Erich Gonzales reveals dating a non-showbiz guy

"Basta I wanna make sure na when I enter into a relationship like ready na ako—physically, emotionally, and mentally talaga," says Erich Gonzales.


"Meron po... I’m dating a non-showbiz guy po," pagbubunyag ni Erich Gonzales nang tanungin kung may update ba sa kanyang lovelife.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa launching niya bilang bagong endorser ng Olympus camera sa SM Mall of Asia noong Sabado, March 17.

Patuloy pa ng young actress, "Dating... nanliligaw... gano’n-gano’n lang muna.

"Saka na ’yong [relasyon].

"Basta ganito sana lang muna, friends-friends lang, gano’n."

Pero ready na nga bang pumasok sa isang relasyon ang Kapamilya star?

"Basta I wanna make sure na when I enter into a relationship, like ready na ako—physically, emotionally, and mentally talaga.

"And I don’t wanna be unfair naman sa taong ’yon, di ba?

"Right now, I’m very busy and... kasi it’s important kasi yung time, di ba?

"So right now, wala masyadong time, so huwag muna.

"Ayoko naman na magpaasa or magpa-ano ng... magpahintay ng tao.

"So, enjoy lang," saad niya.

Dahil nga isang showbiz personality si Erich, naiintindihan naman daw ng non-showbiz guy na idine-date niya ngayon ang kanyang trabaho.

Pero tumangging magbigay ng iba pang detalye ang Star Magic talent kung paano sila nagkakilala ng lalaking tinutukoy niya.

"’Yon lang po muna for now ang mase-share ko," nakangiting sabi niya.

UPCOMING PROJECTS. Natapos na ang soap opera ni Erich katambal si Enchong Dee, ang Maria La del Barrio.

Pagkatapos nito ay nagkaroon din ng pelikula si Erich kung saan katambal naman niya ang hunk actor na si Derek Ramsay—ang Corazon, Ang Unang Aswang.

Ano ang susunod niyang proyekto pagkatapos nito?

"We’ll shoot na ’yong Suddenly It’s Magic with Mario Maurer naman in Thailand and here in the Philippines din," pagbabalita ni Erich.

Kailan ang simula ng shooting ng pelikula ng Thai heartthrob?

"Next month. Tatapusin lang yung Star Magic Tour and then magpe-prepare na for the movie and then magro-roll na kami!" masaya niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN