Boy Abunda on reported plan to run for governor in Samar in 2016: "That’s not solid."

"Hindi po ako nagsasara ng pintuan. Hindi po ako nagsasara ng puso sa mga pagkakataon. Pero ngayon, if you ask my state of mind, I’m not leaning towards politics," says Boy Abunda when asked about his plan to run for governor in Samar in 2016.


Marami nang usap-usapan noon na papasukin ng veteran TV host na si Boy Abunda ang pulitika.

Mas tumibay ang haka-haka nang makunsidera siya noon para sa isang cabinet position ng bagong administrasyon.

Idagdag pa rito na ang kanyang kapatid na si Maria Fe Abunda ay pumalaot na rin sa pulitika bilang mayor ng Borongan, Samar.

Hindi raw malayong sumunod na rin si Boy sa landas na tinatahak ng kapatid sa kanilang bayan.

Noong nawala ang nightly showbiz-oriented show niyang SNN (Showbiz News Ngayon) at napasama siya s news program na Bandila, mas naging solido ang pananaw ng karamihan na papasok na nga si Boy sa pulitika.

Naipahayag din ni Boy noon sa pagbubukas ng kanilang restaurant na Sir Boy’s Food Republique, na malamang nga ay pasukin niya ang pulitika sa taong 2016.

Pero lahat ng ito ay pawang usap-usapan pa rin hanggang ngayon.

BOY ABUNDA FOR GOVERNOR? Nitong nakaraang Martes, March 20, sa presscon ng bagong advocacy ni Boy na Hope in a Bottle, muling naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa TV host ang tungkol sa planong pagpasok niya sa public service.

Ayon kay Boy, "Hindi solid. Noong ako’y na-involve sa Ladlad Party List, sinabi nila na ako’y naging miyembro dahil interesado ako na maging nominee.

"Natapos na po ang convention ng Ladlad, ako’y hindi nominado. I didn’t run.

"As a matter of fact, dahil nga nagkasakit ang nanay, nabawasan ang aking involvement dun sa nitty-gritty na pamamalakad ng partido."

Patuloy pa ni Boy, "When I spoke at that press conference about politics, sinabi kong hindi po ako magiging nominee sa Kongreso dahil hindi po ako bagay sa Kongreso, dahil it’s legislative.

"Ang interes ko kung ako’y papasok sa pulitika ay executive.

"I’d like to be able to help my province.

"Sabi ko, kung ako’y papasok siguro in 2016, that’s not solid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will go for a position like the gubernatorial position in Eastern Samar kung saan ako’y mahalagang tool para makatulong sa aming probinsiya."

Dugtong pa niyang paliwanag, "But right now, my state of mind, hindi ako masyadong... I’m not leaning towards politics.

"Sabi nga ni Clinton [former U.S. President Bill Clinton], e, ’Public service does not demand public office.’"

Paano kung ang tao na mismo ang manghikayat sa kanyang tumakbo?

Sagot nito, "Ipapaliwanag natin sa tao ’yan, pakikinggan mo.

"You would know what is right. Ang akin lamang ngayon, I don’t close my doors.

"Hindi po ako nagsasara ng pintuan. Hindi po ako nagsasara ng puso sa mga pagkakataon."

"Pero ngayon, if you ask my state of mind, I’m not leaning towards politics."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN