Asiong Salonga and In The Name of Love dominate 28th Star Awards for Movies; ER Ejercito, Aga Muhlach, and Angel Locsin win top acting honors

(Left) Laguna Governor Jeorge "ER" Estregan was named Best Actor for his title role in the action epic Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story; (right) Angel Locsin and Aga Muhlach won Best Actress and Best Actor, respectively, for their roles in In The Name of Love.


Humakot ng awards sa katatapos lamang na 28th Star Awards for Movies ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at In The Name of Love.

Ang Star Awards for Movies ay taunang ipinamamahagi ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Ginanap ang awarding ceremonies ngayong gabi, March 14, sa Meralco Theater.

Walong tropeyo ang napalunan ng Asiong Salonga at lima naman para sa In The Name of Love.

Kabilang sa awards ng Asiong Salonga ang Movie of the Year at Best Actor para sa bida ng pelikula na si Governor ER Ejercito.

Naka-tie ni Governor ER bilang Best Actor si Aga Muhlach para sa pagganap nito sa pelikulang In The Name of Love.

Ang kapareha ni Aga sa In The Name of Love na si Angel Locsin naman ang itinanghal na Best Actress.

Tinalo ni Angel sa kategoryang ito sina Ai-Ai delas Alas (Enteng Ng Ina Mo), Anne Curtis (No Other Woman), Eugene Domingo (Ang Babae Sa Septic Tank), Lovi Poe (My Neighbor’s Wife), Maja Salvador (Thelma), at Judy Ann Santos (My Househusband).

Ang co-star nina Aga at Angel sa In The Name of Love na si Jake Cuenca ay nagwagi namang Best Supporting Actor; ka-tie si Baron Geisler para sa Asiong Salonga.

Bagamat si Tikoy Aguiluz ang siyang tunay na nagdirek ng Asiong Salonga, ang itinanghal na Movie Director of the Year ay si Darryl dela Cruz. Hindi pa kasi nagkakaayos ang kampo ni Direk Tikoy at ni Governor ER sa isyu nila tungkol sa pelikula.

Ang Thelma naman ang nagwaging Digital Movie of the Year.

Ang direktor ng Thelma na si Paul Soriano ang nanalong Digital Movie Director of the Year. Si Direk Paul ay kasintahan ng actress-singer na si Toni Gonzaga.

Ang Kapuso star na si Lovi Poe ang nagwaging Movie Supporting Actress of the Year para sa pagganap niya sa Yesterday Today Tomorrow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlo pang GMA-7 artists ang nanalo ng acting awards: sina Solenn Heussaff bilang New Movie Actress of the Year para sa Temptation Island; Rocco Nacino bilang New Movie Actor of the Year para sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa; at Jillian Ward bilang Child Performer of the Year para sa Aswang.

Ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez ang ginawaran ngayong taon ng Ulirang Artista Award. Ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez ang nag-present ng award sa dating Sampaguita Pictures contract star.

Ang multi-awarded director na si Marilou Diaz-Abaya naman ang pinarangalan bilang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera.

Ang mga nag-host ng awards night ay sina Anne Curtis, KC Concepcion, Derek Ramsay, at Aga Muhlach.

Narito ang mga nanalo sa 28th Star Awards for Movies:

Movie Actress of the Year - Angel Locsin (In The Name of Love)

Movie Actor of the Year - (tie) ER Ejercito (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story) and Aga Muhlach (In The Name of Love)

Movie of the Year - Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Digital Movie of the Year - Thelma

Movie Director of the Year - Darryl dela Cruz (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Digital Movie Director of the Year - Paul Soriano (Thelma)

Movie Supporting Actress of the Year - Lovi Poe (Yesterday Today Tomorrow)

Movie Supporting Actor of the Year - (tie) Jake Cuenca (In the Name of Love) and Baron Geisler (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Movie Screen Writer of the Year - Olivia Lamasan and Enrico Santos (In the Name of Love)

Digital Movie Screen Writer of the Year - Froilan Medina and Paul Soriano (Thelma)

New Movie Actress - Solenn Heussaff (Temptation Island)

New Movie Actor - Rocco Nacino (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)

Movie Child Performer - Jillian Ward (Aswang)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Original Movie Theme Song - "Hari ng Tondo" (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Digital Original Movie Theme Song- "Ikaw ang Aking Pag-ibig" (Ikaw Ang Pag-ibig)

Movie Musical Scorer - Jessie Lasaten (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Digital Movie Musical Scorer - Vincent de Jesus (Ang Babae sa Septic Tank)

Movie Sound Engineer - Albert Michael Idioma (In the Name of Love)

Digital Movie Sound Engineer - Ditoy Aguila (Patikul)

Movie Production Designer - Fritz Silorio Mona Soriano and Ronaldo Calapan (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Digital Movie Production Designer - Laida Lim (Niño)

Movie Editor - Jason Canapay and Ryan (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Digital Movie Editor - Mike Veneracion (Ang Babae sa Septic Tank)

Special Awards:

Ulirang Artista Award - Eddie Gutierrez

Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera - Marilou Diaz-Abaya

Mr. Great Shape Personality - Derek Ramsay

Miss Great Shape Personality - Angel Locsin

Male Star of the Night- Aga Muhlach

Female Star of the Night - KC Concepcion

Male Face of the Night - Derek Ramsay

Female Face of the Night - Valerie Concepcion

Male Star with Radiant Skin - ER Ejercito

Male Star with Radiant Skin - Iwa Moto


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN