Bianca King plans to pursue directing after Broken Vow; hopes to host dance show or direct an MTV

Bianca King on turning 27: "Ito na ang pinakamasaya kong birthday. Kasi okey ang takbo ng buhay ko at maayos lahat. Maraming blessings na dumating sa akin talaga."


Sumakto mismo ang 27th birthday ni Bianca King sa birthday celebration ng mga Kapuso Stars sa Party Pilipinas kahapon, March 18.

Kasabay niyang nagdiwang ng kaarawan sa musical-variety show ng GMA-7 sina Jaya, Aljur Abrenica, Geoff Eigenmann, at Rocco Nacino.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa Studio 7 ng GMA Network Center, tinanong namin siya kung ano plano niya pagkatapos ng celebration sa show.

"Wala akong anumang plano para sa birthday ko," sagot ng young actress.

"Ano lang... gusto ko lang magpahinga, kumuha ng sapat na tulog.

"Kasi sobrang hectic ang schedule ko lately.

"So, makatulog lang ako nang maayos, masaya na ako.

"Wala naman akong ini-expect na gift o anuman.

"Pero masaya talaga ako ngayon.

"Ito na ang pinakamasaya kong birthday.

"Kasi okey ang takbo ng buhay ko at maayos lahat.

"Maraming blessings na dumating sa akin talaga."

DANCE SHOW. Ano naman ang kanyang birthday wish?

"May nagtanong na sa akin niyan... wala akong maisip na isagot.

"Kasi totoo naman na masaya ako at kuntento at this point.

"Pero no’ng pinag-isipan ko ’yong mga bago kong goals for myself, uhm... gusto ko sanang magkaroon ng show tungkol sa dancing.

"Iyon ang gusto ko... at saka mag-host.

"’Yong parang dance contest na show na makakasayaw din ako!

"Hilig ko talaga ang pagsasayaw. Isa siyang facet ng pagkatao ko na gusto ko ring i-share sa mga tao.

"Gusto kong karerin ang pagsasayaw. Oo, kasi magandang workout siya!

"At saka masaya siya. Maganda ’yong natural high na nakukuha mo from dancing. ’Yon!"

SURPRISE GIFT FROM DENNIS? Ang rumored boyfriend niyang si Dennis Trillo, may birthday gift na sa kanya?

"Wala pa," nangiting sagot ni Bianca.

Pero usap-usapan na meron daw surprise sa para sa kanya ang aktor?

"Surprise nga, e! Ang pangit naman na tatanungin ko siya, ’May surpise ka raw sa akin?’" sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Bianca, "E, hindi ko pa naman siya nakikita today."

Kahit papaano ba ay may celebration pa rin kahit munting salu-salo lang with her family at kasama si Dennis?

"Oo," matipid na sagot ni Bianca bago muling nangiti.

U.P. FILM COURSE. Katatapos lang mag-graduate ni Bianca ng kursong Bachelor of Arts in Digital Filmmaking sa U.P. at malaking advantage daw ito sa kagaya niyang nasa showbiz.

Aniya, "Nagagamit ko na siya before pa kahit hindi pa ako nakaka-graduate.

"Kasi bilang artista, nakakatulong na may kaalaman ka tungkol sa mga behind the scenes work.

"Pero ’yong magagamit na bilang direktor talaga... mahirap iyon, e.

"Kasi kailangan talagang maglaan ng time. Hindi puwedeng paisa-isang araw lang.

"Siyempre, kahit ilang beses na ako nakapagdirek ng mga MTV, amateur pa lang naman ako.

"Kailangan kong i-develop talaga ’yon.

"Pero just this month, nagkaroon ako ng offer actually na maging in-house director for a production house."

Tinanggap niya?

"Uhm... parang initial talks. Sinabi nila na interested sila sa akin.

"Sinabi ko rin sa kanila ang gusto ko.

"Pero inaantay pa nilang matapos ang Broken Vow para makapag-work ako sa kanila."

Ang Broken Vow ang afternoon series na pinagbibidahan ni Bianca sa GMA-7.

Pagsasabayin niya ang pag-aartista at ang pagtatrabaho para magamit din niya ang napag-aralan niya?

"Pagkatapos ng Broken Vow, wala pa akong show, e. So, wala na rin akong school na pagkakaabalahan.

"At least, parang hindi ako idle, di ba?

"Kaya do’n ko siya matututukan... na lagi akong may ginagawa," panghuling sabi ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN