Iwa Moto confirms her contract with GMA-7 has expired, return to Wil Time, Big Time remains uncertain

Iwa Moto says her career is on hold following her short stint on Wil Time, Big Time. GMA-7 had written Wil Time, informing them that Iwa had a contract with the network, which ended on March 12.

"Hindi ko pa nakakausap ’yong production ng Wil Time. Pero... ang last na napag-usapan namin... as soon as possible, makabalik na ako kaagad," Iwa says.


Ang unang naibalita ni Iwa Moto nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi sa 28th PMPC Star Awards For Movies sa Meralco Theater ay tapos na raw ang kanyang kontrata sa Kapuso network nitong March 12.

Pero hindi pa masabi ng seksing aktres kung ano ang susunod niyang hakbang o plano para sa kanyang career tulad ng pagko-co-host with Willie Revillame sa Wil Time Big Time.

Matatandaang naputol ang hosting ni Iwa nang sumulat ang GMA-7 sa production ng Wil Time at ipinaalam na may kontrata pa si Iwa sa kanila kaya napilitang huminto nga ang aktres sa pagku-co-host sa nasabing show.

"Hindi ko pa nakakausap ’yong production ng Wil Time.

"Pero... ang last na napag-usapan namin... as soon as possible, makabalik na ako kaagad."

END OF CONTRACT. Kung pigilan siya uli ng GMA?

"Wala na sila. Kahit na pigilan nila ako, ’yong contract ko kasi... tapos na po."

Wala bang inilatag na bagong kontrata para sa kanya ang Siyete?

"Sabi nila maglalatag sila. Pero so far, wala po akong naririnig. Wala."

Sandali lang si Iwa naging co-host ni Willie sa Wil Time, Big Time. Pero kaagad ay inili-link agad siya rito.

LINKS WITH WILLIE. Kahit wala na siya sa show, hindi pa rin tuluyang nabubura ang pag-uugnay sa kanya sa TV host.

"Lahat naman yata inili-link kay Kuya [Willie]. And sa akin... naaawa ako sa kanya kasi, lahat na lang?

"Hindi naman ibig sabihin na kung nagtatrabaho sa Wil Time... magiging chicks ni Kuya, ’di ba?

"Hindi ba puwedeng nagtatrabaho lang nang maayos?

"Uhm... si Kuya, mabait naman ’yan, e.

"Sana lang, huwag bigyan ng pangit na kahulugan ’yong pagiging mabait niya sa mga nagiging guest niya sa show at sa mga nagiging co-host niya.

"Kasi... hindi naman lahat ng tao, gano’n, e."

RELATIONSHIP WITH LEANDRO MUÑOZ. Kung sa bagay, very vocal si Iwa ngayon sa relasyon nila ni Leandro Muñoz at masaya naman daw sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito marahil ang dahilan kung bakit nawala na ang anumang hindi magandang saloobin niya tungkol sa ex-boyfriend niya na si Mickey Ablan at sa kasalukuyang girlfriend nito na si Jana Viktoria.

"Nag-uusap na kami. We’re casual friends na ni Mickey.

"Ano naman ang lahat ng bagay... kailangan dahan-dahan.

"And sa akin... in due time.

"Well...I invited them. Sabi ko kay Mickey na... ’Kapag free sila, kapag hindi busy, mag-coffe kami.’

"Para ... alam mo ’yon?

"Kasi ang liit lang ng mundo ng showbiz.

"Ayoko no’ng magkakasalubong kami at saka kami magkakailangan.

"Mas maganda na ’yong maayos ang lahat."

Grabe ang nangyaring patutsadahan nila ni Jana dati. Ngayon ba ay okey na sila talaga?

"Actually, no’ng umpisa naman... kahit naman dati, hindi naman ako galit kay Jana, e.

"Kasi si Jana, naging kaibigan ko rin naman siya.

"At saka siya yung eksaktong example ng babaeng nagmamahal lang.

"Gano’n din ako dati. Kaya naiintindihan ko siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN