Part 2 Daiana Menezes on ex-boyfriend GB Sampedro’s marriage proposal: "Ready ako magpakasal, pero huwag naman sana nung time na nag-propose."

Daiana Menezes on Direk GB Sampedro’s marriage proposal: "Ready ako, pero hindi ako ready sa time. Sinabi ko ready ako. Lumabas naman na totoo. Ang sinasabi ko lang, ang timing is that not the right time. I’m so young, I’m 24... So, I even joke around na, ’Direk, pasensya ka na, ha? Maghihintay ka ng four years.’ Pero siya lang talaga ang nasa puso ko. Ready ako magpakasal, pero huwag naman sana nung time na nag-propose


Pinabulaanan ni Daiana Menezes na may mamahaling vintage diamond engagement ring na ibinalik niya kay Direk GB Sampedro.

Ipinagdiinan niya na wala namang ibinigay na iba pang materyal na bagay sa kanya ang dating kasintahan.

Saad niya: "Hindi naman ako material na tao.

"Kasi kung material girl ako, puwede na ako sa mayamang lalake, at hindi siya [Direk GB] yung tipong pinakamayaman sa Philippines.

"Kung iniisip ng mga tao na materialistic ang dating, puwede naman ako sa mga politician, puwede naman ako sa mga mayayaman na kung anu-ano na mas mayaman sa kanya.

"I had naman the chance to be with those other kinds of men na talagang super-mayaman.

"Pero I’m not after the money.

"To begin with, my family has money back home and the reason I’m here is just for the sake na gusto kong tumayo sa sarili kong paa."

BREADWINNER. Itinanggi ni Daiana ang balitang breadwinner siya ng pamilya nila kaya siya nagtatrabaho dito sa Pilipinas.

"Ang nanay ko kasi separated from my dad. She’s the one I am helping now.

"Whenever I have blessings, I share it with her.

"Pero my dad, no naman.

"We have a shoe business. We have a place called Menezes.

"It’s like a town, it’s our family town. And it’s located in Brazil.

"I can give you the website para makita mo or nung mga gustong i-check.

"It’s like Araneta, they have a place called Araneta.

"It’s like ours... we have a place called Menezes.

"We are not naman mga tao na kailangang magpadala ako ng pera.

"Hindi po ako yung breadwinner ng family.

"Actually, ’pag nasa Brazil ako, ako yung manghihingi ng pera sa tatay ko.

"Kaya nga lumayas ako kasi ako yung rebellious sa family.

"Sabi nga ng tatay ko, ’Bakit lahat ng anak ko sinundan nila yung business namin? Ikaw pa naman, you went to the best schools, you took up the course to take over the business, ikaw pa yung panganay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Everything will go to you, inheritance will go to you. Ikaw pa yung pasaway na nagpunta pa ng Philippines.’

"Kasi gusto ko ngang tumayo sa sarili kong paa.

"I want to make a name without using my dad’s name. Although, I’m using his name—the Menezes."

CLOSED HEART. Masaya naman daw ang daddy niya sa naging career niya dito sa Pilipinas maliban na nga lang sa kinahinatnan ng lovelife niya.

Sa ngayon, sarado muna ang puso ni Daiana sa bagong pag-ibig.

Maliban sa rason na kasama niya ngayon dito sa Pinas ang kanyang ina, na-trauma raw siya sa pakikipagrelasyon.

"Na-trauma ako totally dahil this is the second time na may nag-propose sa akin na isang lalake ng marriage, and the first time na umoo ako.

"And for me, malaking bagay yun.

"Siguro para sa kanya, hindi, dahil ginawa niya yun sa lahat ng mga babae e."

NOT READY TO GET MARRIED. Sinabi rin ni Daiana hindi pa siya handang magpakasal kay Direk GB kahit tinanggap nito ang engagement proposal, pero parang lumalabas na ang direktor ang hindi handa sa kasalan.

"Ready ako, pero hindi ako ready sa time," paglilinaw ni Daiana.

"I even answered that to Showbiz Central during the ’Don’t Lie To Me,’ kung ready na raw akong pakasal.

"Sinabi ko ready ako. Lumabas naman na totoo.

"Ang sinasabi ko lang, ang timing is that not the right time.

"I’m so young, I’m 24.

"For me, I think the right age to get married is around 28.

"So, I even joke around na, ’Direk, pasensiya ka na, ha? Maghihintay ka ng four years.’

"Pero siya lang talaga ang nasa puso ko.

"Ready ako magpakasal, pero huwag naman sana nung time na nag-propose.

"Kasi hindi naman ibig sabihin na engaged ka, magpakasal ka agad.

"Puwede ka namang mag-enjoy sa engagement n’yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REACH OUT. Sinubukan daw ni Daiana na abutin si Direk GB para kahit paano ay hindi maging maasim ang hiwalayan nila.

Kuwento niya, "I tried reaching out to be friends naman, for some things to be fixed like some things we forgot about.

"Of course, iwan mo yung mga bagay sa bahay ng isang tao.

"I tried reaching out or talking to him.

"But apparently, wala siyang ano... to talk to the girls that he proposed and that he was claiming to everyone na he’s in love with...

"Hindi naman siya in love.

"Never niya ako kinausap, never!" diin ni Daiana.

Akala raw ni Daiana ay maipaglalaban niya ang pag-ibig niya

"That’s why I went home, nag-unwind.

"Nakita ko yung family ko. I saw everbody that is worth to love.

"Because if that person is worth loving, you would be after whatever he claimed in the beginning—which he didn’t do."

HEALTH. Kapansin-pansin ang pagkahulog ng katawan ni Daiana ngayon. Ayon sa kanya, nagkasabay-sabay raw ang mga problema niya kaya siya pumayat nang husto.

"Na-depressed ako, sumabay lahat ng problema.

"Lovelife, BIR [Bureau of Internal Revenue], yung former manager ko, yung ginawa niya sa akin... yun nga yung BIR.

"And the sunog in the house na nangyari sa akin.

"Sabi nila, it comes in threes.

"For me, after the sunog, the BIR problem, lovelife... pumayat talaga ako nang husto. Masyado akong nag-isip.

"But now, I’m recovered. Na-settle ko na yung BIR.

"Nakipagbayaran na ako, but I can’t tell you the amount... but something around two million [pesos].

"Malaki talaga yung penalty kasi three years akong hindi nagbayad.

"Yun lang ang tampo na yung taong tina-trust ko to pay my taxes, hindi pala niya binabayaran.

"Sabi nila that’s normal, that it happens naman daw to a lot of people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, wala akong sakit, healthy ako.

"Na-stressed lang talaga ako nang sobra," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN