Epy Quizon on dad Dolphy’s health condition: "He’s sickly... Marami nang this and that na kumplikasyon, pero madalas talaga yung pneumonia."

"Sa mga taong nag-worry talaga, of course your prayers keep my father strong and I appreciate it—the family appreciates that. A million thanks to the people who share their prayers kasi yun talaga ang nagbibigay lakas sa tatay ko. Kaya tingnan ninyo ngayon, okay na naman siya, wala na naman siya sa hospital," says Epi Quizon.


Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang totoong kalagayan ng kalusugan ng Comedy King na si Dolphy.

Dahil dito, hindi maiwasan ang pag-alala ng mga tagahanga at maging ng mga nasa showbiz industry para sa Comedy King.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga anak ni Dolphy na si Jeffrey "Epi" Quizon, sa nakaraang 28th Star Awards for Movies, ay agad naming kinumusta ang kalusugan ng kanyang ama.

"Wala siya sa hospital, nasa bahay siya ngayon," bungad ng aktor.

"Na-confine siya pero hindi kami nagpapabisita ng ganun karami. Piling-pili lang ang mga taong pumapasok.

"And we really have to sterilize ourselves. Saka siyempre yung may mga sipon, umiiwas na muna."

Sinubukan din namin tanungin kay Epi kung ano eksakto ang karamdaman ni Mang Dolphy, ngunit sinabi nito mas mabuti kung ang kanyang kuya na si Eric Quizon at longtime partner ng ama na si Zsa Zsa Padilla na lamang ang tanungin tungkol dito.

Paliwanag niya, "I’m not in any position to say anything, but he’s sickly, he’s 83 years old.

"Marami nang this and that na kumplikasyon, pero madalas talaga yung pneumonia.

"Yung pneumonia ang madali niyang makuha na simpleng sipon sa atin, pero full-blown pneumonia sa kanya."

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Epi sa mga taong nag-aalala at nagdarasal para sa kaligtasan ng Comedy King.

"Ako, sa mga taong nag-worry talaga, of course your prayers keep my father strong and I appreciate it—the family appreciates that.

"A million thanks to the people who share their prayers kasi yun talaga ang nagbibigay lakas sa tatay ko.

"Kaya tingnan ninyo ngayon, okay na naman siya, wala na naman siya sa hospital.

"Of course, ’pag nasa hospital siya, kinakabahan kami, di ba? Kasi 83 years old na siya.

"Sana kung 38 years old siya, pneumonia na ’yan, kaya niya ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero he is 83, hindi na rin siya ganun kabata para hindi niya indahin yung pneumonia na ganun."

STOP WORKING. Huminto na sa pagtatrabaho si Dolphy dahil sa kalagayan ng kalusugan nito. Para kay Epi, tama lang naman na tumigil na ang ama kahit alam na alam niyang mahal nito ang pag-arte.

"Well, like ako, isa na ako sa mga papalag ’pag nagtrabaho pa siya. Isa na ako sa mgasasabing tama na.

"But of course, I will still invite him to... ’Lika dad, balik tayo sa trabaho.’

"I will still give him that second wind kasi, di ba, yun ang talagang nami-miss niya—yung pagtatrabaho, yung nasa harap siya ng kamera?"


ZSA ZSA PADILLA. Sa hiwalay na panayam naman kay Zsa Zsa Padilla, sinabi nito na kinokontrol niya ang emosyon kapag kaharap si Dolphy, pero may mga pagkakataon na kumakawala pa rin ito.

Ayon kay Epi, sobra niyang sinasaladuhan ang kanyang stepmother dahil nakita niya kung gaano nito kamahal at inaalagaan ang ama.

Sabi pa ng aktor, "Hindi naman talaga ako nagpapakita ng emosyon, secretive talaga ako when it comes to my emotions.

"Of course, si Zsa Zsa actually is the forefront of taking care of my dad when he is sick.

"Minsan siyempre lumalabas lang talaga yung emosyon niya.

"Ako, I salute Zsa Zsa, you would know how she loves my dad talaga, makikita mo talaga kung paano niya minamahal ang tatay ko.

"She’s always been there. I really salute Zsa Zsa for always being there for my dad."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN