JM de Guzman to portray second Filipino saint, Padre Pedro Calungsod, in indie film

Maganda ang mga nangyayari sa career ni JM de Guzman. Pagkatapos mai-launch ang album niya, nabigyan siya ng pinagbibidahang panghapong serye, Angelito: Batang Ama, sa ABS-CBN. Ang susunod niyang gagawin ay isang indie film tungkol sa buhay ng ikalawang Pilipinong santo, si Padre Pedro Calungsod.


Nakapag-uwi ng isang MYX trophy ang Kapamilya actor na si JM de Guzman para sa kategoryang Favorite Guest Appearance in a Music Video para sa awiting "Ang Pangarap Lang Kita" ng Parokya ni Edgar.

Hindi pa man niya natatanggap ang tropeo at bago nagsimula ang awards night ay nagpahayag na sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kasiyahan si JM sa kanyang nominasyon.

"Siyempre, proud, una pa lang. Actually, noong kinuha pa lang ako sa music video ng Parokya, sabi ko, ’Bro, habang-buhay na ’to.’

"Parang part ako ng music video ng Parokya.

"Tapos nagka-ganito pa. Parang mas prouder lang.

"Sana next time, kanta ko naman ang mapansin."

ACTING CAREER. Kung tutuusin, maganda ang mga nangyayari sa career ni JM. Katunayan, pagkatapos mai-launch ang self-titled album niya, nabigyan siya ng pinagbibidahang panghapong serye, ang Angelito: Batang Ama.

"Siyempre grateful pa rin po and thankful.

"Bihira pong mabigyan ng ganito kalaking opportunity and blessing ang isang tao.

"At the same time, kung gaano po siya kabilis at karami, ganoon din po ang pressure at responsibilidad na naibigay sa akin.

"So, hayun, kailangan ko rin pong seryosohin at mag-focus.

"At the same time, have fun."

LESSONS LEARNED. Tinanong namin si JM kung ano ang mga nakita niyang pagbabago o naibigay na pagbabago sa kanya simula nang magbida siya sa isang malaking project tulad ng Angelito.

"Simula nang gampanan ko ang Angelito, [natutunan ko] kung paano po paninindigan ang mahal ninyo sa buhay.

"Through thick and thin, para lang sa mahal mo sa buhay, hindi ka susuko."

Nagkaroon ba siya ng takot na maging batang ama?

"Sa totoong buhay? Siyempre naman!

"Kung ako ang tatanungin, kung ready na... ready na ako... mag-a-anak na ako para maabutan ko siya.

"Pero, hindi rin ako nagmamadali—ipon muna, focus muna."

INDIE FILM. Masasabing nagsimula si JM sa mga indie films bago siya nabigyan ng pagkakataon sa mainstream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman ang indie raw ang isa sa hindi niya talaga maiiwan.

In fact, may bago siyang indie movie na sisimulan.

Ito ay ang pagsasa-pelikula ng buhay ni Padre Pedro Calungsod, ang nakatakdang i-canonize sa Rome na ikalawang Pilipinong santo.

"Gagawin pa lang po namin at naka-plan siya na maipalabas bago mag-October."

"Yun ang mga gusto ko po. Kapag mga role na ganito tapos malayo ang next.

"Ito, ibang henerasyon siya—tatlong dialect, bagong character, bagong surrounding, bagong setting. So, excited po.

PREPARING FOR THE ROLE. May mga ginagawa na ba siyang preparasyon para sa papel na Padre Pedro Calungsod?

"Well, unang-una po, kailangan ko pong makuha kaagad ang materyal from Sir Francis [Villacorta].

"Actually, excited na ako. Pinakita na niya sa akin.

"Pinaghirapan daw talaga niya ang script. Yung back story ng character."

Nag-research din ba siya sa buhay ni Padre Calungsod?

"Opo. As much as I can. Pero yung sa kanya pa rin po ang gusto kong panghawakan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN