Charice settles rift with her Lola Tess; singer’s grandmom says, "Happy yung apo ko ngayon dahil alam niyang hindi na ako galit."

Charice Pempengco’s Lola Tess Relucio appeals to Charice’s detractors to just accept her granddaughter’s style choices. She says, "Tingnan mo yung mga ibang singers sa ibang bansa, tingnan mo si Lady Gaga, anong itsura, di ba?"


Lalong tumibay ngayon ang suporta ng maternal grandmother ni Charice Pempengco na si Tess Relucio dahil humupa na ang matinding sama ng loob nito noon sa ina ni Charice na si Racquel Pempengco.

Sa taped interview ng Showbiz Central kay Lola Tess kahapon, March 18, ipinaabot nito ng kanyang kagalakan sa pag-aayos nila.

Maaalalang nagkaroon ng samaan ng loob ang mag-iina sa hindi pagkakaintindihan sa kanilang mga desisyon.

Ayon kay Lola Tess, "Masaya na ako. Si Racquel, kinupkop niya ang mga kapatid niya, [pati] ang tatay niya.

"Ako minsan, pinasusundo niya ako dito, gusto raw niya kasi na magpahinga na ako sa pananahi, e.

"Pero ako lang kasi ang ayaw.

"Hinahanap ng katawan ko itong ganitong kumikita ako ng sarili ko."

Dagdag pa niya, "Happy... happy yung apo ko ngayon dahil alam niyang hindi na ako galit.

"Kahit nasa Amerika pa, binilbilhan niya ako ng damit.

"Binili niya ako ng isang van, yung anak kong pangalawa ang nagda-drive.

"Nung January dinala dito."

NEW LOOK. Samantala, mistulang ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Charice tungkol sa kanyang "new look" ang isa sa naging dahilan ng pagkakaayos nila ng kanyang Lola Tess dahil sa gitna nito, dinipensahan niya ang kanyang apo.

"Bagay! Oo, gusto ko yun, ’wag lang maraming tattoo anak, ha?" paglalambing pa niya sa apo.

"Yung iba napangitan, hindi ko sila iniintindi!

"Nung panahong bago pa lang siyang sumisikat, pinipintasan tungkol sa pag-i-Ingles niya... ganito... ganoon.

"E, sino bang tao ang hindi nagsimula sa walang alam?

"Tingnan mo yung mga ibang singers sa ibang bansa, tingnan mo si Lady Gaga, anong hitsura? Di ba?

"Huwag na lang nilang pintasan yung apo ko, huwag na lang kasi dapat din niyang maranasan yun.

"Tsaka yung pagtotomboy-tomboy na sinasabi nilang ’yan, hindi ko iniintindi yun.

"Saka si Racquel noon, babara-barako ’yan!

"May karapatan siya [Charice] na gawin ang anumang gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman ang gusto niya, iyon ang alam niyang gusto niya sa sarili niya.

"Mahalin ninyo sana siya kung ano siya ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN