PART 1 Robbie Tan reveals Cinemalaya has not yet signed the contract with filmmaker Emerson Reyes

"Saka, ako, I cannot dictate, and I cannot approve alone. Di ako marunong mag-approve [mag-isa]. Lahat ’yan, yung core group," says Robbie Tan, monitoring head of Cinemalaya film festival, on the disqualification of Emerson Reyes’s film.


Nang pumutok ang balitang na-disqualify kamakailan ang pelikulang MNL 143 sa New Breed category ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon (gaganapin sa July), naging maingay ang isyung ito sa social networking sites—lalo na sa indie film community—tulad ng Facebook, Twitter, at film blogs.

Ang MNL 143 ay kuwento ng isang FX taxi driver na nagtrabaho sa Saudi ng sampung taon at pagbalik ng Pilipinas ay hinahanap nito ang long-lost love niyang babae.

Ang nasabing pelikula na full-length entry ng baguhang writer-director na si Emerson Reyes at producer na si Nestro Abrogena ay na-disqualify diumano dahil sa "casting issue."

Nais ng filmmaker na gumanap sa main cast ang character actor na si Alan Paule at comedienne-singer na si Joy Viado—na hindi inaprubahan ng Cinemalaya Organizing Committee, dahil daw "walang chemistry" ang tandem ng dalawa.

Dito na nagsimula ang gulo sa pagitan ng magkabilang panig. Mabilis na kumalat ang isyu.

Mga bandang third week ng January, usap-usapang madi-disqualify nga daw ang pelikula sa Cinemalaya—pag di sila nagkasundo sa "casting."

Hindi daw ibibigay ang unang parte ng seed money na P500,000. Ito ang film grant o investment given to all selected film entries at hahanapan na lang ng produksiyon ang additional funding.

Dito sumabog sa galit ang grupo nina Reyes at Abrogena. Na-post sa social networking sites ang kanilang side of the story. Ang karamihan sa comments ng said posts, e, negatibo, paninira laban sa Cinemalaya organizers.

Hindi na raw malaya ang Cinemalaya dahil wala na raw kalayaan ang filmmaker upang ipaglaban ang casting na gusto niya.

SCOOP. Last month, na-i-scoop ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) ang nasabing balita ng disqualification.

Nalathala ang letter of disqualification signed by Cinemalaya Competition Chairperson na si Director Laurice Guillen, ganoon din ang "side of the story" ni Robbie Tan na siyang monitoring head ng festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang araw pa ay na-i-post na rin ng PEP ang panayam kay Reyes mismo. Sa mga araw na ito, maingay na nga sa Facebook ang isyu, hanggang sa pinik-ap na rin ng leading broadsheets ang kuwento, tulad ng Philippine Daily Inquirer at Philippine Star.

At this point ay nagka-sanga-sanga na ang maling balita sa text messages, tulad halimbawa na nag-resign na raw sa Cinemalaya sina Tonyboy Cojuangco (Chairman of Cinemalaya Foundation) at Nestor Jardin (CCP Director).

These rumors turned out to be false.

Hanggang sa last March 6, minabuti ng Cinemalaya group, headed by Cojuangco, na magpatawag ng press conference upang maiparating sa publiko ang kanilang panig.

Sa nasabing presscon sa isang restaurant sa Makati City, present sina Cojuangco, Guillen, Tan, Maan Honiveros (part of the organizing committee), indie film producer Atty. Joji Alonso, at mga filmmakers na sumusuporta sa Cinemalaya na sina Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Loy Arcenas, at iba pa.

ROBBIE TAN’S SIDE. After the question-and-answer portion ng naturang presscon, nakausap ng PEP si Robbie Tan at dito niya sinagot isa-isa ang mga detalye ng kontrobersiya.

Sabi-sabi, kay Robbie daw galing ang mga pangalan nina Victor Neri at Francine Prieto upang gumanap sa pelikula, instead of Alan Paule and Joy Viado.

"Totoo yun, sa akin galing yun," diretsong pag-amin ni Robbie.

"Pero, binigyan ko lang sila ng ’peg.’

"Kasi, sabi ko nga, pag nagsa-suggest ka ng artista, hindi pupuwedeng sasabihin mo, ’Kunin mo si ganito, ganyan.’

"Yung parang di concrete; sasabihin mo, peg lang.

"Parang halimbawa, sinabi ko, ’Victor Neri ang peg.’

"Di ba, kasi, macho, hunky, Pinoy look... Yun bang believable.

"Di ba, believable si Victor Neri maging FX driver? Yeah... Yung mga gano’ng tipo... Si Francine, sabi ko, depende kung ano ang ano..."

May lumutang din na pangalan during the discussion on casting: Si Ai-Ai delas Alas. Siya rin ba ang nag-suggest no’n?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sila [Reyes group] ang may gusto noon.

"Kasi, alam mo, di ko naman alam ang schedule ni Ai-Ai, at kung papayagan siya ng Star [Cinema], or ng ABS-CBN.

"Tsaka hindi pa naman siya nakagawa dito [na siya ang bida, although nag-cameo role ang komedyana sa Astig].

"Even si Francine, ’di pa rin siya nakagawa [sa Cinemalaya], so, hindi ko alam kung papayag siya sa TF, gano’n...

"It’s just a peg... Basta, hindi ako ang nag-suggest ng Ai-Ai. Out of the question yun."

So, nabanggit niya ang pangalan ni Victor during their discussions, kahit na ang sinulat ni Emerson sa major cast niya na sinabmit along with the requirements, e, si Alan Paule?

"Discussions yun, e," katwiran ni Robbie.

"Kasi, sa discussions, we throw names... Kasi, ’di kami puwedeng magbanggit ng ’Eto ang kailangang requirements,’ tapos, ’Di ka magbibigay ng idea. Para lang masakyan lang nila. Ma-visualize nila..."

NO REACTION. Nuong sinadyest niya ang pangalan ni Victor kina Reyes, ano ang naging reaksiyon ng mga ito?

"Hindi ko alam. Hindi sila nagsalita," sagot niya.

Kasi nga daw, ayon pa rin Reyes, ginawa niya ang script na si Alan Paule ang nasa isip niya for the role. Naisip na rin nito si Joy Viado, kaya niya pinasok sa cast.

"Oo, depende naman kung sino ang kasama ni Alan."

So, okey rin pala kung si Alan talaga?

"Generally, wala kaming objections. Depende sa partner... Generally, ha?"

Nakasaad sa Memorandum Of Agreement (MOA) between Cinemalaya and Reyes group na anim (6) na requirements ang dapat i-submit ng huli, upang mai-release ang unang bigay na pondo (na P500,000).

Kasama sa anim na requirements na yun ang casting.

CASTING REQUIREMENT. Sa isinumiteng casting ba ay nandoon na ang mga pangalan nina Alan at Joy, o si Alan pa lang?

"Alan pa lang," rebelasyon ni Robbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan pumasok ang pangalan ni Joy?

"Kasi, usually ’yan, dini-discuss. May conference kasi kami, e. Nag-uusap-usap, ’O, eto yun, ganito...’"

Ang sinasabi ni Emerson, ayon na rin sa panayam ng writer na ito kay Alan, di naman daw full-length na makikita ang mukha ni Joy onscreen —kundi body parts lang nito (balikat, buhok, kamay, likod, etc.), at sa bandang ending lamang mare-reveal ang mukha ni Joy.

Inamin ni Robbie na alam niya ang ganoong diskarte ng direktor sa shooting. Pero may requirement silang nais ipagawa dito—ang mag-submit ng video footage na magkasama sa eksena sina Alan at Joy.

Hindi umano ito nagawa nina Reyes.

"Oo, alam ko [ang plano niyang yun]," pag-amin niya.

"Wala naman akong complain sa ganoong diskarte, kasi, depende naman sa kanya. There is no argument about it.

"Kaya lang, sabi ko sa huli, ’If you really insist na si Joy and Alan, just please show us. Magpadala ka ng footage o video. Pakita mo...

"Kasi, for example, yung Tulad ng Dati [Cinemalaya 2006 best film], yung kay Mike Sandejas, ayaw namin initially na yung band member [Jet Pangan] ang isa sa maging supporting stars ng movie.

"Sabi namin, baka hindi marunong umarte?

"Ang ginawa nu’ng director, nag-shoot siya ng dalawang sequences at pinakita niya sa amin, tiningnan namin... Puwede naman. Believable. So, pasado!"

Sa kaso ni Reyes, hindi ba niya nabigay ang "requirement" niyang yun—ang video footage?

"No, e. ’You can prove and defend... I-defend mo.’

"Parang yung ibang mga filmmaker, dine-defend nila, e. Ke Loy [Arcenas, director of Nino ng Cinemalaya 2011 which won best film], kasi, walang kuwestiyon [ang casting].

"May mga direktor kasi na mga walang kuwestiyon [mag-casting], ang galing-galing! Alam mo na ’pag kinast niya, bagay."

Sa request/requirement nilang magbigay ito ng footage, nagbigay ba ang Cinemalaya ng deadline para sa submission nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, honestly, wala na ngang deadline... Wala namang deadline, e. Pinagbibigyan nga namin. We were very kind.

"Kaya lang, if you insist, ’Gusto namin, ’yan na ang desisyon namin! Ito ang casting na gusto ko!’

"O, sila ang nagbigay ng deadline, di ba? Sila ang nagbigay ng time."

Ayon pa rin sa dating Seiko Films producer, bilang monitoring head ng Cinemalaya, kasama ito sa kanyang trabaho—to check and evaluate the casting department.

At nang manindigan ang grupo ni Reyes sa gusto nila, ito na ang prinisinta ni Robbie sa organizing committee.

Pagpapatuloy ni Robbie: "So, prinesent ko yun sa committee. ’Saan galing ’to?’...

"Saka, ako, I cannot dictate, and I cannot approve alone. Di ako marunong mag-approve [mag-isa]. Lahat ’yan, yung core group."

DISQUALIFICATION LETTER. Ayon sa panayam namin kay Direk Laurice Guillen noong araw ding ’yon sa presscon, ang grupo nina Reyes ang humingi ng written disqualification letter mula sa Cinemalaya. Totoo ba ito?

"Oo, sila ang humingi [ng disqualification letter]," prangkang deklarasyon ni Robbie.

Hindi ang Cinemalaya ang nag-impose na ma-disqualify ang pelikula?

"Hindi!" mariing pagtanggi ni Robbie.

"Sandali, bakit kami mag-i-impose, e ang hirap humanap ng kapalit [na pelikula]? Ang hirap, you [will] go through them na naman!

"Makikipag-meeting uli ako. Babasahin ko na naman ang script. Ang hirap!" bulalas niya.

So, to set the record straight—hindi ang Cinemalaya ang nag-impose ng written disqualification letter kundi sina Reyes ang humingi nito?

At hindi rin nai-submit ni Reyes ang video footage nina Alan at Joy, to prove na magwo-work ang chemistry ng dalawa?

"Hindi [pareho]," pagdidiin ni Robbie.

Lumalabas, iyon ang "hindi" sinasabi ng grupo ni Emerson sa press in airing their side of the story?

"Oo," mabilis na pag-sang ayon ni Robbie. "Exactly."

Totoo bang may nangyaring sigawan sa pagitan ng grupo ni Reyes at sa mga tao ng CCP o Cinemalaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t know. Pero sa akin, wala.

"Mukhang kay Laurice, wala. Kasi, very civil naman ako. Saka, di naman big deal!

"Bakit naman kami magsisigawan? ’Saka, wala namang patayan dito! Wala!" tawa niya.

CONTROVERSIAL MOA. Samantala, sa kontrobersiyal na Memorandum of Agreement between Cinemalaya (through Cojuangco’s Econolink Investment, Inc.) at sa lahat ng filmmakers/producers na kalahok sa indie festival, narito ang nakasaad sa Article or Section 5:

"Econolink Investments, Inc., being in-charge of the disbursement of the seed money, shall make available to the Second Party the amount of Five Hundred Thousand (P500,000.00) in six (6) tranches, subject to satisfactory submission of the Second Party of the required documents as represented in the schedule below:

"Amount: 40% (P200,000) / Date of Submission: Not later than January 24, 2012. Release of grant is within 3-4 working days after the approval/ acceptance of submitted requirements / Requirements to be Submitted:

a.) Signed MOA

b.) Final Production Schedule

c.) Final Budget and Counter Financing

d.) Sequence Breakdown

e.) Major Cast and Staff List

f.) Synopsis of the Film."

Ayon pa rin sa nasabing MOA, ang next schedule o sequencing ng pagbibigay ng partial fund ay ayon sa sumusunod na scheme:

"Amount: 20% (P100,000) / On or before February 7, 2012... / Requirements:

a.) Progress report of production

b.) Rough edit of sequences shot (on DVD)

"Amount: 20% (P100,000) / on or before March 7, 2012... / Requirements:

a.) Progress report of production

b.) Rough edit of sequences shot (on DVD)

c.) Copy of the shooting script on CD

"Amount: 10% (P50,000.) / On or before April 13, 2012... / Requirements:

a.) Progress report

b.) Captioned production stills on CD

c.) Behind the scenes materials and trailer...

d.) Major production credits

e.) Poster design on CD

f.) Updated filmmakers profile..."

NO SIGNATURE. Sa puntong ito ng panayam namin kay Robbie, may nakakagulat na "rebelasyon" ang inamin nito: Aniya, wala pa palang pirma si Tonyboy Cojuangco o ang Cinemalaya side sa kontrata nila, kundi sina Reyes pa lamang ang may lagda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, noong mga panahong nagkakagulo ang magkabilang panig, umabot umano sa point na ibinigay na raw nina Reyes ang kanilang dokumento (contract) sa kanilang lawyer, na si Atty. Chel Diokno, kaya ayaw na muna nilang magsalita at that time.

Tila umabot pala talaga ito sa legal level at may lawyer na ang panig ni Reyes.

"Sandali," patuloy na hirit ni Robbie, "Napakinggan mo ba ang sabi ni Tonyboy [sa presscon earlier]? Sabi niya, wala pang contract...

"Kasi nga, papaano magkaka-contract, ’di pa niya [Tonyboy] pirmado?" ito ang nakakagulat na rebelasyon ni Robbie.

Sino lang ang pumirma sa contract?

"Sila [Reyes group] ang pumirma. Kaya lang, kami, di pa pumipirma, kasi, nga hindi pa approved ang requirements [kasama dito ang casting]."

So, wala pang pirma ng Cinemalaya group kahit na noong first meeting nila? Kelan pipirma ang Cinemalaya?

"Wala pa," muling pagkumpirma nito.

"Until ano lang... Magkakaroon lang ’pag nagbigay na ng downpayment.

"Parang pag nag-apply ka ng loan. Di ba, magsa-submit ka. Tapos, may requirements.

"Tapos, ’pag nabigay mo na ang down payment o ni-release mo na yung pera, yun yung may [valid] contract.

"Kasi nga, hinihintay lang ni Tonyboy na ma-fulfill and ma-approve ang other requirements."

Malinaw daw na nakasaad sa contract na dapat ay "accepted and approved" ang nasabing anim na requirements—kasama dito ang casting.

Ganoon ka-istrikto ang Cinemalaya?

"Kaya naman kami istrikto, kasi, inaalagaan namin ang films, e.

"Kaya naman, kahit na papaano, magaganda naman ang films na lumalabas. Pina-patronize ng tao. Pinagkakaguluhan.

"It’s because alaga ’yan, e... O, bakit si Joel Lamangan [director of Sigwa, Cinemalaya 2010 finalist]... Tinatanong namin, bakit si Dawn [Zulueta]? Bakit si Zsa Zsa [Padilla] ang kinuha mo?’"

Alam niya ang diskarte ni Reyes sa gagawin sa shoot with Joy?

"Alam ko. Sinabi niya yun. Walang kuwestiyon ’yan.

"There’s no issue. Kasi, wala akong pakialam kung papaano niya gagawin ang film. We do not...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaso, ’di nga puwede sa amin, e. Kami ni Laurice, alam namin na hindi puwede.

"Kung gusto niyang puro paa lang ang ipakita, okey lang. Kung gusto niyang puro tenga, o puro tiyan, okey lang..."

SHOW FOOTAGE. Ni-require sila na patunayan kung papaano nga magwo-work ang "chemistry" nina Alan and Joy sa pelikula?

"Sinabi ko, ’E, di pakita mo ang footage.’ Tapos, sabi nila, gagawin daw nila."

Na hindi nagawa ng filmmaker?

"Hindi nila sinabmit," sagot ni Robbie.

So, naghihintay lang sila for that footage?

"Of course," tugon niya.

Kung ganoon, masasabi ba niyang may butas ang kuwento nina Reyes?

"Hindi nila sinasabi ang totoo," prangkang pahayag nito.

"Yun ang totoo! E, kami naman, we’re very open. Kung ano ang totoo.

"Tinatakpan nila," diretsong sabi ni Robbie.

"Sa amin is... Kasi, tanungin mo ang other filmmakers, gano’n din... Kaya lang, alam mo, yung ibang filmmakers, baka mahina ang...

"Kasi, talagang mahirap makapasa sa Cinemalaya. Even in going through this whole process, talagang pinipili namin yung tough and yung marunong [na filmmakers], kasi, malakas ang pressure [dito].

"Dapat, magaling ka dito. Kung di ka magaling, di ka makaka-survive.

"May deadlines, may ini-impose, tapos, tinitingnan ang trabaho mo..."

Sabi nila, mababaw o stupid daw na maging ground for disqualification ng MNL 143 ang sinasabi nilang lack of chemistry sa pagitan nina Alan and Joy.

Ano’ng masasabi dito ni Robbie?

"Teka muna, sandali... No, no, no! E, hindi ba, part of the agreement yun?

"May rules and regulations kami. So, dapat prerogative namin yun. At ’tsaka nasa MOA na we still have to approve."

Accepted and approved?

"Oo, usually, gano’n... Pero, in practice, mutually agreed upon."

Noong mga oras na yun, ang grupo ni Reyes mismo ang humingi ng written letter of disqualification. Hindi pa ba nila dini-disqualify ang pelikula—in words and in action?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, we’re open with them..." rebelasyong muli ni Robbie.

Kung lumalabas na inunahan nila Reyes ang kanilang verdict ay hindi nag-react si Robbie.

So, noong humihingi ang Cinemalaya ng video footage nina Alan at Joy, ayaw bang pumayag ng filmmaker?

"Because they were insisting on their casting," paliwanag ni Robbie.

"Oh, e, ang sabi ko, kung i-insist ang casting, baka hindi namin ma-approve!

"Sabi ko ke Nes [Nestor Abrogena, the film’s producer], ’Alam mo, kung gusto mong walang makikialam sa inyo, if you have your own funding, okey lang...’"

Sinabi namin kay Robbie na sa exclusive PEP interview ng writer na ito sa talent manager ni Alan Paule na si Ed Instrella, magaganda ang mga sinabi nito tungkol sa kanya.

Ani Instrella, ginagawa lang ni Robbie ang trabaho nito bilang monitoring head, bagama’t nasa side daw siya lagi ng filmmaker.

Ano’ng reaction dito ni Robbie?

"Okey naman si Alan, e... Sa akin, personally, I like Alan Paule... Magaling," aniya.

Ayon kay Instrella, kaya daw si Robbie nilagay sa Cinemalaya bilang monitoring head, e, siya ay expert sa marketing bilang veteran mainstream producer.

Pero sabi ng mga detractors, kung patatakbuhin rin ng "mainstream people" [tulad nila ni Laurice] ang Cinemalaya, e, wala na raw itong pinagkaiba sa mainstream.

Hindi na raw "indie" ang spirit nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN