Geneva Cruz files for divorce from KC Montero; returns to recording after 10 years

Geneva Cruz on filing for divorce: "It’s better na may proper documents kami kesa naman magkagulo pa kami in the future. ’Tsaka para na rin maayos na namin ang mga personal naming buhay. We both want to be happy naman with our personal lives. Kaya kailangan maayos na namin agad ’yong divorce namin sa U.S. But we will still stay as good friends and my son Heaven will always look up to KC as his dad. Mahal na mahal siya ng anak ko and hi


Hindi napigilan ni Geneva Cruz na mapaluha nang pumirma siya ng exclusive contract para sa GMA Records noong March 12 sa 17th floor ng GMA Network Building.

Inamin ni Geneva sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na very emotional siya noong araw na iyon dahil bumalik sa kanyang alaala ang matagal nang yumaong si Ms. Bella Tan ng Universal Records.

Si Bella Tan ang dating managing director ng Universal Records at nag-alaga kay Geneva noong kumalas ang singer-actress sa grupong Smokey Mountain para magkaroon ng solo singing career.

Sumakabilang-buhay si Bella Tan noong April 25, 2005 dahil sa sakit na cancer.

Kuwento ni Geneva, sobra siyang inalagaan ng kanyang Tita Bella noong nagsimula siya bilang solo singer. Ito raw ang nagtatanggol sa kanya kapag meron siyang mga intriga at problema.

Kaya naging very loyal daw siya sa Universal Records dahil sa pag-aalaga ng kumpanya sa kanya.

Sabi ng singer-actress, "The last album I did was in 2002 pa.

"When Tita Bella passed away in 2005, masyado akong naapektuhan kaya never akong nag-record na ulit ng bagong album after that.

"I really stayed loyal to Universal Records kahit wala na si Tita Bella.

"Feeling ko kasi, I will never be loved and be taken cared of like what Tita Bella did to me when she was still alive. Lahat ng pagmamahal ay ibinigay niya sa akin.

"When she passed away, sobra akong nasaktan. Kaya I stopped doing albums since then.

"Ngayon lang ako nagbabalik sa recording after 10 years.

"Siguro nga it’s time to start a new chapter sa recording career ko. And I’d like to thank GMA Records for signing me up."

Tapos na raw ang pag-record ni Geneva ng mga kanta sa album niya at ire-release na lang ito ng GMA Records. Mamimili pa raw sila ng magandang carrier single.

Ayon kay Geneva, "Most of the songs, sinulat ko and I was really inspired doing all those songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya I can’t wait for it to be released at marinig na ulit ang songs ko sa radio."

KC MONTERO. Dagdag pa na kuwento ni Geneva, dahil sa tinatapos niyang album ang isa sa dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang relasyon nila ng kanyang estranged husband na si KC Montero.

Aniya, "Masyado akong naging focus sa pagbalik sa recording and KC didn’t understand that.

"He wanted us to have a quiet life in the U.S. pero paalis-alis nga ako. I was flying back to Manila for the recording ’tapos babalik ako doon.

"Gano’n ang nangyayari sa amin.

"KC was very supportive naman, but he wanted me na mamirmihan na lang doon [U.S.] to start our family.

"Masyado kaming nagkakagulo na and it eventually led to this separation.

"Pero kahit na ganito ang nangyari, KC is still there for me. He listened to my recordings and he liked it.

"KC will always be my best friend and my worst critic. Kapag sinabi niyang hindi maganda ito, makikinig naman ako sa kanya."

DIVORCE. Ibinalita rin ni Geneva na inaayos na nila ni KC ang divorce nila. Nagiging very cooperative naman daw si KC dahil kailangan na nilang maayos ang lahat para maging malaya na silang dalawa.

"It’s better na may proper documents kami kesa naman magkagulo pa kami in the future.

"’Tsaka para na rin maayos na namin ang mga personal naming buhay.

"We both want to be happy naman with our personal lives. Kaya kailangan maayos na namin agad ’yong divorce namin sa U.S.

"But we will still stay as good friends and my son Heaven will always look up to KC as his dad.

"Mahal na mahal siya ng anak ko and hindi magbabago ’yon kahit na divorce na kami ni KC."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW LOVE? May kinalaman ba ang pagkaka-link ni KC ngayon kay Rhian Ramos kaya gusto na nilang maayos ang kanilang divorce?

May balita ring may masugid na manliligaw si Geneva ngayon na handa siyang pakasalan basta maayos lang ang divorce nito kay KC.

Sabi naman ni Geneva. "I heard about that thing with KC and Rhian. I’m not really sure about it kasi may nagsabi lang sa akin.

"I guess it’s okay. Wala namang problema sa akin. KC has the right to do his own thing now.

"Like what I said, may mga personal na kaming mga buhay ngayon and gusto naming maging happy.

"Tungkol naman sa sinasabi nilang suitor—actually suitors!" sabay tawa ni Gen.

"Oo naman, may mga manliligaw. May mga nagpaparamdam sa atin.

"But I rarely go out on dates. Matagal na yung huling date ko at group date pa iyon.

"Wala pa naman akong sineseryoso sa mga manliligaw. I am still focused on my career now.

"Regarding sa pagpapakasal ulit, hindi pa.

"I still have to fix itong sa amin ni KC, magpapakasal na ulit ako? Parang hindi naman tama.

"Kapag maayos na ang lahat, siguro doon na ako puwedeng mag-date ulit na walang mga kasama. I just want things to be in its proper place," pagtatapos ni Geneva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN