Anne Curtis says Angel Locsin winning Best Actress is "well-deserved"; explains decision to leave ASAP

ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg">

ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg">

"Hindi, kasi yun na lang ang free day ko. So, pinili ko na lang na ayoko nang gumising ng 9:00 a.m. every day," says Anne Curtis on why she left the Sunday musical-variety show ASAP.


Walang dudang nasa peak ngayon ng kanyang career si Anne Curtis dahil maya’t maya ay commercials niya ang lumalabas sa TV, nakabalandra rin sa major thoroughfares ang billboard ads niya, at araw-araw ang exposure niya sa noontime show ng ABS-CBN na Showtime.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tinaguriang "Concert Sweetheart" matapos ang presscon proper para sa Sealed with A Kiss campaign ng Cherry Mobile, na ginanap sa Events Place sa Quezon City noong March 15, sinabi nitong hindi siya nag-aalala sa overexposure.

"Hindi naman. I’m 27, grab everything na, di ba?" masaya niyang bulalas.

"I’ve been in the industry for 15 years, so you know, I took everything slowly and finally everything is falling into place.

"So, bakit mo itatanggi ang mga blessings na dumarating sa iyo lalo na if you can use it in a way to pay it forward?"

Ramdam niya siyempre ang parang walang katapusang dating blessings.

"At happy naman ako," tugon niya agad.

"Happy ako sa lahat ng mga blessings na dumadating.

"You know, five years ago, these are the things that I would be praying about.

"And now they’re here, I’m just really, really grateful."

ONE OF THE RICHEST CELEBS? Isa na nga ba siya sa pinakamayamang artista ngayon?

"Hindi naman. Hindi naman," nakangit niyang tanggi.

Sobra kasi siyang busy at active sa showbiz.

"Sobrang busy, busy, sobrang active, sobrang pagod.

"Pero no complaints. Ginusto ko ito, di ba? Sobrang happy lang."

Maayos at tahimik din ang lovelife niya?

"Oo, masaya. Masaya ako!

"You know, 2011 was an amazing year for me... 2012 is looking great. It’s amazing."

THE RIGHT MAN? Hindi kaya siya nagtatrabaho nang husto dahil nagpaplano na siyang magpakasal sa kasintahang si Erwan Heussaff?

"Walang plano. Ayoko ngang planuhin yun,di ba?

"But you know, if it’s the right time and if it’s the right person... and if I know that I’m ready and responsible enough to handle that, why not?" sabi ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa ba si Erwan ang right person for her?

"Ay, ayoko ngang mag-claim ng ganyan dahil masakit ’pag hindi nangyari, di ba? Alam natin ’yan.

"So, right now, I’m happy with the right things going."

Paano niya naisisingit ang lovelife sa dami ng kanyang ginagawa?

"Uhm, umi-effort. Kailangan ninyong gumawa ng way kahit paano.

"It if means he visits me or i-effort ko na hindi magwu-work ng Sunday... talagang Sunday yung free day!" natatawang sabi ni Anne.

Kung ganoon ay baka dapat ngang sabihin ni Anne that Erwan is the right person at this moment?

"Everything is falling into place in all aspect of my life and I’m very, very happy," sambit ng Kapamilya actress.

SEXY FULL LIPS. Hindi raw naisip ni Anne na pakikinabangan niya ang kanyang "full and sexy lips" dahil ito ang napansin ng bago niyang ineendorsong produkto.

"Hindi talaga, alam mo yun?

"Actually, it was something my dad used to tease me about—Lubra lips!" pagbanggit niya sa tawag ng mga Australyano sa malaki o large lips.

"Lubra lips ang tawag niya sa akin nung bagets ako. Kasi malaki.

"So, it was something that he used to tease me about when I was in primary school... when I was in grade school.

"Pero ngayon, dad look at me na!" proud niyang sabi.

"Dati naku-concious ako," pagpapatunay naman niyang sabi sa kung ano ang naramdaman niya sa pagkakaroon ng makapal na labi habang lumalaki siya.

"But thank you Angelina Jolie. I want to thank you for paving the way for us," banggit niya sa Hollywood actress na may makapal ding labi.

Wala ba siyang inilalagay sa kanyang mga labi gaya ng ibang celebrities na nagpapa-inject para kumapal ang lips?

"Oo, all-natural. Kahit tingnan mo pa yung mga sinauna kong mga pictures nung kakapasok ko pa lang sa showbiz, etong-eto na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya inisip na ipa-insure ang kanyang lips?

"Parang dapat lang!" birong tugon ni Anne.

"Pero parang hindi naman... kasi hindi naman uso yun dito.

"Only in the... parang sa Hollywood people na ipina-insure, may mga copy right na nagaganap.

"Although, alam mo, nakakatuwa kasi may mga lumalapit na sa aking mga brands na they want to do something with my kissmark.

"Which is nakaka-flatter na nagiging trademark na siya."

Nabalita noon na maglalabas siya ng lipstick line ngayong 2012. Ano na ang nangyari sa planong ito?

"Dapat, pero may isa pa akong... basta abangan ninyo na lang ’yan this year," bitin niyang sabi.

ANNEBISYOSA. Abala si Anne sa paghahanda para sa concert tour ng ng Annebisyosa: No Other Concert World Tour.

Unang destinasyon niya ay sa Cebu City sa March 23 at ang susunod daw ay sa Middle East.

Kina-career na ba niya ang pagiging "concert artist"?

"Hindi talaga. Sabi ko nga kay Boss Vic [del Rosario], ’After ha, ayoko na.’

"Ayoko na kasi masaya siya na nangyari once and that was the pinakabongga for me.

"Ngayon, may Cebu. I want to do it kasi may mga hindi nakarating... sa ibang probinsiya na hindi nakarating, nagtu-tweet na, ’Punta naman kayo dito.’

"Natutuwa ako dahil maraming [tweets], may Davao, may Bacolod.

"Sabi ko, ’Taray naman, pasok pa rin ako.’ I wanna do it for them also.

"Pero kung uulitin uli, parang hindi ko na kaya. Nakakapagod siya.

"Pagod na pagod ako nung night na yun," pagpapatunay niya.

HAPPY FOR ANGEL LOCSIN. Tungkol naman sa best actress trophy na hindi nakuha ni Anne sa nakaraang 28th Star Awards for Movies, tanggap naman daw nitong para sa kaibigang si Angel Locsin ang award.

Nanalo si Angel para sa pagganap niya sa In The Name of Love, samantalang nominado naman si Anne para sa No Other Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

"I said naman and I must admit naman na it was a well-deserved award for Angel.

"And I watched the film. It’s a superb film kaya deserving talaga siya...

"It was well-deserved kaya walang hard feelings.

"Ano ba ’yan, kaibigan ko si Angel kaya I was happy for her," sabi ni Anne.

Nagkita pa nga raw sila ni Angel sa backstage matapos nitong tanggapin ang award.

"Oo! Nagsu-sorry pa nga siya. Sabi ko, ’Para kang ano? Bakit ka nagsu-sorry sa akin?’

"Sabi ko, ’Congratulations Gel. It was a well-deserved award kaya walang hard feelings.’"

BYE ASAP! Ngayong nalalapit na ang Mahal na Araw, hindi makapagplano si Anne sa kung saan niya gustong i-spend ang bakasyon niya.

"Depende yun sa Showtime kung hanggang kailan kami live.

"But I wanna go to the beach. I just don’t know where dahil live ang Showtime. Siguro within the Philippines."

Biniro namin si Anne kung gusto pa ba niyang mag-production number na naka-two-piece swimsuit.

Matatandaang naging controversial si Anne two years ago nang mahubad ang kanyang pang-itaas na swimwear habang sumasayaw sa ASAP.

"Huwag na tayong bumalik doon," nakangiting sabi ni Anne.

"Huwag na tayong bumalik sa mga ganun. Tapos na ako sa dance number.

"Hindi nyo ba napapansin na hindi na ako nag-a-ASAP?

"Hindi, kasi yun na lang ang free day ko. So, pinili ko na lang na ayoko nang gumising ng 9:00 a.m. every day. Ibigay na lang sa akin yung Sunday."

ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg">


ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg"> ASAP" data-url="https://www.pep.ph/news/33414/anne-curtis-says-angel-locsin-winning-best-actress-is-well-deserved-explains-decision-to-leave-asap" data-desc="The Concert Sweetheart dismisses intrigues about Angel Locsin winning best actress over her." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/310ec95e5.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN