Xian Lim on Kim Chiu: "I just want her to be happy. I want her to feel na nandito naman ako. I want her to feel special."

"I just want her to be happy. I want her to feel na nandito naman ako. I want her to feel special," says Xian Lim when asked about the real score between him and former onscreen partner Kim Chiu.


Photo by Noel Orsal


Bagamat tapos na ang teleseryeng pinagsamahan nina Kim Chiu at Xian Lim, ang My Binondo Girl, hindi naman naputol ang magandang samahan nabuo habang magkasama sila sa trabaho.

Ito ay pinatunayan ni Xian sa press conference na inihanda para sa 20th anniversary ng Star Magic kahapon, Marso 13.

Ayon sa young actor, "Wala namang mababago sa nangyari sa amin porke’t natapos ang soap.

"It’s not gonna change.

"Katulad nga ng sinasabi ko palagi, I’m always here to make her feel special."

Sa pagtatapos daw ng kanila pagtatambal, sabi ng binatang aktor, "We maintained a good friendship. Nothing’s changed. Kung may mabago man, it’s probably growing."

Hindi rin niya ikinaila na patuloy pa rin ang paglabas nila ni Kim. Dahil dito, mas lumalalim pa raw ang kanilang relasyon.

"I’m getting to know her more," nakangiting sabi ni Xian.

"Tinanong nga kanina if the relationship is getting anything deeper, of course it’s getting deeper kasi you’re getting to know the person more."

MEETING KIM’S FAMILY. Samantala, napag-alaman din ng entertainment press na nakilala na ni Xian kamakailan ang ilang kamag-anak ni Kim na nagmula pa sa Cebu.

Pero sabi ni Xian, hindi naman daw ito dapat bigyan ng ibang kulay.

Dagdag pa niya, "Siyempre naman, wala namang masamang kumain ng dinner kasama ng family.

"Wala namang masama doon.

"I’m just saying na I’m really happy na na-meet ko na sila.

"Parang I’m getting to know the person more."

Kumusta naman ang pagpapakilala sa kanya ni Kim sa mga kapamilya nito?

Maikling kuwento ni Xian, "Noong pagpasok ko, ganito kapula ang face ko [sabay turo sa pulang damit].

"I’m excited at the same time, ’yong mukha ko talaga ay namumula."

READY TO FALL IN LOVE. Sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim, sinabi niya na "parang puwede" na siyang umibig muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay makalipas ang halos dalawang taon mula nang maghiwalay sila ng dati niyang onscreen partner na si Gerald Anderson.

(CLICK HERE to read related article.)

Tila natuwa naman si Xian nang ikuwento ito ng media sa kanya.

"Wow, di ba? It’s always good to fall in love," pahayag ni Xian.

"Wala naman akong naririnig na sinasabi niya sa akin.

"But if a person is ready to fall in love, it must be a good sign."

Gayunman, hindi mailarawan nang diretso ni Xian kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Kim.

Ang tanging sabi niya, "I just want her to be happy. I want her to feel na nandito naman ako. I want her to feel special."

Kumusta naman ang puso niya ngayon?

"Ang puso ko talaga, palagi namang maligaya. Malusog naman ang puso ko.

"Nandito siya para magbigay ng saya," nakangiting sagot ni Xian.

"LET’S NOT OVERTHINK." Bagamat tila nagiging mas mabuti na ang relasyon sa pagitan nina Xian at Kim, agad namang pinaalala ng young actor na, "Let’s not overthink the situation."

Paliwanag pa niya, "Kasi kapag iniisip mo ’yan, talagang marami ka nang iisipin.

"Mas maganda ’yong ine-enjoy mo, just enjoy the moment.

"Basta ako, I’m loving the moment."

Hindi rin naman daw nagmamadali si Xian sa pagkakamabutihan nila ni Kim.

"Let’s take it step by step. I don’t wanna look too far in the future.

"Let’s take it moment by moment.

"Let’s not overthink the situation.

"Basta I’m happy na we’re getting to know each other more."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN