. From there, strange things ha



Inamin nga ni Gwen Zamora na meron na raw siyang mga "haters" sa Twitter dahil sa kanyang role bilang si Iris sa Biritera.

Ang role kasi ni Gwen ay isang die-hard fan ni Andrei (played by Dennis Trillo) at nagkaroon sila ng relasyon.

Marami ngang eksenang nagyayakapan at naghahalikan sila ni Dennis sa naturang drama series kaya maraming fans ang nagre-react dahil masyado raw kikay ang role ni Gwen.

Natatawa na nga lang daw si Gwen sa mga reaction at comments ng kanyang mga haters sa kanyang role.

"Nagugulat nga ako, e. Dumarami na pala ang mga galit sa akin.

"Gano’n na ba ako ka-effective sa role ko for them to react that way?" natatawang sagot ni Gwen nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Building.

"They shouldn’t take it so seriously. Work lang po ito.

"I mean, it’s our job as actors to make it look real. Kung hindi maganda trabaho namin, baka wala kaming trabaho ngayon.

"And si Dennis matagal ko na siyang kilala at katrabaho. Hindi lang sa Biritera ko siya unang nakatrabaho because we also have Bubble Gang.

"Sa set ng Bubble Gang, nagkukuwentuhan talaga kami and we do different skits na magkasama.

"Kaya there’s really nothing to get mad about or hate about me.

"Let’s all be open-minded and understand naman trabaho namin [ito] bilang artista."

Nabanggit nga ni Gwen na karamihan daw ng mga haters niya sa Twitter ay mga fans ni Mikaela, ang role na ginagampanan ni Glaiza de Castro.

May nabuo raw kasing fan base ang teamup nila Dennis at Glaiza at anti-Gwen Zamora raw sila.

"Yun ang sinabi sa akin ng mga friends ko. Most of the people who don’t like my character in Biritera are fans of Mikaela and Andrei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, amusing nga ito because it only means that they are really watching our show.

"That they are reacting sa love triangle of Andrei, Mikaela and Iris.

"I guess okay naman iyon pero like what I said, huwag nilang seryosohin. Hanggang sa characters lang namin sa show sila mag-react.

"In real life, magkakaibigan kami nila Dennis and Glaiza. We are just good in portraying our roles.

"Kaya keep on watching us and don’t hate me naman masyado," tawa pa ulit ni Gwen.

ON DENNIS AND BIANCA. Nagpapasalamat nga si Gwen na wala siyang natatanggap na mga hate messages mula naman sa fans ni Bianca King na siyang nali-link kay Dennis Trillo ngayon.

Kuwento nga ni Gwen na magkaibigan sila ni Bianca at madalas silang magkausap kapag nagkikita sila sa studio ng Party Pilipinas at kung saan-saan pa.

"Bianca is a friend and even before she was linked to Dennis, magkakilala na kami.

"I always look up to Bianca kasi napagsasabay niya ang pag-aartista at ang pag-aaral niya.

"Kita n’yo naman, she graduated from college kahit na super-busy siya.

"I always ask her about her course which is film. I also want to take up the same course kasi interested ako talaga sa paggawa ng pelikula.

"I dream of becoming a film director someday."

Ayon kay Gwen, hindi basta naniniwala si Bianca sa mga tsismis at hindi ito basta mag-react sa mga eksena nila ni Dennis sa Biritera.

"I know that Bianca is a very open-minded person. Nasa showbiz din kasi siya kaya she knows that we are all [doing] our part.

"Alam niya na trabaho lang lahat ito. Kaya there’s no problema between me and Bianca. I guess it’s safe to say na she trust me with my scenes with Dennis," ngiti niya.

MOVIES. Bukod sa mga TV shows ni Gwen, busy rin ito sa paggawa ng mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May special role siya sa upcoming romantic-comedy film na My Kontrabida Girl ng GMA Films at bida naman siya sa international film titled The Witness na kinunan pa sa Indonesia. Produced ito ng Skylar Pictures at released ng GMA Films.

"This is a suspense thriller. I play a Filipino-British named Angel Isagani and na-witness ko sa isang dream ang isang man who committed suicide.

"From there, strange things have been happening sa akin and my family. It’s really more of a psychological thriller.

"I was able to work with Indonesian actors. Mababait sila and I didn’t have a hard time working with them.

"Even our director Muhammad Yusuf is very nice.

"Kapag break time nga namin, we would all gather around and magkuwentuhan kami.

"Medyo nagkaroon lang ako ng problem sa language nila, pero a lot of them sa production speak English kaya naging okay naman.

"I still communicate with the people I worked with sa movie. One month din kasi kaming nagkasama doon.

"I miss the people who did my make-up, my costume and who helped me go around the place.

"I will soon see them again because I will help promote the movie in Indonesia, Malaysia and Singapore in April and May.

"Mauuna dito ipalabas ang The Witness on March 21," pagtatapos pa ni Gwen Zamora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN