Gelli de Belen all praises for husband Ariel Rivera: "Alam mo, saludo ako sa kanya, wala akong masasabi sa asawa ko."

Gelli de Belen gleams as she reveals her relationship with husband Ariel Rivera: "Alam mo, na kay Ariel ’yan. He sets the phase, I just maintained. He’s very confident. Hindi siya insecure. Kung may kinaiinsekyuran man siya, inaangkin niya yun, like, ’Ay naku, ang taba ko na!’ Wala siyang denial sa katawan niya. Kung makulit siya or may sapi sa katawan niya, alam niya yun, inu-own niya yun. The best way to overcome your insecur


Photo by Noel Orsal

Napagsasabay ni Gelli de Belen ang pagiging aktres sa Nandito Ako, host sa game show na Game ’N Go, maybahay ni Ariel Rivera, at pagiging nanay sa dalawa nilang anak na lalake.

Ano ang sikreto ni Gelli para magawa nang sabay-sabay ang mga ito?

"Nababalanse naman ’yan, time management lang ang katapat niyan!" sabi ni Gelli sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya matapos ang live interview niya sa Paparazzi ng TV5 noong Linggo, March 11.

"Kaya ko ’yan!

"Basta alam ko lang [dapat] kung ano ang priority ko sa talaga sa buhay. Alam ko lang kung ano ang gusto kong mangyari.

"Bakit ko ginagawa itong pagtatrabahong ito, maliban sa mahal ko itong trabahong ito? Siyempre, gusto ko ring mag-save for my family.

"Basta, malinaw lang sa isip ko na yun ang ginagawa ko.

"Tapos na ako sa isyu na gusto kong maging superstar... actually, hindi ko naman ’ata pinangarap yun ever.

"Nasa punto ako na gustong magtrabaho dahil mahal ko yung trabaho ko at yung tuluy-tuloy lang.

"Whatever work I do, I just wanna do it really well and I want it to do it well—and just enjoy!

"Noon kasi, may pressure na kailangang ganyan, kailangang ganito, kailangang ganyan ang gawin ko.

"Ngayon, hindi ko naiisip yun; ’pag meron, meron.

"’Pag meron masaya! Ganun lang."

GELLI VS ARIEL. Hindi ba naiinggit si Ariel sa kanya dahil maraming shows si Gelli sa TV5 at baka gusto rin nitong subukan magtrabaho sa Kapatid network?

"A, right now, he’s very happy with ABS. He’s doing E-boy, di ba?

"Very visible and happy naman siya doon. And he’s doing Sound of Music pa.

"Actually, mas busy pa nga sa akin si Ariel e.

"Mukha lang mas busy ako, pero mas busy sa akin si Ariel. He works M-W-F [Monday-Wednesday-Friday].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron pa siyang Sound of Music ’pag weekend. So, talagang happy siya sa pagiging busy niya."

FAMILY TIME. Paanong pumapasok yung pagiging tatay at mister ni Ariel?

"In between," sagot ni Gelli.

"Alam mo, you’ll be surprised, ang daming bonding pa rin namin ni Ariel.

"Kami pa rin ang naghahatid sa mga bata sa school sa umaga.

"’Tapos Tuesday and Thursdays, that’s our time together with the kids.

"We’re just at home. Hindi naman kami yung... ’pag may lakad, sabay kaming lumalakad.

"Lagi kaming magkakasama."

Maraming celebrity kids ang may palabas na ngayon, ayaw ba nilang makita ni Ariel ang mga anak sa TV o pelikula?

"Siguro paminsan-minsan, masaya yun," sabi ni Gelli.

"Kaya lang, wala talaga dun ang interest nila.

"Kasi ang interest nila nasa sports e. Like with Joaqui, he plays baseball.

"Ako ang palaging nasa baseball field kaya nga ganito ako kaitim at hindi na ako naputi," sabay tingin niya sa braso.

"Yung Julio ko naman, nahilig sa basketball."

CELEBRITY KIDS. Ang hindi panonood ng mga anak nila sa mga seryeng kinabibilangan nila at hindi pagpapakita ng kanilang talent sa loob ng bahay ang posibleng dahilan kung bakit walang interes ang mga bata sa showbiz.

"Kasi yung daddy nila, hindi naman kanta nang kanta sa bahay.

"Hindi naman gano’n, di ba, yung mga singers?

"Hindi lang talaga nila hilig.

"Mahilig silang making ng music, pakanta-kanta lang.

"Pero yung mag-perform, hindi."

SEXY GELLI. Natutuwa si Gelli sa mga humahanga sa kanyang physical appearance. Sabi niya, maliban sa masayang buhay may-asawa, magaling raw mag-alaga ang kanyang asawa.

"Alam mo, saludo ako sa kanya, wala akong masasabi sa asawa ko.

"Ano siya... alam mo ’pag lalabas kami, when we go shopping, hindi ako magbubuhat ng bag.

"Kahit hirap na hirap siya or may kalyo siya, hindi niya ako pagbubuhatin ng mga bag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hindi lang niya bubuhatin ay ang bag ko, kasi girl na girl!

"Pero lahat ng supot, dala niya, ’yan at ’yan ang itinuturo niya sa mga anak ko.

"Kaya kapag makikita mo kami sa mall, hindi ako nagbubuhat ng bag ’pag kasama ko siya.

"Kahit hilo na siya, ngalay na siya, siya ang nagbubuhat ng mga bags, ganun siya.

"Ayaw niyang nahihirapan ako.

"’Pag napupuyat ako sa taping, nauuna pa siyang magalit sa akin."

HAPPY MARRIAGE. Pagpapatunay pa ni Gelli, maayos ang pagsasama nila ni Ariel, wala raw pressure sa marriage life nila ng mister niya.

"Alam mo, na kay Ariel ’yan," sabi ng actress-TV host.

"He sets the pace, I just maintained.

"He’s very confident. Hindi siya insecure.

"Kung may kinaiinsekyuran man siya, inaangkin niya yun, like, ’Ay naku, ang taba ko na!’

"Wala siyang denial sa katawan niya.

"Kung makulit siya or may sapi sa katawan niya, alam niya yun, inu-own niya yun.

"The best way to overcome your insecurity is to own it.

"’Pag kilala mo ang sarili mo, hindi ka mai-insecure."

Hindi pumapayag si Gelli sa sinasabi ng ibang tumaba at lumaki na raw ang tiyan ng asawa niya.

"Excuse me, hindi malaki ang tiyan ng asawa ko!" bulalas niya.

"He’s more conscious now, nag-e-exercise na siya.

"Masipag ’yan, alam niya kung ano ang kailangan at hindi niya kailangang gawin.

"Confident siya. Buti na lang ganyan siya."

Bakit hindi ginagamit ni Gelli ang apelyidong "Rivera?"

"Hindi ko naman kailangang gawin yun, e.

"’Pag humaharap ako sa tao, ako si Gelli de Belen... hindi ako asawa ni Ariel.

"Pero sa mga pagkakataon na kailangan kong humarap bilang asawa ni Ariel, nandun ang Rivera.

"Like in all my documents, it’s all Ariel’s name.

"Wala na akong kailangang i-prove—basta ako si Gelli de Belen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, ’pag kailangan asawa ako ni Ariel, ako si Gelli Rivera.

"Ganun lang yun."

ISSUE WITH FRIEND AIKO. Pagdating naman sa kanyang kaibigang si Aiko Melendez, masaya raw si Gelli sa pagkaka-dismiss ng libel case na isinampa ng dating boyfriend nito na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

"Di ba? Now we know, it’s really a non-issue! It should not been an issue to begin with.

"Korte na ang nag-decide. Di sana hindi na nag-waste ng oras at taxpayers’ money para lang sa napaka... it’s not a big issue, e."

Pilit ni-recall ni Gelli ang kasong isinampa laban kay Aiko at ang pinagmulan umano ng paninira sa nasabing Bulacan mayor sa Twitter account ni Aiko.

"Inilabas ba sa Twitter? Hindi, di ba?

"Somebody hacked her account. But we don’t know what the real story is.

"So, parang this is something that should really been fixed or should have been dealt with.

"Yun na lang, bakit kailangan pa nating ilabas sa TV or paabutin sa korte, e, puwede naman pag-usapan na, ’Oy, anong ginawa mo?’

"’Bakit ginanyan mo ako? May pinagsamahan pa naman tayo!’

"Eto naman, sasagot ang isa, ’Hindi ko naman ginawa yun.’

"Mga gano’n na puwede naman, di ba? Bakit kailangang paabutin sa korte?"

NON-ISSUE. Alam na ni Gelli ang resulta ng kaso nina Aiko at Patrick bago pa man ito lumabas sa publiko.

"Siyempre, ang feeling niya [Aiko], ’O, e, di vindicated na parang, ’Look, it really was a non-issue.’

"So, ako naman, for my friend and even it’s for somebody else, ang feeling ko, this is something that could have been dealt with... pinag-usapan na lang.

"Bakit kailangang may ganitong pangyayari na gumastos pa kayo ng pera, may persona non grata pa diyan?

"Bakit may sinabi ba si Aiko against Bulacan? Wala naman, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may nagawang mali talaga, e, di mag-upakan tayo, di ba?

"Magmurahan na tayo, face-to-face, ayusin natin ’yan!

"Hindi na kailangang ikorte pa."

Ano naman ang advice niya kay Aiko ngayong unti-unti nang nagliliwanag ang mga ibinabatong issue rito?

"Kumi-careful, ’yan ang advice ko sa kanya. Careful ka na lang sa mga bagay-bagay.

"Itong nangyaring ito, hindi naman aksidente.

"There are reasons... I’m sure there’s a reason why this issue went that far.

"Baka dapat may matutunan silang dalawa sa nangyari.

"I’m sure si Patrick, may natutunan din, at siyempre, si Aiko din.

"So, dapat tandaan na nila whatever they learned from this experience.

"That’s the only way na hindi na ito mangyayari sa buhay nila."

AIKO-JOMARI RECONCILIATION. Tungkol sa lumabas na balitang malapit na raw magkabalikan ang dating mag-asawang Aiko at Jomari Yllana, nilinaw ni Gelli na walang ganitong eksena sa kaibigan.

Aniya, "Hindi naman sila nagdi-date. Madalas lang silang nagkikita.

"Dyusko, e, dati nang ganyan ang dalawang ’yan!

"Siguro dumalas lang lately.

"Dati nang ganyan ang dalawang yan, minsan nga nagka-karaoke pa sila. Pero may mga kasama sila.

"Pero hindi siya... wala talagang ano. Hindi ganun, e!

"Kasi kasama ko sila minsan, e. Bumibisita pa minsan si Jomari sa set namin ng Nandito Ako.

"E, nandun pa si Giselle Toengi.

"Sabi ko, ’Oh, my god! Nagre-reunion ang mga ’90s!’ Piktyuran nga kami to death.

"Ganung ka-cheap-an! Para kaming magkakapatid lang!

"Hindi na bago yung pagkikita nina Aiko at Jomari.

"Siguro nao-obvious lang ngayon habang tumatagal."

Kung si Gelli ang masusunod, ayaw niyang pumasok agad sa bagong relasyon si Aiko.

"Dapat huwag muna siyang ma-in love.

"Mag-enjoy lang muna siya, mag-dating-dating muna siya.

"Pero sabagay, ’pag dumating, wala tayong magagawa.

"Pag dumating, e, di dumating! Alangan namang tanggihan mo pa!"

Bilang kaibigan, gusto ba niyang magbalikan sina Aiko at Jomari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung pareho silang handa. Kasi sakay nila ang isa’t isa.

"Eventually, it would be nice. Pero hindi dapat ipilit kung hindi pa sila ready."

Sa ngayon, hindi mabasa ni Gelli si Jomari kung nagbago na ito?

"Kung from before, hindi ko alam kung nagbago na siya.

"Pero yung enough to get back together, I don’t know.

"Sila lang talaga ang makakasagot niyan," maingat na sabi ni Gelli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN