Have Cristine Reyes and Rayver Cruz already called it quits?

"Ok naman po kami ni Rayver. Same pa rin. Wala naman pong issue na dapat pag-usapan..." says Cristine Reyes in a short text message she sent to PEP about her reported breakup with Rayver Cruz.


Nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, March 22, ang usap-usapang nag-break na diumano sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Hindi pa ito kumpirmado, subalit kung totoo ngang hiwalay na ang dalawa, isang source ang nagsabing ang pagkakaiba ng kanilang personalidad ang posibleng dahilan ng hiwalayan.

Nagpadala agad ng text message ang PEP sa Star Magic, na siyang nagma-manage ng career ni Rayver, upang kumpirmahin ang balitang nakalap namin.

Subalit wala raw silang ideya at aalamin pa raw nila kung totoo nga ang balita.

Nagpadala rin ng text message ang PEP ngayong umaga, sa cell phone number na ibinigay ni Cristine noon, at tinanong tungkol sa balita.

Matapos ang dalawang oras, sumagot si Cristine. Ito ang laman ng text message (published as is):

"Ok naman po kami ni Rayver. Same pa rin. Wala naman pong issue na dapat pag-usapan... Haay kayo talaga hmp! J"

Sinubukan din naming tawagan ang number na ginamit ni Cristine sa pagsagot sa aming query. Noong una, nagri-ring ito, pero nang maglaon, out of reach na.

Mananatiling bukas ang PEP para sa paglilinaw na gustong ibahagi nina Cristine at Rayver tungkol sa balitang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN