Sharon Cuneta expresses desire to resolve rift with Sotto family

Matagal nang napabalita na sumama umano ang loob ni Sharon Cuneta (main photo) nang hindi suportahan ni Senator Tito Sotto (left, inset) ang kandidatura ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan para maging Senate President. Si Tito Sotto ay asawa ni Helen Gamboa (right, inset) na tiyahin ni Sharon, at si Kiko Pangilinan naman ay asawa ni Sharon.


"My prayer is, since nailabas ko na rin ang niloloob ko, sana di na magtagal ang hidwaang pamilya. Sana malagpasan namin ang pagsubok na ito na nakakahiya."

Ito ang kontrobersiyal na pahayag ni Sharon Cuneta sa social networking na Twitter ngayong gabi, March 16.

Senyales ng pahayag na ito na hindi pa nga tapos ang hidwaan sa pagitan ng pamilya ni Sharon at ng kanyang tiyahin na si Helen Gamboa.

Nabuhay ang kontrobersiyang ito noong mga nakaraang araw dahil sa mga panayam nina Sharon at Helen na nalathala sa Philippine Star.

Si Sharon ay anak ni Elaine Gamboa-Cuneta, na kapatid ng beteranang aktres na si Helen.

Matagal nang napabalita na sumama umano ang loob ni Sharon nang hindi suportahan ni Senator Tito Sotto ang kandidatura ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan para maging Senate President.

Si Tito Sotto ay asawa ni Helen, at si Kiko Pangilinan naman ay asawa ni Sharon.

Noong 2010 naganap ang pagnanais ni Senator Kiko na maging Senate President. Ngunit hindi siya ang sinuportahan ni Senator Tito kundi si Senator Juan Ponce Enrile, na Senate President pa rin hanggang ngayon.

Dahil daw rito ay sumama ang loob ni Sharon sa kanyang tito. Sa isang panayam para sa 24 Oras, binanggit ng Megastar na mas nasaktan siya dahil kapamilya niya ang actor-turned-politician.

"Kasi parang mayroon ng 11 [senators] na naniniwala sa asawa ko, na ready to support. Ang alam ko meron lang ibang dahilan kung bakit hindi siya masu-support ng uncle Tito ko.

"Masakit lang sa ’kin kasi kung sino pa yung malapit na malapit, magkakamag-anak, we’re family, so parang pati family hindi dapat nai-involve. As much as possible ayokong ma-involve," saad ng Megastar.

Pahayag naman ni Senator Sotto, nagkausap na sila ng kanyang pamangkin.

"Binanggit ko nga na mayroon akong mga kausap dati at may mga kaibigan ako na tumulong sa akin dati na hindi ko naman basta puwedeng talikuran," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito ay wala nang narinig ang publiko tungkol sa tampuhang ito.

ISSUE NOT OVER. Ngunit hindi pa pala tapos ang isyu. Nagulat ang marami nang magbigay si Sharon ng pahayag na naging senyales na hindi pa naresolba ang sigalot, sa isang panayam sa nasabing pahayagan, na inilathala noong March 11.

Sa kolum ni Wilson Lee Flores sa lifestyle section ng nasabing broadsheet ay ibinigay ni Sharon ang kanyang mga opinyon tungkol sa pulitika sa Pilipinas.

Isa sa mga nabanggit niya ay ang kakayahan ng pulitika na sirain ang mga pamilya.

Nang tanungin si Sharon kung ang alitan nina Senator Sotto at Senator Pangilinan ang kanyang pinatutungkulan, sinabi niyang, "Yes, politics does divide families, like when my uncle says something bad about Kiko, you don’t understand why..."

Nabigyan lalo ng kulay ang maikling pahayag ni Sharon nang si Helen naman ang magbigay ng panayam sa parehong diyaryo.

Sa kolum ni Ricky Lo na nalathala noong March 14, sinabi ni Helen na nagulat siya sa mga sinabi ng pamangkin. Naluluha pa umano si Helen habang nagbibigay ng sariling pahayag.

Saad niya, "Tito also read the article. He said, ’Oh my God, you know me. I never say anything bad about or against a person.’

"I know that Tito never said anything bad about Kiko or against Kiko, and God is our witness."

Kuwento ni Helen, kaya raw hindi sinuportahan ni Senator Tito si Senator Kiko ay dahil may utang na loob siya sa mga tumulong sa kanyang kampanya sa pagka-senador noong 2010 elections.

Ayon pa kay Helen, maayos namang naipaliwanag ni Senator Tito ang kanyang posisyon kay Sharon, kaya’t alam niyang nagkaayos na sila ng pamangkin.

Pahayag niya, "When they were electing the Senate President, nag-request sina Sharon at Kiko na bumoto si Tito kay Kiko.

"But Tito couldn’t do that because of his commitment to those who helped him during the campaign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He explained that to Sharon. I thought Sharon understood the whole thing; I thought there was closure already.

"Imagine how surprised I was when I saw Sharon on TV [in 2010] saying na masama ang loob niya sa Uncle Tito niya dahil hindi niya sinuportahan si Kiko.

"Look, Tito was only one vote; Tito’s vote was not the decisive factor para manalo si Kiko.

"Ang importante ay yung boto kay Kiko ng mga kapartido niya. That’s the way I understood it ha?

"Ako, never do I meddle in my husband’s political career, kaya nagulat ako kay Sharon. Bakit siya nagka-ganun?"

Dalawang taon nang hindi nag-uusap ang mag-tiyahin mula nang mangyari ang insidente noong 2010.

Dahil daw sa bagong pahayag ni Sharon na nailathala sa kolum ni Floresnoong March 11, ay sumama na ang loob ni Helen.

"Just because I’m saying this doesn’t mean I don’t love her anymore.

"Hanggang mamatay ako, hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanya.

"Kaya lang siyempre, sumasama ang loob ko.

"I feel that it is not right na ang pamangkin ko ay masyadong matayog.

"I could feel that she’s so unreachable. Hindi ko na siya maabot," saad niya.

SHARON TWEETS. At matapos ang dalawang araw ay nagsaad na muli ng saloobin si Sharon sa kanyang Twitter account na @sharon_cuneta12.

Sa dalawang magkasunod na tweet ay ipinahiwatig ni Sharon na nais na niyang matapos ang hidwaang ito.

"My prayer is since nailabas ko na rin ang niloloob ko, sana di na magtagal ang hidwaang pamilya.

"Sana malagpasan namin ang pagsubok na ito na nakakahiya," saad niya sa unang tweet.

Dagdag niya, "Man, napa-publiko pa. For now, just like yesterday and the other day, I am so fine and at peace, because my conscience is clear and God knows the truth!"

Ngunit hindi naman malinaw kung nakausap na ni Sharon sina Helen at Senator Tito, o sa Twitter niya lamang ipinahiwatig ang nais na makipag-ayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP na ilathala ang mga ipapaabot na mga pahayag ng mga personalidad sa istoryang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN