Charee Pineda still waiting for launching vehicle; reveals crush on Coco Martin

Charee Pineda is all praises for JM de Guzman for being sweet and gentleman: "Malambing kasi in the sense na alam mo yung parating nagtse-check kahit walang taping, nangangamusta, ganun. Napi-feel ko rin yung alaga niya sa akin. Kapag may mga sensitive scenes na kailangang kunan ay gina-guide niya ko. Gentlemen kasi, marami kaming mga delicate scenes sa Batang Ama pero di ko naramdaman na nag-take advantage siya sa kin. Sobrang hanga ako sa kanya sa mga mag


Isa sa mga namamayagpag na afternoon show ng Kapamilya network ay ang Angelito Batang Ama, kunsaan tampok ang tambalan nina JM de Guzman at Charee Pineda.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertinment Portal) na makausap si Charee sa isang event sa Sto. Tomas, Batangas.

Natutuwa niyang ibinalita sa amin ang magagandang nangyayari sa kanyang career.

Ayon sa young actress, "Okey na okey po ako at masaya for what happened about Batang Ama. Sobrang happy.

"Actually, wala sa contract ko talaga yung show. Parang nabigyan ako ng chance na maging leading lady ni JM.

"Eto nga po, medyo maganda naman yung mga feedback na naririnig namin at nakukuha ko, kaya masaya po kami at extended pa kami hanggang May, na dapat, March po ay tapos na."

PRAISES FOR JM. Puring-puri naman ni Charee ang leading man niyang si JM.

Para sa kanya, isa si JM sa puwedeng pagkatiwalaan dahil nasubukan na niya ito sa maraming bagay; lalo na sa pakikitungo sa tulad niyang babae na naghahanap ng respeto at paggalang.

Kuwento ni Charee, "Matagal na kaming magkasama ni JM, two years ago pa.

"Una sa Midnight Phantom, ’tapos sa Alyna, sa Nagsimula sa Puso.

"Pang-apat na namin ito na hindi na kami second lead lang, kami na yung mga main cast talaga.

"Maraming ugali akong nagustuhan sa kanya.

"Kami kasi ni JM, sobrang close na kami kahit off-cam, kumportable na ’ko sa kanya—at siya rin naman ay kumportable na rin sa akin.

"Malambing kasi siya at gentleman.

"Malambing kasi in the sense na alam mo yung parating nagtse-check kahit walang taping, nangangamusta, ganun.

"Napi-feel ko rin yung alaga niya sa akin kapag may mga sensitive scenes na kailangang kunan ay gina-guide niya ako.

"Gentlemen, kasi marami kaming mga delicate scenes sa Batang Ama pero di ko naramdaman na nag-take advantage siya sa ’kin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang hanga ako sa kanya sa mga magagandang ipinapakita niya sa akin kaya naging close kami, na minsan nga ay natsitsismis kami at ini-link sa isa’t isa.

"Deadma na lang. Basta happy ako ’pag kasama ko siya. Yun lang."

COCO MARTIN. Ibinahagi rin ni Charee sa PEP na may crush siya kay Coco Martin, kahit puring-puri niya si JM de Guzman.

"Crush lang naman, e. Iba naman yung kay JM.

"Ang guwapo kasi ni Coco. Lalaking-lalaki!

"Yung features ng mukha niya, gustung-gusto ko. Cute niya!

"Na-meet ko na rin siya several times, pero never kaming na-introduce," sabi ni Charee.

CONTRACT WITH ABS-CBN. Two years ang kontratang pinirmahan ni Charee sa ABS-CBN, pero sa kontrata ay walang pelikulang involved.

Hindi ba niya nami-miss ang pag-arte sa big screen, lalo na’t nanalo na siya ng acting award sa isa mga pelikula niya?

Nanalo si Charee sa Cinema One Originals Indie filmfest noong 2008 para sa pagganap niya sa Alon.

"Ay, sobrang miss po!" bulalas niya.

"Nakapag-indie ako after ng Alon sa Cinema One, pero hindi siya ganoon kalaki o masasabi na malaki talaga ang role.

"Sana magkaroon uli ako ng indie film na medyo maganda yung role at maganda yung story...

’’Pero sa ngayon, naka-concentrate po ako sa TV kaya po pinagbubuti ko.

"Naka-specified kasi sa contract ko na na ilu-launch ako.

"Sana po matuloy, pero ayokong magmadali, may oras naman dun.

"Siguro after Angelito, mag-uusap kami ng management."

INSPIRED WITH JM. Kung matuloy man daw ang paglulunsad sa kanya ng Kapamilya network sa isang teleserye ay gusto pa rin ni Charee na si JM ang makapareha niya.

"Si JM kasi, ang galing niya, puwede siyang magkontrabida, puwede siyang nakakaawa.

"Nakaka-in love siya sa mga ibang roles niya.

"Gusto ko siya kasi malaking impluwensiya na... kapag ang nakakaeksena mo ay magaling, maiimpluwensiyhan ka rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mai-inspire ka rin at maayos mo ang trabaho mo."

DREAM ROLE. May dream role din si Charee na gustung-gusto niyang gawin—ito ay ang maging kontrabida.

"Dream role ko is maging kontrabida para for a change lang.

"Kasi lahat ng role ko, kundi ako kikay, simple, inaapi... parang kakaiba lang.

"Gusto ko yung role ni Anne Curtis sa No Other Woman, di ba?

"Kontrabida siya dun, yung ganung tipo. Gusto ko i-try."

Dagdag niya, "Puwede rin yung ginagawa ni Ms. Cherie Gil, yung ginagawa ni Gladys Reyes puwede rin, para maiba naman.

"Sana magka-chance."

SEXY ROLES. Ayaw ba niyang magpa-sexy? Bukod sa maganda ang height niya ay flawless din kasi siya.

"Sa ngayon kasi, parang hindi ko pa kaya.

"Tingnan natin... magpapapayat pa ’ko.

"Siguro as long as na hindi bastos, okey lang sa akin.

"Kaya kong mag-two piece, pero kung payat na ako.

"Pero kung di ako payat, di ko kaya!" sabay tawa pa ng young actress.

Masaya naman daw si Charee sa itinatakbo ngayon ng kanyang career dahil naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng Kapamilya Network.

Pero hindi ba niya nararamdaman na tila napag-iiwanan na siya ng mga kasabayan niya noon, ’tulad ni Alex Gonzaga na bonggang-bongga ang career?

"Kuntento naman na ako kung anumang meron po ako ngayon, e.

"Happy naman ako sa mga ibinibigay na project ng ABS.

"Si Alex, magaling talaga ’yan... kahit umarte, kahit mag-host, sobrang kahit ano puwede siya, e. Kumakanta pa siya.

"Kaya deserved niya talaga mga achievements niya na meron siya ngayon at masaya ako para sa kanya," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN