JC Tiuseco on passionate love scenes and butt exposure: "Kailangan ko pang sabihin sa parents ko ang tungkol do’n."

JC Tiuseco on why he needs to consult his parents before accepting roles which will require him to do passionate love scenes and butt exposure: "Mas maganda siyempre na alam din nila bago ko gawin. Nasa right age na ako. Pero siyempre, mas maganda pa rin na nagpapaalam ka sa parents mo."


Pagkatapos ng Kokak, pahinga raw muna sa paggawa ng teleserye sa telebisyon ang Kapuso hunk na si JC Tiuseco.

Pelikula muna raw ang sunod niyang pagkakaabalahan.

"Tatlo ang gagawin kong movies—’yong Desperado at Super Mao sa Regal Films, at may isa sa GMA Films," kuwenyo niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, March 20, sa Dulcinea sa Morato, Quezon City.

"Sa Desperado, makakasama ko sina Fabio [Ide], Mikael [Daez]. Hindi ko pa alam ’yong ibang members ng cast, e.

"Wala pa kaming story conference. Wala pa silang sinasabi, pero naka-lineup na raw nga iyon na gagawin namin."

Medyo sexy na comedy raw sa pagkakaalam niya ang tema ng nasabing project.

Kaya siguradong maraming eksenang ipapakita nila nina Fabio at Mikael, kasama niya sa Mercator Model and Artist Management, ang kanilang katawan.

"Malamang!" sagot ni JC sabay tawa.

"’Yong Super Mao naman, I think iyon ang launching movie ni Venus [Raj] sa Regal.

"Hindi ko pa lang alam kung ano ang role ko. Kung leading man ba niya ako o ano. Wala pa ring sinasabi sa akin.

"’Yong sa GMA Films, isang romantic-comedy naman.

"Pero hindi pa rin nila sinasabi kung sinu-sino ang makakasama ko sa cast."

ZREO LOVELIFE. Nangiti naman ang model turned actor nang mausisa ang current status ng kanyang lovelife.

"Zero pa rin!" aniya.

Bakit nga ba tumatagal na loveless pa rin siya?

"Hindi kasi ako lumalabas, e. So, wala akong nakikilalang girls.

"Wala pa rin, e. May ipapakilala ka?" sabay tawa ng binata.

Kailangan pa bang may ipakilala o ireto sa kanya? Sa dami ng mga babaeng humahanga sa kaguwapuhan niya?

Gumimik lang siya sa isang bar halimbawa, tiyak na may mga girls nang lalapit at makikipagkilala sa kanya.

"Hindi ako nagpupunta sa mga bar, e. And siguro darating din tayo diyan," na makaka-meet daw siya ulit ng babaeng gugustuhin niyang ligawan at maging girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, makikilala ko siya soon. Malay mo this year magka-girlfriend na ako."

Sabi pa ni JC, "Hindi na talaga ako gumigimik. Ngayon, hindi na masyado, e.

"Kapag wala akong trabaho, mas pinipili ko na matulog na lang tapos mag-work out kinabukasan."

Pagkatapos nilang maghiwalay noon ni Maxene Magalona, bakit nga parang nawalan na siya ng interes hindi lang sa pagkakaroon ng ulit ng lovelife kundi maging sa social life din niya?

"Nag-focus kasi ako sa work at sa sarili ko.

"Kasi kapag may girlfriend ka, di ba, hindi mo naman magagawa ang lahat ng gusto mong gawin, e.

"Dahil ’yong time mo, divided na.

"Kapag may girlfriend ka, you really have to spend a lot of time para maipakita mo sa girl kung gaano mo siya kamahal, di ba?

"Siyempre, mas maganda na ayusin mo muna ’yong sarili mo bago ka mag-girlfriend."

Mas gusto ba niya ngayon ’yong relasyon na unofficial? ’Yong walang commitment o seryosong relasyon pero nagkakaintindihan sila ng girl?

"Wala yatang nagkakamali sa akin na gano’n!" saka siya tumawa nang malakas.

Hindi siya open sa tinatawag na "fling" o "one-night stand" lang?

"Wala nga, e," matipid na reaksiyon nni JC.

WELL MAINTAINED. Sa isang guwapo at hunk actor na kagaya niya, parang ang hirap ngang paniwalaan ng gano’ng sinasabi niya?

"Darating din ’yan," tawa ulit niya.

"Sa ngayon, wala talaga. Nasa’n sila?

"Two years na akong walang girlfriend, e."

Birong kasabihan, "ang kotseng hindi nagagamit o napapaandar sa matagal na panahon, nag-i-stock up ang makina, kinakalawang, hanggang sa tuluyang masira na."

"’Yong sa akin, well-maintained!" halakhak niya nang hingan namin ng reaksiyon.

"Well maintained by myself, kumbaga!" at saka niya pinakawalan ang mas malakas na tawa.

"Uhm, siguro pagdating sa girls, ayoko munang manligaw na ano... ’yong hindi ko talaga gustung-gusto ’yong girl.

"Kahit minsan, makita ko, attractive, crush ko. Pero gusto ko kasi kapag niligawan ko, sure ako na siya na talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ibang mga aktor, dahil sa tagal na hindi nagkakaroon ng lovelife, iniintriga ang gender. Na baka hindi totoong lalake o lalake rin ang hanap.

Ano ang masasabi niya rito?

"Uhm... wala naman sa aking isyung gano’n. And I’m very sure about my masculinity," tugon ni JC.


GOOD CATCH. Pero ang tingin ng maraming kababaihan sa kanya ay isa raw siyang "good catch." Perfect boyfriend-material daw na kaiinggitan ang sinumang maging girlfriend niya?

"Sana tama sila!" sagot nito saka siya uli humalakhak.

"Uhm, siyempre kapag nagka-girlfriend ako, gusto ko... I make sure na maibibigay ko sa kanya ang lahat ng kaya kong ibigay.

"Na talagang aalagaan ko siya.

"So, talagang nag-aantay lang ako kung sino ’yong girl na ’yon."

Paano kung imbes na babaeng pasadong maging girlfriend niya ay gay suitors ang dumating?

"Out ako diyan!" tawa ulit ni JC.

"Siyempre, I’m for girls, e, di ba?"

HE IS CONTENT. Kuntento naman daw si JC sa nangyayari sa kanyang career at maging sa personal life niya ngayon.

"Kuntento naman as of now kasi hindi naman ako pinapabayaan ng GMA.

"I’m just waiting for my new project. Kakatapos lang ng Kokak.

"And ngayon, I’m waiting na mag-start na ang shooting ng mga movies na naka-line na gagawin ko.

"Kaka-sign ko lang ng bagong contract sa GMA. And guaranteed naman doon na aalagaan nila ako.

"So, okay naman."

Handa na ba siya ngayon sa medyo daring o sexy role na talaga na halimbawa ay may butt exposure o kaya ay matitinding love scenes?

"Tingnan natin," sabi ni JC.

"Hindi ko pa puwedeng sabihin na ayaw ko, e. Hindi ko rin puwedeng sabihin na gusto ko.

"Kasi ako hirap din ako sa ganyan, e, di ba?Parang hindi ko pa na-try.

"A... we’ll see. Depende. Depende sa pag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos siyempre, kailangan ko pang sabihin sa parents ko ang tungkol do’n.

"Ayoko naman na basta-bastang gawin na hindi nila alam."

Takot siyang ma-shock na lang ang parents niya in case gawin niya ’yon?

"Hindi naman. Kaya lang, mas maganda siyempre na alam din nila bago ko gawin.

"Nasa right age na ako, pero siyempre, mas maganda pa rin na nagpapaalam ka sa parents mo," sabi ng 26-year-old Kapuso actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN