PEP Exclusive: Alden Richards talks about his first horror film The Road and other first-time experiences in showbiz

Together with other cast members, Alden Richards will attend the premiere of The Road on May 9 at L.A. Live in Los Angeles, California. The actor, who plays a psycho-killer in the GMA Films movie, says this is his first time to go abroad: "It’s my first time to go out of the country and hopefully, mag-stay kami do’n for a week, I guess, so talagang ifu-full pack ko na ’yon. Excited, I


Nakasama ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden Richards ng isang buong araw noong ika-11 ng Marso, Linggo.

Sinubaybayan ng PEP ang young actor at ang buong schedule nito maghapon.

Isang matahimik, ngunit masayahing bata ang GMA-7 na aktor. Mabilis siyang nakapalagayang loob ng taga-PEP, sapagkat ito rin pala’y may tinatagong kakulitan.

Sa pag-uusap namin, unang ibinatong tanong sa kanya ay ang kanyang horror film na The Road na ipapalabas na sa ibang bansa.

"You know, at first we didn’t expect that The Road would be that big, ’cause we just wanted it to be ano, to be appreciated locally by Filipino viewers.

"We’re so blessed when GMA Films [was able to] sell The Road abroad. [It will be shown] commercially all over the U. S.

"So masaya, sobrang saya ko kasi napasama po ako do’n sa cast.

"I contributed, I made a little contribution to the film—and I’m just so happy," masayang paglalarawan ni Alden sa kanyang nararamdaman.

Dagdag pa niya, "Actually it’s my first horror film and first time rin na it will be shown commercially abroad.

"Of course Direk Yam [Laranas], GMA Films, and the other cast—talagang sobrang happy kami and sobrang blessed kami na The Road is going places."

A LOT OF FIRSTS. Ibinahagi din ni Alden na first time niyang mag-out of the country.

Itong May 9, lilipad siya kasama ang ibang The Road cast para sa premiere nito na gaganapin sa L.A. Live sa Los Angeles, California.

Aniya, "It’s my first time to go out of the country and hopefully, mag-stay kami do’n for a week, I guess, so talagang ifu-full pack ko na ’yon.

"Excited, I’m very excited, kasi ang dami kong na-experience na firsts since I started showbiz

"First time ko nakasakay sa airplane, first time kong nakakapunta sa iba’t-ibang lugar here in the Philippines, and now, by first week of May, I’m going to the States."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga nakaplano niyang gawin pag nagpunta ito sa States?

"Ah, we wrote an itinerary na ayon nga," masayang balita ni Alden.

Dagdag niya, "I think we’re going to watch Ellen Degeneres, live on May 8.

"And then we’re gonna go to Universal Studios and Disneyland, so far ’yon ’yong itinerary.

"So I think for a week kaya namin i-fulfill ’yon, so that’s it.

"And siguro buy some stuff—chocolates, pampasalubong for the family and friends, kasi that’s typical Pinoy, ’di ba?

"Whenever you go abroad or some place, you buy something from there, parang giveaways to those who waited for you in the Philippines, so ’yon lang.

"I just can’t, hindi ko pa rin ma... hindi ko pa rin sukat maisip na I’m going to the States.

"It just really excites me every time I think about it."

"I WON’T CHANGE." Naging maganda ang taong 2011 para kay Alden Richards.

Una niyang teleserye project sa GMA-7 ay ang Alakdana—kung saan isa siya sa mga leading men ng leading lady na si Louise delos Reyes.

Napasama din siya sa pelikula ng mga tween stars, ang Tween Academy Class of 2012.

Matapos nga iyon, may The Road nang kasunod at ngayon nga’y kapatid siya ni Dingdong Dantes sa isang GMA Telebabad na serye, ang My Beloved.

Inaasahan ba niyang ganito kabilis magbubunga ang kanyang career sa industriya ng showbiz?

"Honestly po kasi, hindi ko po inexpect na magiging ganito kabilis ’yong pace sa buhay ko," mabilis na tugon ng tween star.

Aniya pa, "Upon entering showbiz, inisip ko na okay muna sa akin ’yong mga small roles, na okay lang muna na minsan pa-extra-extra sa mga soap and movies.

"Pero God is really good, God is really good na binigyan niya ako ng chance to act in movies, to act in soaps, and ito na nga ’yong The Road, The Road is going to the U. S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And ’yong support na nakukuha ko from people outside showbiz is really good also, ’yong ’yong..."

Mariin niyang paglalahad, "Sometimes when I read PEP, I read the comments—parang the next leading man, the next ganyan.

"So a lot of, a lot of positive comments that contribute to my inspiration—so mas, mas... ’yong drive ko to be a better actor, to be a better showbiz personality.

"Talagang I wouldn’t, I won’t change kung ano ’yong nasimulan ko.

"I would stay the same kasi ’yon ’yong, do’n ako nagustuhan ng mga tao.

"Do’n ako, nila ako sinuportahan kung ano ako before.

"So mas okay to keep your feet on the ground—just stay as you are and don’t change."

NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR NOMINATION. Masaya ang tween star na si Alden sa nomination nito sa PMPC Star Awards for Movies, sapagkat maliit lang daw ang kanyang naging papel sa The Road pero napansin ito ng mga kritiko.

"Very proud kasi, first horror film ko ’yon.

"And actually talagang we all did very well do’n sa movie, we received good feedback from different kinds of critics.

"And being nominated parang okay, okay na po sa akin ’yong experience na ’yon kasi, just being nominated is an honor, being recognized by an award-giving body.

"So, so kung manalo man, thank you very much and kung hindi naman, better luck next time, there’s always next time," natutuwa niyang pagsagot.

Ang nanalong New Movie Actor of the Year kagabi, Marso 14, sa PMPC Star Awards for Movies ay ang kapwa nito Kapuso star at kaibigan niya na si Rocco Nacino para sa pelikula nitong Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. (CLICK HERE for related article)

DREAM ROLE. Sa sunud-sunod na proyekto ni Alden, ano ang kanyang dream role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sagot agad ni Alden, "Dream role? Siguro... Kasi ’yong dream role ko, nakuha ko na, e, The Road...psycho killer, that’s my dream role."

Anito, "So far kung meron mang magbibigay sa akin na role na anything, e, siguro [yung] rich, I’ve never been rich in a soap or a project, lagi akong...

"Siguro ’yong Tween Academy pero hindi masyadong naging, hindi masyadong na-establish, e.

"Pero lagi akong mahirap, e, so sana Class A naman.

"Class A dapat, high end, puro ako iskwater, mahirap," natatawang sabi nito.

MATTERS OF THE HEART. Hindi naman nakaligtas si Alden nang kumustahin ng PEP ang lagay ng puso nito.

Biro niya, "Okay naman siya, ito nagha-heartbeat pa rin, labdab-labdab pa rin."

Sabay tawa niya at ng kanyang mga kasama sa sasakyan.

Pero paliwanag niya, "Pero no love life for now, siguro focus muna do’n sa mga projects.

"Kasi once nag-enter na ako sa isang serious relationship, another responsibility...it’s another part of my life where I have to do something about it.

"Hindi ko pwedeng pabayaan kasi siyempre love ’yon, e, siyempre may partner ka.

"Pero parang mas more, I give more priority to my work now.

"Kasi since it’s, it’s ano pa... it’s going well so far, do’n muna kung sa’n tayo may benefits."

HOLY WEEK. Tinanong din ng PEP kung ano ang balak gawin ni Alden sa darating na Holy Week.

"Holy Week? Balak sana naming ano, pumuntang ano, sa province, sa different churches sa Laguna for Stations of the Cross.

"With family and then ’yon lang spend time lang sa bahay together.

"Kasi minsan lang mangyari, after Holy Week wala na naman," nae-excite na sagot ni Alden.

SUMMER. Dahil nalalapit na rin ang summer, balak daw ng tween star na magpunta sa beach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa po... actually siguro, siguro sana makapag-beach ako.

"Kasi medyo gusto ko kasing magpa-tan kahit papaano, new look.

"And then sana with family, vacation sana.

"And, sana ano, sana magka-abs na ako," sabay halakhak ng young actor.

Ano ba ang dream summer destination ng isang Alden Richards?

"Wow! Sana Hawaii," mabilis na tugon ng aktor.

Paliwanag niya, "Wala lang, kasi kapag sinabi mong summer parang Hawaii is a perfect spot.

"Or kung hindi naman Hawaii, let’s think locally, Palawan, El Nido—’yon ang sarap-sarap [dun]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN