Dingdong Dantes turns over new home to Gonzaga family who used to live under a bridge

Ang mensahe ni Dingdong Dantes sa Gonzaga family na simula noong Miyerkules ay hindi na nga sa ilalim ng tulay maninirahan kung hindi sa kanilang bagong bahay na.

"Sana with that, with this gift, mabago ang takbo ng buhay nila, lalo na yung mga anak nila dahil nakikita ko naman ang pagpu-pursige ng mga bata. Hanga ako ro’n at maraming tao ang humanga sa kanila," he says.




Noong Huwebes, March 8, nai-turn-over na ni Dingdong Dantes ang ipinangako niyang regalo sa Gonzaga family.

Ito ay isang konkretong bahay sa Gawad Kalinga Banyuhay Village, Barangay Silangan, San Mateo Rizal.

Nakilala ni Dingdong ang Gonzaga family nang gumawa siya ng special docu para sa Report Card ng GMA-7 noong isang taon. Sa ilalim ng tulay nakatira ang nasabing pamilya.

At dahil malapit yun sa aktuwal na kaarawan ng aktor, naisip ni Dingdong na sa halip na siya ang tumanggap ng regalo, siya na lamang ang magpa-birthday.

Kung tutuusin, ang edukasyon ang talagang advocacy ni Dingdong sa kaniyang Yes Pinoy Foundation, kaya ang pagbibigay ng bahay sa Gonzaga family ay espesyal na regalo.

Sa boundary raw ng San Mateo at Quezon City nakatira ang Gonzaga family. Kaya malaki rin ang pasasalamat ni Dingdong sa Mayor ng San Mateo na si Jose Rafael Diaz na nag-accommodate sa mga ito at iba pang residente ng Banyuhay Ville.

Ayon nga kay Dingdong, "Originally, malapit talaga sila rito. So, we intended na dapat malapit talaga sa pinagmulan nila. Regardless kunsaan, kasi, magbi-build sila ng bago nilang buhay, ’ika nga.

"Bagong community, bagong buhay. Hopefully, magkaroon ng bagong kinabukasan lalo na ang mga anak nila."

Tinanong din namin si Dingdong kung personally, ano ang fulfillment na nararamdaman niya sa mga oras na yun na natupad na niya ang ipinangako niyang bahay?

"Ito naman, mga resulta lang ito. Sa totoo, ito ay gawa talaga nila and we’re just an instrument, especially sa ibang taong tumulong.

"Ang talagang heroes dito, yung mga bata na nagpupursige sa kanilang pag-aaral at sabi ko nga, sana, they will serve as inspiration sa bagong community."

Biniro namin si Dingdong kung hindi kaya after na malaman ng iba na nagkaloob siya ng bahay sa Gonzaga family, marami na ang manghingi sa kanya kahit na malinaw na ang edukasyon talaga ang sinusulong niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman niya, "Hindi, hindi yun...sabi ko nga, resulta lang din naman ng Report Card.

"Kaya hanga rin ako sa GMA. Sa GMA news team kung papaano sila nakakabuo ng ganoong klase ng programa na nagbibigay awareness talaga sa kung ano talaga ang antas ng society natin ngayon at kung ano ang needs.

"Dahil din doon, nalalaman natin kung ano ang kulang. And with that, people respond with imformation and become active sa mga ganitong activities."

Unti-unti naman daw ang gagawin nilang pagtulong dahil may mga naka-line-up raw sila na ang pagbabasehan ay ang na-feature nga sa Report Card.

Kung tutuusin, si Dingdong na yata ang masasabing isa sa "busiest" actor ngayon. Pero, consistent siya sa pagpapatuloy pa rin ng advocacy niya simula pa nang i-launch niya ang Yes Pinoy Foundation.

Nagti-taping siya at nandiyan pa ang napakarami niyang schedules as an actor at endorser bukod pa sa nag-aaral pa rin siya. Paano niya nga ba nagagawa ang lahat?

"I am just blessed that I am surrounded with very good people, my friends.

"Lahat ng mga tao sa likod ng foundation. Yung kaibigan ko, si Harvey Camposano, siya yung nag-build ng bahay na yun.

"Talagang ano lang, collaboration lang talaga. Suporta ng bawat kaibigan. So, kapag may ganoon, marami ang magiging posible."

Hiningan din namin ng mensahe si Dingdong sa Gonzaga family na simula noong Miyerkules ay hindi na nga sa ilalim ng tulay maninirahan kung hindi sa kanilang bagong bahay na.

Ayon naman kay Dingdong, "Para sa kanila, maaaring maging simbolo nga ito ng bagong buhay nila.

"Pero siyempre, naka-akibat diyan ang mas maraming responsibilidad din dahil nandito sila sa isang bagong community.

"Maraming bago. Mag-a-adjust sila but definitely, ang living condition dito is way better kung nasaan sila noong na-feature namin or natampok namin sa Report Card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana with that, with this gift, mabago ang takbo ng buhay nila, lalo na yung mga anak nila dahil nakikita ko naman ang pagpu-pursige ng mga bata.

"Hanga ako ro’n at maraming tao ang humanga sa kanila."

HAPPY ON THE SET WITH MARIAN. Kinamusta rin namin kay Dingdong ang primetime series nila ni Marian Rivera na My Beloved.

Ayon kay Dingdong, "Okay naman. We shot a big scene yesterday. Abangan nila dahil alam ko, magkakaroon ng plug this weekend."

Kumusta sila sa taping, sa set, lalo na ni Marian?

"Perfect. At gaya ng palagi kong sinasabi, I’ve never been this happy on the set. So, it’s getting better and better."

Bukod sa reunion nila ni Marian sa serye ng My Beloved, bakit niya nasabi na "I’ve never been this happy on the set?"

"Reunion ng maraming tao rin. Like Katrina [Halili] and Marian from Marimar.

"Kami ni Marky Lopez din. Marami e.

"Dominic Zapata rin, ang tagal naming hindi nadi-direct. Si Marian, sa Darna. Ako naman, ang huli ko, Twin Hearts pa.

"Bago pa magkaroon ng Encantadia. So, napakatagal na.

"It’s a good feeling to work with him again. Siya ang unang director ko rin nang magsimula ako sa T.G.I.S."

Sa kanila ni Marian, ano ang napapansin niyang pagkakaiba ng working relationship nila ngayon sa My Beloved?

"Mas umiinit siyempre since kalagitnaan. Siyempre, mas adjusted ka na sa lahat. It’s like a walk in the park. Lalung-lalo na para sa kanya.

"Masarap kasama yung mga staff. Talagang inaalagaan nila kami."

Tanong naman namin, wala bang mga kulitan, asaran minsan sa kanila ni Marian sa set?

Sabi naman ni Dingdong, "Asaran, kulitan, lambingan, marami. Pero we make it a point na hindi masisira ang trabaho namin.

"We’re here to portray roles, entertain. So, we have to set aside whatever personal issues we have.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And so far, wala naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN