Part 2. Direk Brillante Mendoza on criticisms of Captive at Berlin Film Festival: "Nandoon ako, nakita ko kung paano dinumog yung pelikula ko, kung paano pinalakpakan."

As far as his most recent film projects are concerned, multi-awarded film director Brillante Mendoza considers Captive as one of the more controversial films he has directed. Captive earned both rave reviews and negative critiques after it was exhibited in film festivals abroad. In this interview, Direk Brillante laments that after Captive’s numerous exhibitions abroad, it has not been and cannot be shown yet in the


Bukod sa bago niyang project kasama si Nora Aunor, binanggit din ni Direk Brillante Mendoza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pelikula niyang Captive, na napasali sa Main Competition ng 62nd Berlinale (Berlin International Film Festival) sa Germany noong Pebrero 9-19, 2012.

Nang makabalik siya sa bansa matapos ang 10-day filmfest, wari’y naging "tahimik" ang kampo ni Direk Brillante.

Kung may iba mang filmfest abroad na pagpapalabasan ang Captive o kung maire-release na sa ating bansa para mapanood na ito ng mga Pilipino ay nananatiling palaisipan.

"Wala pa rin," sabi ng direktor on Captive’s other prospects.

Paliwanag niya, "Ang mga pelikula ko kasi, they have international distributors.

"Ang mga international distributors ang nagde-decide.

"Ang sitwasyon kasi diyan, kapag ang isang pelikula naipalabas sa isang festival, hindi lahat ng mga naipapalabas na pelikulang Pilipino sa abroad ay may distributors.

"Karamihan, sa festival lang sila. Yung mga pelikula ko, like Captive, may mga distributors sila.

"The distributors decide where the film should go. Diskarte na nila ’yan.

"Once naipasok mo na sa major festivals, ang mga susunod na festivals, depende na sa distributors.

"Halimbawa, [like Lola], nabenta na ba ito sa Spain?

"Kung nabenta na, ano ba yung major festivals sa Spain na puwede itong ipalabas?

"In the case of Captive, after it competed in Berlin, wala na akong kinalaman—it’s now the distributor’s decision."

So far, Captive, according to Brillante, has been sold for distribution to countries like Spain, Italy, Portugal, Brazil, France, and Belgium.

"Marami na siyang iikutan," banggit pa niya.

NEGATIVE REVIEWS. Masaya ba si Brillante sa turnout ng Captive sa Berlin Filmfest?

"Very much!" bulalas niya.

"Ang importante kasi doon... kasi dito sa atin, usually ang pini-pickup, yung mga negative reviews."

Sa duration ng Berlinale, may mga lumabas na negative reviews ang Captive na nag-circulate sa Internet at social networking sites, tulad ng Facebook at Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang dito ang negatibong pagtukoy sa Captive.

"The bad movie that mainly defines the ’Captive’ experience is epitomized by a CGI [computer generated image] bird..." ayon sa review ni Eric Kohn, ng Indiewire.

Opinyon ni Kohn, hindi nakatulong sa naratibo ang "strangely colorful and obviously artificial being."

Ang kuwento ng Captive ay base sa totoong insidente ng Abu Sayyaf kidnapping ng mga Pinoy at foreigners sa Palawan.

Ayon pa sa review ni Kohn, "The non-fiction backdrop and passing conversations about the politics driving the situation imply that Mendoza wants to make something deeper than a genre exercise, but neither Huppert nor various plot twists can salvage Captive."

POSITIVE REVIEWS. Kung may negative reviews, mayroon ding pambalanseng positive o rave reviews ang Captive.

Isa sa mga ito ay ang review na isinulat ni Nigel Andrews, international film critic, titled "Berlin Awards: A Mix of Farce and Tragedy," na lumabas sa opisyal na publication ng 62nd Berlinale.

Na-publish ang review, na pabor sa Captive at kay Direk Brillante, noong February 19, 2012, matapos ang BIFF awards night.

Nanalo ng Golden Bear Award (Best Picture) ang Italian film na Ceasar Must Die ng magkapatid na Italian filmmakers na sina Paolo at Vittorio Taviani.

Pero ganito ang naging assessment ni Nigel Andrews sa kabuuan ng mga award: "For the record, the main Berlin awards should have been as follows: Golden Bear: Just The Wind (by Bence Fliegauf/Hungary), Special Jury Prize: Brillante Mendoza’s Captive from the Philippines, which plunged us vividly into the fray and turmoil of a truth-based hostage crisis. Best actress, by a mile: Isabelle Huppert, giving her formidable all, in Captive."

Sa kanyang review ay tinutulan ni Andrews ang naging resulta ng parangal ng Berlinale, tulad ng Golden Bear award for Best Picture sa Caesar Must Die at Silver Bear award for Best Actress ni Rachel Mwanza para sa Rebelle (War Witch), a Canadian film, by Kim Nguyen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala mang Special Jury Prize na ipinagkaloob sa Berlinale, nais pa rin ng foreign reviewer-critic na manalo ng ganitong award ang Captive ni Mendoza, na tiyak na pabor sa mga co-producers ni Brillante mula sa France, Germany, at Britain.

Ayon nga kay Direk Brillante, "One of the worst critiques of the festival was the major winner, Caesar Must Die... very negative [review]."

At may katuwiran si Andrews sa pagpili niya sa Just The Wind bilang sana’y Best Film dahil most awarded ito sa festival. Bukod sa Grand Jury Prize, it also won the Peace Film Award and the Amnesty International Film Prize.

Ugnay rito, marapat ding tukuyin na may rason ang foreign critic sa pagbibigay-pabor sa Philippine entry na Captive.

Next, ang isa pang positibong review ng Captive na sinulat naman ng female critic na si Jessica Kiang, may titutlong "Brillante Mendoza Takes Us All Captive’in Vital, Bruising Kidnap Tale."

Nakasaad sa review ni Kiang: "Filipino director Brillante Mendoza returns to screens and to the festival circuit with Captive, which marks—if not a departure from his previous style—a welcome evolution of it..."

Pinuri din ng kritiko ang directorial style ni Mendoza na aniya’y "... finally harnessed, channeled and focused; delivering a jolt of authenticity that sends currents of immediacy, coursing through the film’s veins."

Tulad ni Andrews, si Kiang ay may mataas na pagtanggap sa pangunahing aktres ng Captive.

"In this endeavor, he (Brillante) is helped by yet another fine, egoless turn from Isabelle Huppert... Mendoza has actually managed to invigorate both a potentially tired story and his own potentially tiring tendencies—to create a work of urgency you live, rather than watch!"

MARATHON INTERVIEWS. Nagbigay naman ng makahulugang mga pahayag si Direk Brillante hinggil sa mga negatibong kritisismo sa Captive.

At maging sa mga naunang pelikula niyang napuna man nang negatibo ay pawang nagkaroon ng mga pagtatanghal at parangal sa iba’t ibang international filmfests—tulad ng Masahista (2005) sa Locarno (Switzerland), Kaleldo (2006) sa Rome (Italy), Tirador (2007) sa Karlovy Vary at Berlinale; Foster Child (2007), Serbis (2008), at Kinatay (2009), na pawang Cannes Filmfest entries; at Lola (2009), ang winning film sa isang Spanish Filmfest at main competition entry sa Venice, Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, sa totoo lang, I am above all these," sabi ni Brillante sa PEP.

"Kasi unang-una, ako ang nakakaalam dahil ako ang nandoon. Ako ang nakaka-witness, more than anybody else.

"Kumbaga, mag-post man sila ng negative reviews, sa sarili ko, mas alam ko dahil na-experience ko—first-hand!

"Nandoon ako, nakita ko kung paano dinumog yung pelikula ko, kung paano pinalakpakan."

Brillante also informed PEP na sa nakaraang Berlin Filmfest, nagkaroon daw ng marathon interview sa kanya ang BIFF media ugnay sa kanyang film entry.

"In-interview ako for four days, from 9 to 5 p.m. How can you beat that?" sabi niya.

Pinatunayan naman ni Mark Joseph Griswold, isa sa mga assistant ni Direk Brillante, na mayroong files ng mga positive reviews at mga litratong kuha sa matagumpay na pagsali ng kinatawan ng bansa at ng pelikulang Captive sa Berlinale 2012.

Sabi ni Direk Brillante, "Si Mark nandoon.

"Ipinakita sa kanya yung list [ng foreign journalists], ’Look at the request for Brillante?’" sabi pa raw ng media coordinator.

"Darating ang isang taga-media, ’Who are you and what publication are you from?’

"’Pag wala sa listahan, ’You’re not on the list!’ At hindi siya papayagang mag-cover o mag-interview.

"Yes... meron ding mga gaka [gate crashers] doon! Pero may twang [accent] sila. At nasa Berlin sila... na naka-fur coat!

"Ano ba ang sinasabi ng [BIFF] publisher namin?" dagdag ni Brillante.

"Ano daw ang ipinapakain ko sa mga journalists at buong mundo, e, ako raw ang gustong interbyuhin?

"Nanggaling yun sa kanila, hindi sa akin."

CITATION FROM THE AMBASSADOR. More than the winners, more than anybody, si Brillante nga raw at ang Captive ang masasabing isa, if not the most celebrated, competition entry sa Berlinale 2012.

"Nakita ko yun! Na-experience ko yun! How can you beat that?

"Kaya sabi ko, no amount of negative criticisms and reviews [can topple what Captive has achieved].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang nangyari. That’s the truth. That’s the reality!"

Bilang patotoo pa rin, binanggit ni Direk Brillante sa PEP ang liham na mula sa Filipino Ambassador to Germany, si Maria Cleofe Natividad, na ipinadala sa Department of Foreign Affairs (DFA).

"Sumulat siya sa DFA kasi siya mismo, naka-witness, nakita niya ang magandang resulta doon.

"And she acknowledged the film’s success as well."

Ang pag-acknowledge ng ating Embahada sa Alemanya ay napaulat sa GMA online ("Thumbs Up for Pinoy Films in Berlinale World’s Biggest Filmfest") noong Pebrero 23, 2012, kung saan pinapurihan niya ang mga Filipino filmmakers na ang mga obra ay pumukaw sa interes ng marami sa ginanap na Berlin International Filmfest.

Ayon pa sa ulat, unang pagkakataon iyon matapos ang 29 taon, na isang pelikulang Pilipino ang naging main competition entry sa Berlinale.

Ang huling pelikulang nag-compete sa Berlin, in 1983, ay ang Himala (1982), a Nora Aunor topbiller, sa direksiyon ng National Artist na si Ishmael Bernal.

"We are proud of our Filipino filmmakers. Their films made a strong showing in the Berlinale and generated a lot of international interest," pahayag ng Filipino ambassador.

Bukod sa Captive (Main Competition), nakasali rin nga sa Berlinale 2012 ang mga pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank ni Marlon Rivera (Forum Section); Nono, isang short feature film, ni Rommel Tolentino (Generation Kplus Section); at Pusong Wazak! ni Khavn de la Cruz (Short Film Section).

Sabi pa ni Ambassador Natividad, "The Berlinale is an international film festival, unlike any other—you have a wide but very discerning audience coming from all over the world.

"It is a great honor for a Filipino film to be fielded, in the Main Competition!"

’’UNDOCUMENTED." Sa pakikipag-usap niya sa kinatawan ng ating Embahada, sinabi raw ni Brillante, "Ito po ang hindi nakikita sa Pilipinas. Ito po ang hindi nila alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ako po ang magsasalita, hindi maganda—para akong nagbubuhat ng sarili kong silya.

"Pero ngayon, being a government official yourself, it’s your experience.

"Hindi ko po sasabihin kung ano ang nakita n’yo... ano ang na-witness n’yo?"

Ayaw ni Brillante, hangga’t maaari, na mag-reveal pa ng mga naging kaganapan sa Berlinale, pero naisip niyang kailangan ding ibahagi niya ito para mabalanse ang mga negatibong kritisismo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN