Former child star BJ Forbes "upgrades" his image for showbiz comeback

BJ Forbes, or more popularly know as Tolits, "upgrades" his image as he will be seen regularly in TV5’s upcoming Sunday variety show, Sunday Funday.


Regular nang mapapanood sa telebisiyon ang child star na si BJ Forbes, na mas kilala sa tawag na Tolits.

Unang nakilala si BJ nang sumali siya sa contest ng Eat Bulaga! na "That’s My Boy" bagamat hindi siya nanalo.

Sumali rin siya sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Kids ngunit hindi rin siya pinalad na makasama sa finalists.

Ngunit mas nakilala si BJ nang lumabas siya sa commercial ng isang laundry soap kunsaan Tolits ang naging pangalan niya.

Dahil dito ay kinuha siya ng Eat Bulaga! at nakilala dahil sa kanyang talento sa pagsayaw.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BJ noong Marso 16, sa set ng upcoming variety show ng TV5 na Sunday Funday sa Splash Island sa Biñan, Laguna.

Nilinaw sa amin ni BJ, 14 years old, na bagamat hindi siya masyadong napapanood sa telebisyon ay hindi naman talaga raw niya nilisan ang showbiz.

Naging abala raw siya sa mga guest appearances tulad sa Untold Stories at Pidol’s Wonderland, at gayundin sa kanyang pag-aaral bilang 1st year high school student sa Angelicum College.

SUNDAY FUNDAY. Ang Sunday Funday ang magiging regular show ni BJ.

"Siyempre, I’m so happy," masiglang sagot ni BJ nang tanungin ang kanyang reaksiyon sa bagong show niya sa Kapatid network.

"Siyempre ito po ang passion ko, e, ’tas nare-recognize pa rin ako nga mga tao kahit paano po.

"’Tapos nagka-interest pa rin po ang TV5 na kunin ako sa ganitong klase ng show po, so very thankful po."

UPGRADING HIS IMAGE. Gayunman, hindi na raw ang dating BJ ang mapapanood ng mga tao dahil plano raw niyang i-"upgrade" ang kanyang image.

"Hindi ko po aalisin ’yong dati ko pong image," paglilinaw niya.

"Kasi siyempre po sayang naman po ’yong pinaghirapan ko dati.

"So, siguro po magsasayaw pa rin ako, pero may click na iba na ang gagawin ko, gano’n po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos dito po may segment po ako na tinatawag po na ’Tolits Reports,’ na kapag may mga events, ako po nagho-host, nag-i-interview po ako ng mga tao.

"So, dati ko pa po ’yon ginagawa, pero mas mae-enhance po dito ’yong hosting abilities ko."

TOLITS THE SINGER. Samantala, nabanggit din ni BJ sa amin na gusto rin niyang makilala dahil sa kanyang talento sa pag-awit.

Sa katunayan, miyembro siya ng isang banda sa kanilang eskuwelahan, ang JITS na ang ibig sabihin ay Jesus Is The Savior.

"Tumutugtog po kami ng Christian songs, pero once pa lang po kami sumali sa Battle of the Bands sa SM.

"So, ’yon, gusto ko din po makilala as a band member para hindi lang po ako sa pagda-dance, makilala din po sa acting, gano’n po."

Bukod sa Christian songs, marunong din daw tumugtog ng RnB at pop songs si BJ gamit ang gitara at drums.

Kaya naman ang mensahe niya sa kanyang mga tagahanga: "Ang makikita po nila [sa Sunday Funday] hindi na ’yong bagets-bagets, na kumbaga niloloko-loko lang.

"Makikita po nila dito ’yong tunay na ako.

"Dito naman may mga characters po kami na sari-sarili, pero kung ano po ’yong character namin sa tunay na buhay, ’yon din po ’yong makikita ng tao.

"So ’yon po, makikita nila ’yong personality ko, ’yong totoong BJ at makikita nila ’yong mas marami kong talents, makikita nila ’yong mga skills ko, pakikisama ko sa ibang tao, ’yon po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN