ER Ejercito reveals doing remake of FPJ-Ramon Revilla Sr. starrer with Cesar Montano

"Nag-usap na po kami ni Pareng Cesar Montano sa [nakaraang] Star Awards. Balak po naming i-remake yung Iyo Ang Tondo, Kanya Ang Cavite. Siya sa Cavite at ako sa Tondo," says Governor ER Ejercito when asked about his next action movie.


"Well, it’s a great honor and privilege na ma-recognize ng mga academicians, mga educators.

"Nare-recognize po ang ganda na aming nagawa dito sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

"Talagang it has been a great year for us sa Scenema Concepts, sa Viva Films."

Ito ang naging pahayag ni Governor ER Ejercito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertain Porlatal) matapos niyang tanggapin ang parangal bilang Natatanging Alagad ng Sining mula sa 10th Gawad tanglaw noong Huwebes, March 15.

Ginanap ang nasabing pamimigay ng parangal sa Tanghalang Ernesto Palanca ng University of Perpetual help System-DALTA, sa Las Piñas.

Ang Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akdemisyan ng Aninong Gumagalaw ay taun-taong ginaganap sa iba’t ibang unibersidad na kasapi ng grupo.

Nasa ikasampung taon na sila sa kanilang paggawad ng natatanging parangal sa kahusayan ng mga nominado mula sa larangan ng pelikula, telebisyon, radyo, at diyaryo.

Nakakuha rin ng dalawa pang award ang Asiong Salonga sa larangan ng Editing at Cinematography.

Dagdag pang sabi ni Governor ER, "Last year sa MMFF [Metro Manila Film Festival] marami kaming nakuhang awards.

"Ngayon naman sa Star Awards ay siyam," pagtukoy niya sa nakaraang Star Awards for Movies na ginanap noong March 14.

"Kaya sana makakuha pa kami ng maraming awards sa darating na panahon," pagpapatuloy pa ni Governor ER.

HIS NEXT ACTION FILM? Dahil sa sinasabing tagumpay sa takilya ng Asiong Salonga, muling nagbalik ang interes ng mga manonood sa action films.

Kaugnay nito, napapabalitang gagawa na naman si Governor ER ng panibagong action flick, this time kasama si Cesar Montano.

Kuwento niya, "Nag-usap na po kami ni Pareng Cesar Montano sa Star Awards.

"Balak po naming i-remake yung, Iyo Ang Tondo, Kanya Ang Cavite. Siya sa Cavite at ako sa Tondo."

Ang original na gumanap sa nasabing pelikula ay ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. at ang datings senadoir na si Ramon Revilla, Sr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinalabas ang pelikula noong 1986.

Sabi pa ni Governor ER, "Inaayos na po ang script at hofefully by next year...

"Matatapos ko na yung El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN