TV’s "crying lady" Sugar Mercado sheds tears again after breaking up with Fil-Chinese boyfriend

Between tears, Sugar Mercado relates how she and boyfriend Jay Go went their separate ways: "Seloso... sobrang seloso, pero sobrang bait! Yun nga lang, sobrang seloso. Kung ano yung sobrang bait niya, yun naman rin yung sobrang seloso niya. Nakita ko na lang yung gamit ko, nakabalot na. ’Tapos umalis na ako sa kanila. Nakamaleta na siya. ’Tapos, wala siya. Di ba, nakaka-praning? Nakakasira ng ulo! Akala ko nga, hindi totoo yung teleserye


Photo by Noel Orsal


Ang "crying lady" na si Sugar Mercado ay nakilala sa kanyang pag-iyak-iyak noong kasama pa siya sa noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga! bilang isa sa miyembro ng SexBomb Girls.

Sa nakaraang episode ng Paparazzi noong Sabado, March 10, nag-iiiyak na naman si Sugar habang ikinukuwento ang tungkol sa breakup nila ng kanyang Fil-Chinese boyfriend na si Jay Go.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng live interview niya sa showbiz talk show ng TV5, ipinaliwanag niya ang mga pangyayari.

Ayon sa Wil Time Bigtime co-host, "Kasi ngayon lang talaga ako nakapagsalita about sa breakup namin ng boyfriend ko.

"First time kong nagsalita. Parang nailabas ko na yung... never na kasi kaming nag-usap.

"So, parang nailabas ko yung nasa sa loob ko."

NO INFIDELITY. Matagal nang gustong ipakilala ni Sugar sa writer na ito ang boyfriend. Pero bakit nagkaganun, ano ang nangyari at naghiwalay sila?

"Pagdududa. Kasi hindi siya naniwala sa akin," sagot ng dancer-comedienne.

Dumipensa naman agad siya para patunayang walang infidelity na nangyari sa side niya.

"Alam n’yo naman ako na hindi ko sasabihin sa inyo lahat kung maghahanap pa ako ng iba.

"E, sabi sa kanya, meron daw akong iba.

"And gusto na rin niya talaga akong pahintuin sa showbiz na hindi naman puwede.

"Siyempre, ayoko namang umasa dahil mayaman siya, aasa ako sa kanya, bubuhayin niya ang pamilya ko.

"Gusto ko rin mismo na ako, yung pera ko ang ibubuhay ko sa magulang ko, di ba?"

Nasa "printing" raw ang negosyo ng pamilya ng lalake.

Paglilinaw ni Sugar, walang nakitang eksena o pagkakataon na nahuli siyang nakikipaglambingan sa ibang lalake.

Walang ebidensiyang makakapagpatunay na may iba siyang lalake maliban sa kanyang nasabing kasintahan.

Sabi ni Sugar, "Gusto lang talaga niya akong pahintuin sa trabaho... gusto na niyang magkapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, sa atin sa showbiz, ’pag tumatagal, lalong natatakot yung mga ano, di ba?

"Hindi lang talaga niya ako naintindihan."

TRUE LOVE. Isang taon na raw silang magkasintahan ng Fil-Chinese boyfriend niya at kaya siya na-heartbroken dahil feeling niya, ito na ang lalake para sa kanya.

Isa sa mga dahilan ni Sugar kung bakit hindi niya isinakripisyo ang career para sa boyfriend ay dahil ayaw niyang may masabi ang ibang tao sa kanya.

"Chinese kasi, e, di ba? Parang ayokong makakarinig ng kung anu-ano kaya mas gusto kong ako yung bumubuhay sa pamilya ko.

"Okey lang ako, e. Pero siyempre, sa pamilya ko, gusto ko, ako na lang yung bumubuhay sa kanila."

JEALOUS BOYFRIEND. Pinatotohanan din ni Sugar na seloso ang ex-boyfriend niya.

"Seloso... sobrang seloso, pero sobrang bait!

"Yun nga lang, sobrang seloso.

"Kung ano yung sobrang bait niya, yun naman din yung sobrang seloso niya."

Malinaw pa sa isip ni Sugar kung paano sila naghiwalay ng boyfriend niya.

"Nakita ko na lang yung gamit ko, nakabalot na.

"’Tapos umalis na ako sa kanila. Nakamaleta na siya. ’Tapos wala siya.

"Di ba, nakaka-praning? Nakakasira ng ulo!" bulalas niya.

Dagdag pa ni Sugar, "Last year lang ’yan, mga four months ago, di ba?

"Mga isang taon rin kaming nag-live-in."

At sunud-sunod na niyang ibinigay ang detalye ng mga naging kaganapan sa lovelife niya.

"Akala ko nga hindi totoo yung teleserye, e.

"Pagpunta ko doon, yung maleta ko... sandali lang... teka.

"Binasag ko lahat yung ano... Hindi naman, dahil sa sama ng loob ko.

"’Tapos nakita ko yung ibinigay ko sa kanyang flower, sinira ko lahat!"

NO BF IN SIGHT. Hindi raw nakita ni Sugar ang boyfriend niya noong mga sandaling naka-empake na lahat ng gamit niya at nasa labas na ang mga maleta niya.

"Hindi na. Ang nakakaloka, wala akong nakita!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang naghiwalay kami na wala lang."

Wala raw sunud-sunod na pagtatalo sa pagitan nila ng kasintahan bago sila naghiwalay nito.

"Wala. Masaya kami.

"Aalis na nga siya sa bahay niya, e, aalis na nga kami.

"Ang nangyari, walang pag-alis na naganap. Hindi siya umalis, ako lang ang umalis, hindi siya kasama."

Hindi raw nakikita ni Sugar ang anggulo na baka pinagselosan ng boyfriend niya ang pagiging malapit niya kay Willie Revillame.

"Wala... hindi naman. Alam mo naman si Kuya Wil, pang-Miss Universe ’yan.

"Wala naman siyang gano’n. Alam ko namang mahal niya ako, alam naman niyang mahal ko siya.

"Hindi lang niya ako naintindihan sa trabaho ko," sabi ni Sugar patungkol sa kanyang ex-boyfriend.

NO COMMUNICATION. Mula noong nakaraang taon hanggang ngayon ay hindi na raw nag-usap si Sugar at ang kanyang ex.

Bagamat unti-unti nang nakakapag-move on ang comedy host, ayaw niyang magsalita nang patapos kung tuluyan na niyang isasara ang pinto para sa reconcilitiaon nila ng ex-boyfriend niya.

"Hindi ko alam... kasi tingnan mo naman ngayon, ini-enjoy ko ang sarili ko, nag-aayos ako’t lahat.

"Masakit talaga yung binalot niya ang mga gamit ko...

"Pero ’pag love mo talaga... hindi ko alam, e.

"’Pag ’yan ang umatake sa iyo, parang wala kang magagawa.

"Pero sabi ko nga, kailangang mahalin ko muna ang sarili ko bago ang iba.

"Kasi ’pag minahal ko ang sarili ko, kaya ko na siguro siyang mahalin nang buung-buo at kalimutan ko lahat."

MOVING ON. Isinasara muna raw ni Sugar ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig.

Mas masaya raw siyang mag-isa at wala siyang pinagkakaabalahang iba maliban sa kanyang pamilya at sa trabaho.

Isa nga sa mga planong balikan ni Sugar ay ang pag-arte.

Aniya, "If ever na may gusto akong balikan, yun yung pag-arte. Yun ang plano ko.

"Kasi, di ba, before naman umaarte na ako sa mga shows ng TAPE Inc., di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang nami-miss ko talaga."

Inamin ni Sugar na kaya napako na lang siya sa isang trabaho, yun ay dahil sa kanyang ex-boyfriend.

"Kasi nga kung magdadagdag ako ng trabaho maliban sa Wil Time Bigtime, magkukulang na ako ng oras sa kanya.

"Saka ayaw nga niya."

MATERIAL GIRL. Para patunayang hindi tumitingin sa pera o materyal na bagay si Sugar, lahat daw ng ibinigay sa kanya ng ex-boyfriend niya— gaya ng alahas, mamahaling mga bags, at kung anu-ano pang nagagamit niya— ay ibinalik na raw niya sa dating kasintahan.

"Kasi nga raw baka isanla ko, ikabuhay ko pa.

"Gusto nga nilang akong maghirap! Ay!" pabiro niyang sabi, sabay bawi at sinabing joke lang.

"Buti na lang at may trabaho ako.

"Kaya hindi mangyayaring maghihirap uli ako," nakangiti niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN