FIRST READ ON PEP: Annabelle Rama denies challenging Nadia Montenegro to fistfight during their latest hearing

"Kung sinabi niyang ’sige’ nung sinabihan ko siyang magsuntukan kami sa labas, palagay mo mananahimik lang ako? Baka dun pa lang sinabunutan ko na siya! Baka nalaglag na yung pantalon niya na hinahatak-hatak lang niya pataas!" says Annabelle Rama about Nadia Montenegro’s claim that she challenged the latter to fistfight.


Magkaiba ng bersiyon sina Annabelle Rama at Nadia Montenegro sa nangyaring gulo nang magkaharap sila sa San Juan Prosecutor’s Office kaninang umaga, March 12.

Ito ay para sa clarificatory hearing sa kasong theft na isinampa ni Annabelle laban kay Nadia.

NADIA’S VERSION. Nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng text message mula kay Nadia kaninang umaga na "nagwala" na naman daw si Annabelle.

Kaagad na tinawagan ng PEP si Nadia para kunin ang buong pangyayari.

Ayon kay Nadia, "Natataranta na naman siya [Annabelle] sa mga sagot niya nang tinanong ito ng fiscal.

"Sinigawan na naman ako na sinungaling daw ako.

"Nakita niya ang lawyer [Atty. Maggie Abraham] ko na umiiling-iling, sinita niya.

"’Bakit ka umiiling diyan, ha!" tili raw ni Annabelle kay Atty. Abraham.

Patuloy ng dating aktres, "Sinagot ko siya: ’Bawal bang gumalaw? Ikaw nga nagagawa mo ang gusto mong gawin. Nakakapag-iskandalo ka kailan mo gusto, kami hindi puwede umiling?’"

Sa gitna raw ng naturang hearing, sa harap ni Fiscal Ma. Cristina Juanson, sinigawan daw siya ni Annabelle ng "sinungaling!"

"Di ba, clarificatory hearing yun? Paano maaayos yun kung dalawang questions pa lang, e, nagwawala na siya?" sabi ni Nadia.

Ayon pa sa dating aktres, hinamon daw siya ni Annabelle na magsuntukan sila sa labas na kaagad naman daw niyang tinanggap.

Pero pinalabas na raw silang dalawa ng fiscal at binilinan ang security na paghiwalayin silang dalawa.

Tiniyak naman daw ni Nadia sa fiscal na hindi niya papatulan si Annabelle kahit hinahamon na siya ng away nito.

ANNABELLE’S VERSION. Kaagad namang nilinaw ng PEP kay Annabelle ang naturang insidente.

Pinabulaanan niyang nagwala siya sa hearing.

Hindi rin daw totoong nataranta siya sa mga tanong ng fiscal.

Saad ni Annabelle, "Ang sabi kasi niya [Nadia], hindi raw niya binenta ang hospital bed na sinasabi ko.

"Sabi raw niya, ang media ang nagsabi nun. E, sinabi niya yun sa mga interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsisinungaling na naman siya, di ba?

"Kaya sinibihan ko siya na napakasinungaling niya.

"Hindi naman ako nagwala dun!"

Dagdag pa ng talent manager, "Kung sinabi niyang ’sige’ nung sinabihan ko siyang magsuntukan kami sa labas, palagay mo mananahimik lang ako?

"Baka dun pa lang sinabunutan ko na siya!

"Baka nalaglag na yung pantalon niya na hinahatak-hatak lang niya pataas!

"Sabi lang sa akin ng fiscal, ’Cool lang tayo, Ms. Rama.’

"Sabi ko naman, ’Oo, fiscal, napakasinungaling lang kasi ng baboy na ’to!’

"Alam mo, hindi masama ang magsabi ng totoo.

"Ako, sa totoo lang talaga, hindi naman ako magdi-deny kung talagang sinabi ko o kung ano ang nangyari, ’Dong!

"Ang hilig niyang mag-imbento ng kuwento.

"Hindi ako magsisinungaling, ’Dong!

"Kung talagang tinanggap niya ang hamon ko na magsuntukan kami, palagay mo ano ang mangyari?"

LAST HEARING. Ang sabi naman ni Nadia, marami ang nakasaksi sa nangyari sa kanila ni Annabelle doon sa harap ng fiscal.

Puwede naman daw tingnan sa minutes ni Fiscal Juanson kung ano talaga ang totoong nangyari.

Dagdag namang pahayag ni Annabelle, kaya naman daw niyang magpakahinahon kahit kaharap niya si Nadia.

Talagang nagpapanting lang daw ang tenga niya kapag nakarinig na raw siya ng mga "kasinungalingan" mula sa dating aktres.

Iyon na raw ang huling hearing nila sa kasong isinampa ni Annabelle laban kay Nadia.

Hihintayin na lang daw nila ang resolusyon na ibababa ni Fiscal Juanson.

Inaasahang maghaharap na naman ang dalawa sa Miyerkules, March 14, sa Quezon City Prosecutor’s Office para naman sa clarificatory hearing ng kasong Child Abuse na isinampa ni Nadia at ng mga anak nito laban kay Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN