Governor ER Ejercito on winning Best Actor at PMPC Star Awards for Movies: "I worked with the best team—ang galing ng direktor namin, si Tikoy Aguiluz!"

Sa kanyang Best Actor award acceptance speech, unang binanggit ni Governor ER Ejercito ang pag-aalay ng parangal sa kanyang namayapang amang aktor.

"I’d like to offer this award to my father, who’s a multi-awarded actor also-George Estregan Sr. [Emilio Marcelo Ejercito, in real life]. And also to my second father, [former] President Joseph Ejercito Estrada. ’Tito’ Joseph, para sa inyo din po ito!" he said. Inalay din n


Photo by Noel Orsal

"After 28 long years in the movie industry, [my] first best actor award!" makahulugang sambit ni Laguna Governor ER Ejercito (a.k.a. Jorge Estregan Jr.) nang tanggapin niya ang kanyang napanalunang trophy, para sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, sa ginanap na Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Masaya pa rin si Governor ER bagamat nag-tie sila sa Best Actor trophy ni Aga Muhlach na nagwagi rin sa kanyang pagganap sa pelikulang, In The Name Of Love.

Ang awarding ay ginanap sa Meralco Theater kagabi, March 14, 2012. Nagsimula ang programa nang dakong ika-8 ng gabi at maagang dumating sa venue si Governor ER, kasama ang kanyang maybahay, Pagsanjan Mayor Maita Sanchez-Ejercito at ang nag-aartista na rin nilang anak, si Jerico Ejercito, 20.

Higit na memorable ang pagwawagi ng actor-politician dahil nanalo rin siya sa ika-28 taon ng Star Awards for Movies ng PMPC.

Ang pinagbidahan niyang pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, na ikatlong remake ng Asiong Salonga biopic (mula 1961, na unang isinapelikula ng dating Pangulo at aktor na si Joseph Estrada) ay humakot ng mga parangal sa Star Awards for Movies 2012.

"God is good and great! Thank you for all the abundant blessings that you [continuously] give me and my family; and the province of Laguna!" sabi pa ni Governor ER sa kanyang mensahe ng pasasalamat.

OFFERINGS. Sa kanya ring acceptance speech ay unang binanggit ni Governor ER ang pag-aalay ng natamong parangal sa kanyang namayapang amang aktor.

"I’d like to offer this award to my father, who’s a multi-awarded actor also—George Estregan Sr. [Emilio Marcelo Ejercito, in real life].

"And also to my second father, [former] President Joseph Ejercito Estrada. ’Tito’ Joseph, para sa inyo din po ito!

"To my one and only wife, Pagsanjan Mayor Maita Ejercito, who has been my partner for 25 long years; my soulmate, my best friend, my number one critic and my number one fan, I love you very much!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you for giving me the four best trophies in my life—our kids, Jerico, Jet, Eric, and Julia," makahulugang banggit din ng ngayo’y premyadong aktor at pulitiko.

"And also, I’d like to dedicate this award to my mother, Mona [Ramona Pelayo] Ejercito, who’s also my number one critic. Mom, para po sa inyo ito!

"And to my whole family, and to my Laguna family!" sabi pa niya.

BACKSTAGE JITTERS. Bago tawagin ang pangalan niya, para sa Movie Actor of the Year Award, ay ilang beses na ring umakyat ng entablado si Governor ER, para tumanggap ng mga parangal on behalf of absentee winners na kabilang sa Asiong Salonga biopic.

It was a clean sweep for Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, na bukod sa top acting award for best actor at best supporting actor (para kay Baron Geisler), ay nanalo ring Movie of the Year at Movie Director of the Year, para kay Direk Tikoy Aguiluz—bagama’t hindi siya, kundi ang isa sa mga tauhan ng produksiyon na si Darryl Dela Cruz ang binanggit, dahil sa patuloy pang dinirinig na kaso ni Direk Tikoy laban sa kanyang producers, ang Scenema Concepts, Inc.

Sa mga technical awards ay halos nakopo rin ng Asiong Salonga filmbio ang mga parangal, kabilang ang sa Movie Editor (Jason Cahapay at Ryan Orduna); Production Designer (Fritz Selorio, Mona Soriano, at Ronaldo Cadapan);Cinematographer (Carlo Mendoza); Musical Scorer (Jesse Lasaten); at Original Movie Theme Song awards ("Hari ng Tondo" ng Gloc 9).

Ganito rin ang pangyayari noong Disyembre, sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011; humakot din ng parangal ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Sotry.

Ang kaibhan, sa MMFF ay hindi nanalong best actor ang nagbidang si Governor ER.

Kaya ganu’n na lang daw ang kaba ng actor-politician habang papalapit ang sandaling tatawagin na ang winner (o ang winners, dahil may "tie" award) sa best actor category ng Star Awards 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ipinauna niyang masaya na siya sa pangyayaring humahakot ng parangal ang kanilang pelikula.

"Oo naman," sabi ni Governor ER sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya, backstage.

"Respetado naman natin lahat ang award-giving bodies.

"Importante, e, ma-nominate. ’Yun lang namang nomination... kaya nga nagtataka ako sa Enpress..."

Ang tinukoy niya ay ang hindi niya pagkaka-nominate as best actor, sa Golden Screen Awards ng Enpress (Entertainment Press Society) sa awarding nito ngayong taon.

MOTIVATION. Sa kanyang acceptance speech, at maging sa post-awarding interviews with other media representatives, ay nabanggit ni Governor ER ang kahalagahan ng una niyang award sa pagganap.

"This best actor award will serve as an inspiration to me; and a positive motivation for me to do more quality films.

"Alam n’yo, ang unang objective namin is to produce a quality film at nagtagumpay po kami.

"Pangalawa, para makatulong sa napakaraming walang trabaho sa industriya ng pelikulang Pilipino, na napakaraming mahuhusay at magagaling na artista.

"Salamat sa pagsuporta sa pelikulang ito.

"At, pangatlo, para maibalik ang quality action films dito sa Pilipinas.

"Salamat sa lahat ng mga co-actors ko. Thank you very much!" pasasalamat din ni Governor ER.

Sa mga co-actors niya ay todo-suporta ang ibinigay nina John Regala, Ping Medina, Dennis Padilla, Amay Bisaya, at Baron Geisler, na thankful rin sa kanyang pagwawagi (co-winner) ng Movie Supporting Actor of the Year award.

THANKFUL TO DIREK TIKOY. Bagama’t hindi pa rin nga naaayos ang naging kaso between Direk Tikoy Aguiluz and Scenema Concepts, Inc. (pati ng Viva Films, na siyang distributor ng Asiong Salonga filmbio), malugod pa ring binanggit nina Governor ER at Ms. Mylene Enriquez ang pangalan ng nakaalitang direktor.

"I worked with the best team—ang galing ng direktor namin, si Tikoy Aguiluz!" sabi pa ng actor-politician, bilang pag-acknowledge at pasasalamat sa direktor ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang bahagi rin ng kaniyang speech, on receiving the Best Director Award, para kay Direk Tikoy (na pangalan ni Darryl Dela Cruz ang binanggit), sabi ni Governor ER, "Direk Tikoy is one of the best directors in Asia!"

Kabilang din sa mga pinasalamatan niya ay ang Viva Films producers (Bosses Vic del Rosario, Vincent, and Veronica); scriptwriters (Roy Iglesias and Ray Ventura); assistant directors (Rico Gutierrez at Pedring Lopez); at ang technical team na pawang nagkamit ng mga parangal.

Partikular na naging proud sina Governor ER at Ms. Mylene sa pagwawagi ng Gloc 9 para sa "Hari ng Tondo" theme song, na madalian lang daw nilikha, pero napakalakas ng naging impact.

"The Eminem of the Philippines!" pagtukoy pa ng actor-politician sa popular band, na nag-number 2 sa buong mundo sa YouTube, ang komposisyong "Hari ng Tondo."

Sa huli’y pinasalamatan ni Governor ER ang kanyang publicist (Jobert Sucaldito), ang character actor na si Amay Bisaya, at ang buong PMPC Star Awards.

Nagbiro pa ang actor-politician, "PMPC... protektado kayong lahat kay Asiong!"

Sa post-awarding photo shoot onstage, malakas na hiyawan ang isinalubong kay Governor ER ng nag-stay na audience (karamiha’y Laguna constituents niya), bilang pagtanggap sa kanyang pagwawagi.

They cheerfully shouted, "Asiong! Asiong! Asiong!"

EL PRESIDENTE. Sa pagpapatuloy ng PEP interview, napag-usapan ang tungkol sa kasalukuyang mga tunguhin ng gobernador sa kanyang nasasakupan.

"Okey naman," aniya.

"I’m working hard to make Laguna the best province to visit and the best place to invest in."

Kumusta naman ang nahintong pagsasa-pelikula ang El Presidente nila ni Nora Aunor (at iba pang mga malalaking artista)?

"Oo, tuloy na. Si Mark Meily na [ang bagong direktor],’’ pag-kumpirma niya.

May mga naunang kinunang mga eksena si Direk Tikoy, kasali pa rin ba ito sa bubuuing pelikula ni Direk Mark?

"Oo, kasali pa rin. Inaayos namin [ang script], pinaganda lalo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nalalabi pa raw shooting days si Nora Aunor sa proyekto.

"Mga two days [shooting] pa siya. Pagagandahin pa ang role niya."

Para nga ba sa MMFF, sa Disyembre, ang El Presidente?

"Yeah. Metro Manila Filmfest 2012," banggit pa ni Governor ER, hinggil sa kasalukuyang plano.










WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN