Baron Geisler admits to being seen drinking in a bar: "Nagkaroon ako ng limit...and self-control."

Baron Geisler and Jake Cuenca tied for Best Supporting Actor at the PMPC Star Awards for Movies.

"Matawag man ako o si Jake... ang importante do’n, pareho po kaming nanalo as Best Supporting Actor. And I’m very happy rin for Jake Cuenca talaga because it is his first acting award. And he really deserves it," Baron says, adding: "I’m very grateful talaga sa PMPC. I’m thankful that they gave me this very, very big oppo


Bago pa man magsimula ang ceremonies para sa 28th PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa Meralco Theater kagabi, kausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron Geisler.

Para sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, si Baron at John Regala ay parehong nominado sa Movie Supporting Actor category.

WINNING STREAK. Naka-kundisyon na ang isip ni Baron na sa mga nominees, si John ang pinaka-llamado dahil nanalo na ito ng best supporting actor para sa Asiong Salonga Story nitong 2011 Metro Manila Film Festival.

"I believe na... si John Regala ang mananalo dito," hula niya.

"Kasi talagang ang galing ng performance niya.

"Walang kupas pa rin ’yong idol kong si John Regala.

"But of course, a... sana manalo din.

"Pero... I think John deserves it talaga sa aming lahat na nominees.

"Well actually to be nominated e, panalo na kami. So I’m happy na for that.

"Ang pakiramdam ko sa mga oras na ito... a bit nervous lang.

"But... everything is good. Everything is positive.

"And, uhm... I’m on the right track. I’m ready to work.

"I work out. I run every day. That’s what I do."

AND THE WINNERS ARE... Ngunit nagkamali si Baron ng inakala sapagkat nag-tie sila ni Jake Cuenca sa Star Awards Best Supporting Actor category.

No’ng naunang tinawag ang pangalan ni Jake, nalungkot ba siya at inakalang talo na siya? Ano ang kanyang naramdaman nang marinig niya na dalawa pala silang nanalo?

"Matawag man ako o si Jake... ang importante do’n, pareho po kaming nanalo as Best Supporting Actor.

"And I’m very happy rin for Jake Cuenca talaga because it is his first acting award. And he really deserves it.

"I’ve worked with Jake ilang beses na sa mga teleserye.

"And I could say na, you know... he’s really doing his best para lang patunayan sa network at sa mga tao na may ibubuga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pang-ilan na bang Star Awards acting trophy itong napanalunan niya?

"Pang sixth or seventh na yata.

"And it feels the same. Na... I’m very grateful talaga sa PMPC.

"I’m thankful that they gave me this very, very big opportunity to shine.

"Big winner ko si John Regala talaga, e.

"Pero ibinigay sa akin ngayon... At kay Jake! So I’m gonna cherish it.

"And I’m doing my best to really behave and get back to work."

REHAB.Tuloy-tuloy na nga raw ang pagbabagong nasimulan niya.

"Yeah! I’m doing my part as I’m a recovering alcoholic.

"I’m doing my part."

Mahirap na yung yung mga pinagdadaanan niya ngayon?

"Well at first... yes. Pero now, medyo sanay na po ako, e.

"Kumbaga... nagbago na lahat ang mga habits ko."

Pero recently, nakita raw siyang umiinom na naman sa isang bar. At hindi naman ito itinanggi ni Baron.

"Yeah! That’s true.

"A... kasama ko ’yong brother kong si Donnie.

"It’s like a test.

"He [Kuya Donnie] said... okay, you’re with me but hanggang dalawang bote [ng beer] ka lang.

"And hanggang dalawa nga lang. Then I went home.

"And then the next day nag-jogging ako. Kasi there are times na... I feel I have to test myself, e.

"And nagwagi naman ako do’n sa pag-test sa sarili ko.

"And hindi ako magdi-deny diyan."

BOTHERED BY RUMORS. Aminado si Baron na-bother daw siya talaga tungkol sa napabalitang muling pag-iinom niya sa isang bar.

"You know, nakaka-bother lang siya dahil... people make such a big [deal]. Yun lang.

"It bothers me. That’s why I’m testing myself, e.

"And then, mas napu-focus ako na... ’I can’t make a mistake... I can’t make a mistake!’

"Na... I’m thinking. I’m thinking now—in [my]every move, I need to be smart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So... ’yon lang.

NOT AN ISSUE. "Actually hindi naman siya dapat na maging issue, e. You know, I was just hanging out.

"Kumakain lang kami and then parang nagka-ano lang... tiningnan ako ni Donnie na... okay you can have two bottles of beer.

"And that’s it. It shouldn’t be an issue talaga kasi... you know, that’s normal.

"Ang sa akin, ang problema ko ’di ba... kapag nagiging barumbado ako?

"But this time, hindi naman. Nagkaroon ako ng limit... and self-control.

"To test myself rin kung... ’Oy, kaya ko na ba talaga?’

"That’s just normal. Anywhere you go. I’m just like any ordinary human being.

"Nandiyan at nandiyan ’yan, e. Lalo na po sa trabaho natin, e.

"So, sana people won’t judge me. Kung nagawa ko man yun.

"May consent naman ng Kuya ko so I don’t see anything wrong."

Parang may mga taong ang binabantayan at hinihintay ay makagawa ulit siya ng pagkakamali. Ano ang puwede niyang masabi sa mga ito?

"Uhm... thank you! I’m always on my toes. And, uhm... it keeps me alert.

"And mas nagkakaroon ako ng direksiyon dahil sa kanila. So I really thank them."

PEOPLE ARE WATCHING. But does he feel bad na parang pinapalaki ng iba ’yong gano’n ka-simple at kaliit na bagay?

"Hindi po natin sila masisisi. Kasi... ano, e... actually nga dapat hindi na talaga issue, e.

And... let’s celebrate na lang dito sa recognition na ibinigay sa akin ng PMPC."

Maulit pa kaya ’yong gano’ng pag-inom niya ng dalawang boteng beer?

"Uhm... I doubt it. Now, I know that people are really... [watching] me.

"So... I’m really gonna do my best na huwag na."

After ng rehab niya sa pagiging alcoholic, nasimulan na ba niyang ihinto ang paninigarilyo?

"Almost. I’m still smoking. But I’m slaying one dragon at a time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Uhm, well... dati two packs ako. Ngayon... half a pack a day.

"Yeah it’s hard. But... focus lang."

LOVE LIFE. Iwas love life pa rin ba siya? Feeling ba niya ay makaka-distract lang ito sa pinupursigi niyang pagbabago ngayon?

"Oo. Iwas-love life muna."

Napapanindigan naman niya ang ginagawang pagbabago, hindi lang sa sarili, pati sa kanyang pamilya.

"I mean... iyon ang pinaka-importante, e.

"And hindi sila [mga detractors] ang pinapasaya ko, e. It’s my family and myself... And God.

"So... I really don’t owe it to them, e. I owe it to myself and to my family.

"I’m trying to handle it well. It’s a matter of handling it well."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN