Zsa Zsa Padilla on Twitter bashing: "Tao lang kami. Nakakaramdam kami ng sakit. Stop it. Make the world a better place."

"Minsan, kapag trabaho mo na, hanapbuhay mo na ang pinupuntirya nila every week, huwag naman sanang umiral ang inggit o galit o hindi pagkakaintindi. Kahit papaano, kailangang maintindihan ng tao na may responsibilidad din sila. Hindi porke’t nga anonymous sila... you know, I can be XXX or 123, and keep bashing people," says Zsa Zsa Padilla.


Last week ay hindi na napigilan ni Zsa Zsa Padilla ang sumagot sa ilang bumabatikos sa kanya sa Twitter.

May kaugnayan ito sa matagal na niyang pananatili sa ASAP, ang musical-variety show ng ABS-CBN.

Sa pamamagitan din ng kanyang Twitter account ay nagpahayag ng kanyang saloobin si Zsa Zsa.

(CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, March 11, sa taped interview sa kanya ng The Buzz, ay personal na nagsalita si Zsa Zsa tungkol sa batikos at hindi magagandang komento sa kanya sa naturang social networking site.

Paliwanag ng singer-actress, "Minsan, kapag trabaho mo na, hanapbuhay mo na ang pinupuntirya nila every week, huwag naman sanang umiral ang inggit o galit o hindi pagkakaintindi.

"Kahit papaano, kailangang maintindihan ng tao na may responsibilidad din sila.

"Hindi porke’t nga anonymous sila... you know, I can be XXX or 123, and keep bashing people.

"Why so much hatred?"

Hindi rin itinanggi ni Zsa Zsa na kahit artista siya, nasasaktan din siya sa mga hindi magagandang ipinupukol sa kanya.

"Kasi masakit, e. Hindi lang nila naiintindihan, masakit. Yun.

"Tao lang kami. Nakakaramdam kami ng sakit.

"Stop it. Make the world a better place.

"So, I feel sad actually for these people because they are misguided.

"I know that these kind of people are the people whose parents have no time for them.

"How can you spend so much time online when you’re being guided by your parents?" sabi niya.

Labis daw na naapektuhan si Zsa Zsa sa mga ganitong pangyayari dahil na rin sa pinagdadaanan ngayon ng kanilang pamilya.

"People know why I’m sensitive.

"I’m not going to... my life now is very, very difficult.

"The past three years is very difficult actually for me and my family.

"Para ganunin ka pa," himutok niya.

Pero sa kabila raw ng mga pagsubok na pinagdadaanan niya, malaki pa rin ang pasasalamat ni Zsa Zsa para sa lahat ng nagdadasal; lalo na sa partner niyang si Dolphy at sa kalagayan nito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One day, we will talk to the public about it... about his condition.

"I know that they are very concerned about Dolphy," sambit ni Zsa Zsa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN