Sid Lucero on surprise birthday party given by girlfriend Bea Lao: "Lumabas ang girlfriend ko sa isang box."

"Naka-outfit siya ng F.A. [flight attendant] na sexy. One of the best birthdays ko. It happened along Katipunan," says Sid Lucero (left) when asked about surprise birthday party given by his drummer girlfriend Bea Lao (right).


Noong Lunes, March 12 ang kaarawan ng aktor na si Sid Lucero, pero Linggo pa lang daw ay na-celebrate na nila ito dahil binigyan siya ng isang surprise party na pinangunahan ng kanyang girlfriend na drummer ng General Luna band na si Bea Lao.

Kuwento nga ni Sid nang makausap namin siya sa MYX Music Awards 2012 sa Music Museum noong Martes, March 13, "It was supposed to be Sunday funday sa group.

"Not everybody kasi gets free days on Saturday, so gumawa sila ng Sunday funday. Akala ko yun lang yun."

"Then a friend of mine called and said, she really needs to talk to me.

"So, sabi ko, ’But it’s Sunday funday.’ Sabi niya, ’I can meet you there if you want.’

"Kasi, seryoso raw. Pagdating ko ro’n, nag-usap kami.

"’Tapos sabi niya, ’Mamaya na natin pag-usapan, pasok muna tayo ro’n at late na.’

"Pagdating ko ro’n, lumabas ang girlfriend ko sa isang box.

"Naka-outfit siya ng F.A. [flight attendant] na sexy. One of the best birthdays ko. It happened along Katipunan."

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish niya?

"I wish that I’ll have more control over my emotions.

"So that my reaction towards people, either stranger or friend or people really close to me, are well thought of before I act.

"So that way, I’ll be a better person."

May problema ba siya sa pagha-handle ng kanyang emosyon?

Ayon naman kay Sid, "Everybody naman. Me naman, I’m extra-emotional.

"So that’s my wish. That I’ll be more in control."

VILLAIN? Nakapagsimula na si Sid sa Legacy at ilang eksena na rin daw ang nagawa niya kasama si Heart Evangelista.

"Sobrang kinakabahan ako noong una. But the thing is, one day pa lang.

"Actually, one scene pa lang. I really feel comfortable already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And usually, nagiging ganoon lang ako kapag sabay kaming mag-start."

Unang pagkakataon lang daw kasi na makatrabaho ni Sid si Heart at gayundin ang pinsan na si Geoff Eigenmann.

"As in, first time. Noong first day ko ro’n, nandoon din si Geoff. As in, nagbanggaan lang kami sa eksena.

"Hindi naman kami nag-hi, hello sa eksena. But when you work with family talaga, I get nervous."

Mero’n siyang ganoong pakiramdam na kapag kapamilya niya ang kaeksena, kinakabahan siya?

"Actually hindi lang sa family pero, kapag first time kong makatrabaho.

"Actually, nang makaeksena ko si Mr. Eddie Garcia, grabe! As in mahimatay-himatay ako.

"Napainom nga ako ng wine na props nila, e. At least last scene na, so, okay lang."

Hindi raw sigurado si Sid kung may love triangle sila sa Legacy nina Geoff at Heart.

Pero ang alam daw niyang sigurado, siya ang kontrabida sa serye at manggugulo sa buhay ng lahat.

Malayo ang karakter niya ngayon sa Legacy sa ginampanan niya sa Amaya bilang si Bagani.

Pero ayon kay Sid, "Sa totoo lang, mas madaling maging antagonist.

"Sa Amaya mahirap naman talaga kahit anong role ang i-play mo.

"Kahit anong character ang i-play mo because of the language.

"But because the people look for a certain kind of something... or for the bida, mas mahirap mag-experiment.

"Or kumbaga, kontrolado lahat ng puwede mong gawin.

"Everything is well thought of. The director says, ’Do this, do that. Try to do this.’

"Siyempre, bida ka this time. Palagi akong nire-remind ni Direk Mac [Alejandre] na, ’Sid hindi ito yung normal self.

"’You have to take care of the character of Bagani talaga.’

"This time it’s more fun because mas malapit siya sa... number one, the way I speak, which is Tagalog and English na sabay. Taglish.

"Sa Amaya, sobrang Tagalog. Para ngang nagwawala ang dila ko ro’n, todo-adlib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero masaya siya. Walang rules, e. At saka, wala siyang masyadong hinihingi masyado from me."

NOMINATION. Isa si Sid sa nominado sa Best Performance by an Actor in a Leading Drama Role sa 9th Golden Screen Awards ng EnPress sa darating na March 24 sa Teatrino, Greenhills para sa indie film niyang Sa Paglipad ng Anghel.

Ayon kay Sid, "I feel really great, the fact that it’s coming from Golden Screen.

"My very first award was from Golden Screen. It’s my very first and every time they give me the honor of being nominated or something like that, I’m reminded that I have to keep on trying to do my best.

"Ayokong lumaylay. It’s a reminder na na-a-appreciate pa rin ang aking work.

"Kasi, sakit yan, e. Once you start doing TV, lumalaylay yung work sa movie. So, it’s a great reminder.

"Dati, malaking bagay siya sa akin. Pareho lang either nomination, winning, pareho lang yun.

"Kapag na-nominate ka, parang nanalo ka na rin.

"But nowadays, it’s more of a reminder that, ’Hey, you have bigger responsibilities now.’

"It’s not just about winning. It’s about doing your best no matter what. Ganoon lang naman talaga yun. "

Sa ngayon, wala pa raw siyang bagong indie film na ginagawa pero may mga scripts na raw siyang binabasa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN