Anne Curtis reiterates: "Hindi naman talaga ako singer."

Anne Curtis on her awful singing: "Kasi, totoo naman, e, hindi naman ako singer. ’Yon naman ’yon. Ate Lea made it clear naman that I never said that I was a singer."


Muling nilinaw ng TV host-actress na si Anne Curtis na walang problema sa pagitan nila ng international artist na si Lea Salonga.

Matatandaan na may lumabas noon na isang balita na inatake diumano ni Lea Salonga ang paraan ng pagkanta ni Anne.

Pero agad namang nilinaw ng kilalang Broadway artist na wala siyang partikular na tinutukoy sa sinasabi niyang mga kumakanta ng wala sa tono.

(CLICK HERE to read related article)

Agad din namang humingi ng paumanhin ang naglathala ng balita, ang news website ng TV5, tungkol sa maling pagkakasulat ng kanilang balita.

Nang makapanayam ng media si Anne kahapon, Marso 15, naikwento muli niya na nagkausap na sila ni Lea tungkol dito.

Ang panayam ay naganap sa press conference ng bago niyang product endorsement na Cherry Mobile sa 55 Events Place, Scout Rallos, Quezon City.

Paglalahad ni Anne, "Nag-message siya [Lea] sa akin noong birthday ko [Pebrero 17].

"She greeted me. Sabi niya, ’First, Happy Birthday. Second, I’m so sorry. I would never say anything that would offend [you].’

"She just said sorry for the whole hassle. But hindi naman siya nagso-sorry kasi wala naman siyang sinabing mali."

Ayon kay Anne, hindi naman daw siya nasaktan nang una niyang marinig ang balita.

Natatawa pa niyang sinabi, "Hindi naman talaga ako singer at sinabi naman talaga ni Ms. Lea ’yon.

"Performer ako, di ba? Kaya hindi talaga ako na-offend kasi hindi naman talaga ko singer."

IRRESPONSIBLE JOURNALISM? Para kay Anne, wala namang pagkakamali si Lea sa kanyang mga nasabi. Sa halip, nagkaroon daw ng pagpapabaya sa nagsulat ng balita.

Kwento pa niya, "Sabi ko, I know naman, Ate, no worries. I know it was irresponsible journalism.

"Irresponsible journalism... kasi they admitted naman.

"They admitted naman [it’s] their fault, which is the good thing about it. Hindi nila pinaglaban hanggang dulo na sila ang tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They admitted their fault naman. You know, it’s a good thing they admitted their fault."

SINGING WITH THE PROS. Dahil sa nangyari, natanong tuloy ng media kung gusto ba niyang makasama sa isang singing performance si Lea.

Pabor daw ito para sa It’s Showtime.

Nang tanungin kung anong kanta ang gusto niya kung sakaling matuloy ang duet performance nila, agad na sumagot si Anne, "’Reflection!’"

Ang kantang "Reflection" ay theme song para sa Disney movie na Mulan, na kinanta ni Lea.

Pagkatapos sinabi ni Anne, "Hindi ko alam. Nakakatawa. Even if I’m not a singer, it’s always been my dream to sing with singers.

"Kahit nga noong lumabas si Sir Martin [Nievera] noong birthday ko, ’Oh my god!" Pinakanta pa ako ng "You Are My Song" na pagkataas-taas. Hindi ako prepared!

"Sabi ko, ’But thank you for giving me a chance.’

"Alam mo ’yon, that’s why I’m so happy kasi these singers, knowing that I’m not a singer, are game to sing with me.

"Kaya nagiging inspirational para sa lahat ng mga hindi singers, na okay lang."

ANNEBISYOSA TOUR. Samantala, kasunod ng successful concert niyang Annebisyosa: No Other Concert sa Araneta noong Enero, pupunta si Anne sa Cebu at sa Middle East para sa concert tour.

Masaya daw si Anne dahil may mga interesado pa na makita siyang kumakanta.

"Although hindi ko alam kung kaya ko," pahabol niya.

"Hindi talaga. Alam mo sinasabi ko talaga, "Boss Vic, after ha, ayaw ko na."

"Masaya na ako na nangyari siya once. ’Yong sa Araneta, that was the pinakabongga for me. Ngayon, may Cebu and everything."

Pero agad rin naman nilinaw ni Anne, "Although I want to do it kasi may mga hindi nakarating. May ibang taga-probinsya na nagtu-tweet, ’Pumunta naman po kayo dito.’

"So natutuwa ako na ang daming mga [nagre-request]. May Davao, may Bacolod. Kaya sabi ko, ’Ang taray naman. Pasok!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wanna do it for them also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN