Rodrigo Duterte offers DAR, DENR, DSWD, and DOLE posts to communists

May 17, 2016
<p>Rodrigo Duterte: "Ang ibibigay ko sa Communist Party of the Philippines, open yung DAR, DENR...DSWD at madami pang iba, but those are the only departments I can concede to them, that four."</p>

Mga kaklase at kakilala mula pa noong siya ay nag-kolehiyo at mga katrabaho noong siya ay nanungkulan bilang mayor sa Davao City ang mga napupusuan ni Rodrigo Duterte na magiging miyembro ng kanyang gabinete.

Ang kanyang magiging executive secretary ay Atty. Salvador "Bingbong" Medialdea, na siya nag-file ng Certificate of Candidacy ni Duterte noong 2015.

Ang abugadong humarap sa mga akusasyon ni Senator Antonio Trillanes IV na si Atty. Salvador Panelo ang kanyang magiging spokesperson.

Inalok naman niya ang posisyong finance secretary sa kaibigang si Carlos "Sonny" Dominguez III, na nanungkulan bilang agriculture secretary sa administrasyon ng dating Pangulong Corazon Aquino.

Ang kanyang kaklase naman sa law school at naging valedictorian ng kanilang batch sa San Beda College of Law na si Arthur Tugade ang magiging tagapamuno ng Department of Transportation and Communications.

Inalok naman niya sa running-mate na si Senator Alan Peter Cayetano ang Department of Justice o ang Department of Foreign Affairs.

Continue reading below ↓

May tatlong taon pa sa senado si Cayetano kaya kung hindi raw nito tatanggapin ang pagiging DFA secretary, iaalok niya ang posisyon sa dating Securities and Exchange Commission chairman na si Perfecto Yasay, in an acting capacity, sa loob ng isang taon.

Si Yasay ay boardmate ni Duterte noong nag-aral siya rito sa Maynila.

Sabi pa niya sa kanyang televised presscon kanina, May 16, “In the meantime, di ako sigurado kay Alan, I will appoint acting secretary Yasay.

“Sabi niya [Yasay] he has a teaching commitment kasi professor sa law sa Hawaii, and he just came home to greet me.

“Sabi ko, if he can take one year, mag-furlough muna siya, take sabbatical leave, and join.

"I would assign him sa DFA in acting capacity."

Ang Department of Education naman ay mapupunta kay Peter Laurel, ang presidente ng Lyceum of the Philippines University (Batangas at Laguna) at anak ng dating senador na si Sotero Laurel.

Continue reading below ↓

Si dating press secretary Jesus Dureza ang mamumuno sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.

Si Gibo Teodoro naman ang nakikita niyang ilagay sa National Defense.

Pinagpipilian pa ni Duterte kung sino sa mga dating chief of police ng Davao na sina Chief Superintendent Ramon Apolinario (officer-in-charge of the Mimaropa Region), Chief Superintendent Ronald dela Rosa, at Senior Superintendent Rene Aspera, ang itatalaga niya sa Philippine National Police.

Dagdag pa niya sa ulat ng GMA News Online, “They were classmates and pareho ang year of service, nobody would get the edge.

"So I say, you sit, talk between the three of you... They are good.

"They have been my chief of police in the past and all rendered sterling performances in the city of Davao.”

Samantala, napupusuan naman niyang italaga si Lt. General Ricardo Visaya mula sa Southern Luzon Command na maging chief of staff ng Armed Forces of the Philippines.

Continue reading below ↓

Inalok naman niya sa Communist Party of the Philippines (CPP) ang apat na departamento sa gobyerno: ang Department of Agrarian Reform, Department of Environment and Natural Resources, Department of Labor and Employment, at Department of Social Welfare and Development.

Aniya, "Ang ibibigay ko sa Communist Party of the Philippines, open yung DAR, DENR, Labor if they want kasi sabi nila pinaka-oppress ng ano iyan.

"They are the most vigilant group in the Philippines about labor so they would get it.

"DSWD at madami pang iba, but those are the only departments I can concede to them, that four.

"Maganda na 'yan," dugtong niya.

Bubuksan rin niya ang maraming posisyon sa gobyerno para sa mga nais mag-apply.

Pero nagbabala siya na ayaw niya sa mga aplikanteng may mga padrino o backers, dahil itatapon raw niya agad ang application papers ng mga ito sa basurahan.

Read Next
Read More Stories About
salvador panelo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Rodrigo Duterte: "Ang ibibigay ko sa Communist Party of the Philippines, open yung DAR, DENR...DSWD at madami pang iba, but those are the only departments I can concede to them, that four."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results