(UPDATED) Veteran actor Luis Gonzales dies of pneumonia

Veteran actor Luis Gonzales died last night due to complications of pneumonia. Gonzales and Gloria Romero were a famous love team during the 1950s and starred in over 30 films under Sampaguita Pictures.


Sumakabilang buhay na kagabi, Marso 15, 11:30 p.m. ang beteranong aktor na si Luis Gonzales sanhi ng komplikasyon dahil sa sakit na pneumonia.

Namayapa sa edad na 83, naiwan ni Luis ang kanyang maybahay na si Vina Mercado at tatlong anak.

Si Luis Gonzales ay dating ka-love team ni Gloria Romero nung 1950s sa bakuran ng Sampaguita Pictures.

Nakagawa ng mahigit 30 pelikula sina Gloria at Luis, kabilang na rito ang klasikong Iginuhit ng Tadhana (1965) na hango sa buhay ng kumakandidato pa lang noon para sa pagkapresidente na si Ferdinand Marcos at ang kasunod nitong Pinagbuklod ng Langit (1969).

Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Luis ngayong araw at ibuburol siya sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati. Dito rin ilalagak ang kanyang mga abo sa darating na Linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN