Bianca King on status of relationship with Dennis Trillo: "It’s a very, very personal and sacred thing na sinusubukan naming i-nurture nang tama sa labas ng work."

While Bianca King tries to shy away from queries about her real relationship with Dennis Trillo, she just politely replies: "It’s a very, very personal and sacred thing na sinusubukan naming i-nurture nang tama sa labas ng work." She even stresses that everybody involved has moved on and that includes Jennylyn Mercado, Dennis’s ex-girlfriend, who is reportedly in a relationship with Luis Manzano.


Ipinagdiwang ni Bianca King ang kanyang 26th birthday noong Linggo, Marso 18.

Siyempre, hindi puwedeng walang regalo sa kanya ang nauugnay sa kanyang si Dennis Trillo.

Bagama’t ayaw sabihin ni Bianca kung ano ang birthday gift sa kanya ni Dennis, sinabi niya na ito raw ang pinakaespesyal na regalong natanggap niya mula sa aktor.

Ayon kay Bianca, "Basta it’s the best gift he ever gave me.

"Lahat ng mga nairegalo niya sa akin since last year, talagang alam niyang kailangan ko, gusto ko, magagamit ko sa pang-araw-araw.

"Hindi siya yung magbibigay lang just for the sake of magbibigay or magbibigay ng mahal para lang masabing mahal. Hindi siya ganun.

"Very thoughtful siyang magbigay ng regalo."

So, ramdam niya ang pagmamahal ni Dennis?

"Yes," simpleng sagot ng aktres.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa charity event na pinili niyang gawin kaugnay pa rin ng kaarawan niya, kasama ang mga bata na nasa pangangalaga sa Department of Social Welfare and Development sa Quezon City na ginanap kahapon, Marso 21.

STATUS OF RELATIONSHIP. Still on Dennis, nang matanong si Bianca sa Showbiz Central noong Linggo, March 18, kung ano na ang status ng relationship nila ng aktor, hindi niya ito sinagot nang direkta at lumihis siya ng pagsagot.

Kaya naman nagtangka ang PEP na itanong ulit ito kay Bianca kahapon.

Sagot niya tungkol sa status nila: "Same lang, hindi pa rin nagbago.

"Pinipili kong huwag i-discuss directly yung mga ganung bagay kasi isa akong tao na ang focus ko ay nasa pagkatao ko, nasa work ko.

"For me kasi, nagkakaroon ako ng impression minsan na kapag naiso-showbiz masyado yung personal life, parang you’re capitalizing on your personal life para mapag-usapan—that’s just me.

"Parang natatakot ako na masabihan ng tao ng ganun."

Pero nasa ligawan stage pa rin ba sila o sila na ba ni Dennis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro si Dennis na lang ang tanungin n’yo. Siya na lang.

"Alam naman niya kung ano yung tama. Ayoko siyang pangunahan."

Paano niya ba ilalarawan ang relasyon nila ngayon?

"It’s a very, very personal and sacred thing na sinusubukan naming i-nurture nang tama sa labas ng work.

"So, parang kung iniisip ng mga tao na nakikita kami together on screen, na parang nagiging leading man ko siya—yung relationship namin goes beyond work definitely."

Espesyal siya sa iyo?

"Cliché na yun!" natatawang sabi ni Bianca.

"I don’t think I wanna say that. That’s so cliché.

"Yun nga, that’s why I really try to find words kasi hindi naman namin ide-deny iyan, e. We would never deny it naman."

Pero never din naman silang direktang umamin. Napag-usapan ba nila ni Dennis na huwag talagang umamin tungkol sa relasyon nila?

"Kasi for people, siguro ang nakasanayan nilang aminan is yung mga cliché na sagot.

"So, I guess kami, there’s some more intelligent way to acknowledge the truth about something without being so blatant or straightforward, yun, na parang hard sell.

"Ayaw rin naman naming maging hard sell.

"Parang kung ano yung makita ng mga tao sa amin, open naman kami.

"Pero hindi yung kailangang paulit-uliting sabihin na parang isaksak sa mukha ng mga tao na ’eto yung totoo, yung ganun."

NO ISSUE WITH JENNYLYN. Sa isa sa mga interview ni Bianca sa Showbiz Central noon, kasama sa hosts na nag-interview sa kanya si Jennylyn Mercado, ang ex-girlfriend ni Dennis.

Wala bang awkwardness o ilangan sa tuwing magkikita sila ni Jen?

"No, wala na," sagot ni Bianca.

Nagbabatian ba sila?

"Actually, sa Party Pilipinas, magkatabi pa kami minsan.

"There’s nothing... there’s really no intriga between us.

"Sadyang wala lang maintriga siguro sa amin."

Nag-uusap din naman daw sila minsan. At saka pareho na raw naka-move on sina Dennis at Jen dahil may Luis Manzano na rin daw si Jen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Bianca, "Siguro kung may makakaisip man ng intriga, talagang pinipilit lang nila o iniimbento lang nila.

"Kasi wala talaga, e. I mean, hindi naman kami mataray o palaaway na mga tao.

"Wala talaga."

NO SUMMER PLANS YET. Dahil summer na, may plano ba siyang puntahan?

"Summer plans? Wala akong plans.

"Hindi pa ako puwedeng mag-plan kasi nagte-taping pa kami ng Broken Vow," pagtukoy ni Bianca sa pinagbibidahan niyang afternoon soap.

How about bakasyon sa Holy Week break?

Sabi ng Kapuso actress, "It’s one of those days na nasa bahay lang ako.

"Actually, enjoy din mag-stay sa Manila [’pag Holy Week] kasi walang tao.

"Para siyang ghost town kasi nasa probinsiya o bakasyunan ang mga tao.

"Last year nga kakalipat ko lang sa house ko, so nandito lang ako sa Manila nun."

Pati ba si Dennis, dito lang sa Manila mag-stay sa Holy Week?

"Hindi ko alam ang plans niya. Ask him," sagot ni Bianca.

CHARITY EVENT. Kahapon, Marso 21, itinuloy ni Bianca ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa isang charity event kasama ang mga bata sa Department of Social Welfare and Development sa Quezon City.

Dito nakasama ang PEP.

Sa pakikipagtulungan ng GMA Artist Center na nagko-co-manage sa career ni Bianca, mahigit sa 50 na mga bata ang pinasaya ng aktres sa pamamagitan ng games, gift-giving, at kainan.

Isang dance number naman ang regalo ng mga bata para sa kanilang "Ate Bianca."

Bago umalis ay nag-donate pa ang aktres ng bigas, noodles, at iba pang food supplies para sa mga bata sa center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN