Part 1. Direk Brillante Mendoza on doing a movie with Superstar Nora Aunor: "Nae-excite ako do’n sa idea of discovering what would come out of this collaboration."

Direk Brillante Mendoza—multi-awarded film director of internationally-acclaimed movies Captive, Kinatay, Serbis, among others—does not want to provide details of his new movie starring Superstar Nora Aunor. Suffice it to say, the director of photography is Odyssey Flores while his co-screenwriter is Henry Burgos.


Matunog na matunog sa local showbiz industry ang gagawing pelikula ng Cannes-winning director na si Direk Brillante Mendoza na tatampukan ng Superstar na si Nora Aunor.

Naging usap-usapan ito dahil naiulat na nagsimula na raw ang shooting ng pelikulang Thy Womb, isang indie film, noong March 17, matapos makabalik sa bansa ni Ate Guy noong February 24.

Kinumpirma na agad ni Nora sa kanyang interviews na gagawa siya ng pelikula na ididirek ni Brillante nang dumating siya sa bansa.

Para mas malinawan ang ilang detalye, sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Brillante noong March 12 sa kanyang opisina at garden-residence sa Chantily Villas, Mandaluyong City.

Kasalukuyang abala noon ang premyadong filmmaker sa pag-aasikaso ng mga alagang halaman sa kanyang magandang hardin.

"Nothing concrete pa," simulang banggit ni Direk Brillante (o Dante Mendoza, sa iba niyang kaibigan).

Hangga’t maaari’y ayaw raw niyang magbanggit ng anuman tungkol sa bagong proyekto.

"We have an ongoing negotiation with TV5, kasi hindi lang naman si Nora ang artista, may iba pa.

"So, there’s nothing concrete yet. Anything can happen.

"Hindi ko pa ma-commit, kasi ’pag nag-commit ako at mapapako lang..." ayaw ni Direk Brillante na siya pa ang masisi sa bandang huli.

Dagdag pa niya, "Sa mga fans, dapat... nandito na tayo sa 21st century, so dapat [progressive na ang thinking]!

"Alam mo naman ako, depende sa attitude ng mga tao, depende sa sitwasyon."

Ang napapag-usapan, at nabanggit na rin sa write-ups, sina Lovi Poe at Mercedes Cabral ang makakasamang mga aktres ni Nora sa gagawin nilang pelikula.

"I can change ideas, I can change story.

"Kapag may nag-maldita diyan, puwede ko rin siyang tanggalin sa cast. Puwede ko siyang palitan," babala ni Direk Brillante.

"But we’re talking to Guy, siya yung more or less [sigurado]. Okey na siya," pagtiyak ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOING A FILM WITH NORA AUNOR. "Siyempre, may excitement!" natutuwang naibulalas din ni Brillante nang tanungin ng PEP ang prospect of finally doing a film with Nora.

"Ang take ko doon... era ko kasi yung era ni Nora—the ’70s. So, na-witness ko yung significance niya sa industry.

"Di ba? Yung impact niya was... may impact siya, whether we like it or not!

"Kahit ano pang sabihin mo sa kanya, may impact siya sa film industry natin.

"So, that in itself, malaking bagay na yun, e.

"Makikipag-collaborate sa kanya, malaking bagay na yun.

"You also become part of history somehow. Because she was really a part... a major player sa film industry—sa history natin.

"So, just the idea of collaborating with her, malaking ano [bagay] na yun."

MAJOR FILIPINO ACTOR. In-emphasize din ni Brillante Mendoza ang una niyang pakikipag-collaborate with "a major Filipino actor."

"In a way, this is my first time... after Isabelle Huppert. Siyempre, Isabelle naman is a foreign actor."

Bidang aktres si Huppert, isang Pranses, sa Captive (2012)—ang pinakahuling pelikula ni Direk Brillante na itinanghal noong Pebrero bilang Main Competition entry sa Berlin International Filmfest sa Germany.

"Pero si Nora... is really the first time. So siyempre, nae-excite ako sa idea na ’yon!

"What could come out of the film after collaborating with her?" naisip daw ni Brillante.

"Maraming speculations diyan. Yung iba, puro negative ang sinasabi but they’re all excited [just the same].

"Ako naman, nae-excite ako do’n sa idea of discovering what would come out of this collaboration.

"And also learning from her, kasi I mean, there must be something in her.

"Hindi ka naman basta magiging superstar nang ganun-gano’n lang...

"I mean, from nowhere, bigla ka na lang magiging part ng history, dahil wala lang [ba]?

"There must be something in her!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang hindi ko pa na-experience—na-witness ko lang...

"This time, I’ll try to experience it myself—by working with her. ’Yon!"

ANTICIPATED "PROBLEMS"? Sabi pa ni Direk Brillante, tungkol sa pakikipagtrabaho sa Superstar, "Hindi ako nag-a-anticipate ng problema. Never akong naging gano’ng tao.

"In fact, maraming... kahit sa ibang mga projects ko, sa mga artista ko... [sasabihin ng iba], ’Ay naku, ganyan ’yan!’

"Ako kasi, for as long as wala akong personal experience sa mga tao na naging negatibo, in real life, moreso, hindi kailangang maging gano’n [ang attitude ko].

"Hindi maganda yung gano’n, na pinangungunahan mo ng isang problema ang isang bagay na hindi pa naman problema.

"And there’s no such thing as gano’ng problema. Hindi ako naniniwala doon!

"At kahit magkaroon ng aberya, o hindi masyadong maging smooth, hindi ibig sabihin problema na yun.

"Ibig sabihin, hindi lang nangyari yung ine-expect mo noon, na ganoon.

"E, wala namang perfect na [set-up], e."

PANORAMIC. Magiging kasing-laki ba ng Captive ang gagawing pelikula nina Direk Brillante at Nora?

"Ayaw mo talaga akong tigilan, ha!" natawa si Direk Brillante.

Ang impression na ipinabatid niya sa PEP, ang "collaboration project" niya with Nora will "neither be as big as Captive nor as small as the likes of Kinatay and Lola" among other Brillante Mendoza films.

Non-commital din si Direk Brillante as to the film’s title.

"Hindi siya gano’n. Kasi, unang-una, everytime I make a film, I don’t want to repeat myself.

"Walang repetition in terms of style, story—everything!

"This will showcase naman a different kind of texture and look in terms of visuals!

"Definitely, one hundred percent sure ako doon!"

Ang magiging director of photography (DOP) ng gagawing pelikula ay si Odyssey Flores, ang multi-award-winning cinematographer ng Serbis, Kinatay, at Lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma rin ni Direk Brillante ang isa sa mga katuwang na nagsulat ng dulang-pampelikula, si Henry Burgos, ang screenwriter ng Busong ni Auraeus Solito na naging Philippine entry sa Cannes 2011 (Directors’ Fortnight Section).

"Hindi na ako magkukuwento, but in terms of look, it’s gonna be a lot... panoramic!" masayang pagbanggit pa ni Direk Brillante sa magiging Nora Aunor-starrer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN